Sa Locker Ko

596 12 5
                                    



My name is Precious Jade Salvador. Tawag nila sa akin Jade. 4th year high school student. Maputi. Matangkad. Matalino. Pero hindi ako nerd! Magaling ako magdrawing, paint at marami pang iba.

Break time namin ngayon. Kaya nandito ako sa locker kinukuha yung mga gamit ko para sa next subject.

As usual, meron nanamang naglagay ng papel na may drawing sa locker ko. Nagsimula ito nung birthday ko nung June. Wala kasing lock yung mga lockers dito sa school kaya araw-araw may naglalagay ng ganun sa locker ko. Hindi ko naman ipagkakaila na maganda 'yung mga drawings niya. Kaya nakalagay 'yung mga 'yun sa isang folder ko.

Puro mukha ko 'yung mga dinadrawing niya. Ngayon naman, naka drawing 'yung sarili ko na naglalakad papuntang school. Tapos sa baba ng picture may note siya palagi. Napapangiti ako kada mababsa ko 'yung mga notes niya.

Ang sabi ng bestfriend ko na si Mae, 'yung kaklase ko daw na si Paul 'yung naglalagay ng mga drawing sa locker ko.

Paul Ramos yung real name niya. Ang palagi mo lang makikitang hawak niya tuwing wala siyang ginagawa ay libro. Hindi naman siya nerd. Hilig lang talaga niya ang pagbabasa ng libro. Medyo mahirap siyang kausapin kasi puro tango at iling lang kadalasan 'yung ginagawa niya. Pero hindi naman ako naniniwala kay Mae. Oo, bestfriend ko siya pero hindi rin naman din siya sigurado doon. Masama kasi ang magturo.

Pero para sa akin, umaasa na ako na si Luis ang naglalagay nun.

John Luis Morales yung real name niya. I love him. Close kami dati nung freshmen pa lang kami. Pero nawala 'yun nung naging sophomore na kami. Nagkaiba kasi kami ng section at ngayong last year lang namin sa high school naging magkaklase ulit. Simula nung maging kaklase ko na ulit siya, hindi niya na ako gaanong pinapansin. Hindi ko na din naman siya nakausap tungkol dun.

*krrrriiiiinnnngggggg

Yan na yung bell! Time na pala! Oopsss! Muntik ko makalimutan! Yung gift ko kay Luis. Birthday kasi niya ngayon kaya bibigyan ko siya ng regalo kahit hindi na kami masyadong close. Siguro ilalagay ko na lang sa upuan niya. Painting yung gift ko sa kanya. Mukha niya tapos nakasuot siya ng tuxedo dun.

Kumpleto na kami sa classroom pero wala pa rin yung teacher. Siguro absent.

"Classmates!!! Classmates!!!!" sigaw ni Jun na kaklase ko

"Ano yun?" tanong ng mga kaklase ko

"Absent si Ma'am!!!" sigaw niya kaya ikinatuwa naman ng iba.

"Wohoooo!!!" tuwang-tuwa yung mga kaklase ko ito na kasi yung last subject before dismissal

"Hep! Hep! Wag kayong maingay ah! Baka mapagalitan tayo ng mga katabing room." sabi ni Mae na class president ng room namin.

Karamihan sa kanila nasa sahig, nakabilog sila tapos nagkwekwentuhan. Yung iba nagkakantahan. Tapos kung anu-ano pa! Tumabi naman sa akin si Mae at nakipagkwentuhan. Habang si Luis nakikinig lang ng music sa headphones niya tapos si Paul naman, nagbabasa ng libro.

Nagpaalam muna ako kay Mae at kinuha 'yung regalo ko para kay Luis at lumapit sa kanya. Tinapik ko siya kaya napalingon siya sa akin tapos tinanggal 'yung headphones niya.

"Happy birthday!" energetic na bati ko tapos inabot ko yung regalo ko para sa kanya. Pero na disappoint ako nung sinuot na lang niya ulit ang headphones at hindi ako pinansin. Meaning nun, ayaw niyang tanggapin. Tumalikod ako sa kanya at may pumatak na luha galing sa mga mata ko. Kasabay noon ang pagkita ko sa mga kaklase ko na nakatingin sa akin. Agad agad akong tumakbo papuntang cr at doon ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sa Locker KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon