SOUNDTRACK for this chapter:
»Hide and Seek-Jason Chen«Play the song~
***
CHAPTER 13:[Playing Hide and Seek]
Third Person's POV
Mabilis na kinuha ni Lie ang baril sa isang drawer nang makarinig ng malalakas na kalabog sa pinto sa kanyang condo unit.
Sumilip siya sa peep hole ngunit wala naman siyang nakitang tao na maaaring kumatok ng ganon kalakas.Ganumpaman,sinimulan niya ng ikasa ang kanyang baril at unti-unting binuksan ang pinto.Itinutok niya agad ito at lumingon sa kaliwa't kanan ng corridor.Walang tao.
'Sino naman kaya yun?'tanong niya sa kanyang isip.
Pabalik na sana siya sa loob nang may maliit na itim na kahon siyang maapakan.
Loria's POV
"Nasaan ho si Agatha?"tanong ko kay Sister Jean na nasa harap ng gate kung saan naroroon rin ako at hinihintay ang service ko.
"Ang alam ko'y pumasok na siya kasama ang iba niyang kaklase."
"Ganun po ba."Ang aga naman pumasok ng isang yun.Hindi man lang ako ginising para magpaalam.Nakakatampo ha.
*beep beep*
"Oh hija,nandiyan na pala ang service mo."
Napatingin ako sa kotseng papunta samin.Yun nga ang service ko.Namiss ko ang sumakay diyan kahit kahapon lang ako di nakasakay diyan.Nasanay na kasi akong sumakay sa kotse na 'to.
"Babye po sister Jean!"
"Paalam rin hija,magiingat ka."
Kumaway lang ako kay sister Jean bago sumakay sa loob ng kotse."Hello po manong!"bati ko kay manong driver.Aba astig talaga 'tong si manong.Nakaleather Jacket at nakashade.Ang gwapo niya talaga kaso suplado.
"How did you get back to the orphanage yesterday?"tanong nito.Nasa likod ako pero alam kong ako ang kausap niya kahit diretso lang ang tingin niya habang nagmamaneho.Malamang kaming dalawa lang naman ang nandito.
"Umuwi na akong mag-isa.Naiisip ko lang na baka busy pa kayo kaya nag-bus na lang ako hehe."Kagat dila.Liar.Cross finger.Sana maniwala si manong.Kahit imposible yun dahil hindi ko talaga alam kung paano makauwi sa orphanage galing school.Eh ang layo kaya nun.Naliligaw pa nga ako sa palengke kapag inuutusan ako bumili ng kung ano-ano.
Siguro nagtataka si manong kung bakit hindi niya ako nakita kahapon.
Hindi na ulit nagtanong si manong driver.Naniwala kaya siya sa dahilan ko?Naku sana naman.Mabuti na lang at hindi na nagtanong si Manong driver dahil di ko na talaga alam ang isasagot ko at idadahilan.
**
"Sana wag ko na siyang makita."kanina ko pa ibinubulong ang panalangin kong yan habang palingon lingon ako habang naglalakad papuntang classroom.
Hindi ko na talaga kaya kung makikita ko pa ang leader ng Neon Fangs.Hindi ko na din alam kung may mas malala pa akong makikita sa susunod.Ayoko na.Natatakot talaga ako sa kanya.Totoo pala ang sinasabi ni Yael at Luna na nakakatakot siya.
'Kung ano man ang nakita mo,pakiusap itago mo na lang.Huwag mo ng sabihin sa iba.'
Wala akong balak na sabihin sa iba miski kanila Yael ang mga nakita ko na ginawa ng leader ng Neon Fangs dahil yun ang sinabi ng isa pang miyembro ng Neon Fangs.Sa pagkakatanda ko Lie ang pangalan niya.Mas makakabuti siguro kung itatago at isasarili ko na lang ang mga nasaksihan ko.
BINABASA MO ANG
The Underboss is an ex-convict: Mafia Story |ONGOING|
Teen FictionOne of the orphan girl of Rosebert Institute given a chance to enter to the expensive and well known school.It is unusual for the orphan like her ofcourse and the thought of being fortunate seems to change as the day passed inside that school. After...