She's In The Friendzone

142 0 0
                                    

*ring* *ring*

Tumunog ang phone ko. Oh, sino naman kaya to? Agang-aga, 5:30 palang dude! Magpatulog ka kahit 30 minutes! >____<

1 new message from Butiki :)

From: Butiki :)

Hoy Babs, gising ka na dyan! Huwag kang masyado kakain a, baka lalong maging baboy ka nyan! :D

-------------- end --------------

Langhiya to ah. Aabalahin na nga ako sa pagtulog, gaganyanin pa ako! TT^TT Replyan ko nga...

To: Butiki :)

Hoy Butiks! Mahiya ka nga dyan, at least ako useful - nakakain ng mga tao. E ikaw? Taga-kain ng insecto?! Hahaha, puh-lease! >//////<

-------------- end --------------

Message sent!

"Anak, gising ka na!"

Okay, ginigising na ako ni Mama. Teka, kanina e 5:30 lang tapos ngayon, 6:00 na? No way!!

Bumaba na ako pagkatapos kong magsuklay ng buhok.

"Anak, tinawagan ka ni Paulo sa telepono pero tulog ka pa."

"Ma, alam nyo naman po yun, Kwago lang talaga. Hindi natutulog!"

"Hay nako, anak. Teka, may girlfriend na ba si Paulo?"

Napatigil ako sandali. Girlfriend? Parang wala naman yun sa dictionary namin ni Butiks.

"Wala po?"

"Hmmm...baka mamaya kayo na pala ha?!"

Umiinom ako ng kape nung nasabi ni Mama yon. Gosh, muntik ko ng maibuga sa mukha nya yung kape. Buti nalang, nalunok ko kagad.

"Mama naman, hindi ako magkakagusto sa Butiking yon."

Pero syempre, joke lang yun. Ang gwapo kaya ng best friend ko!! :">

Thin lips, white skin, brownish-hair and well-toned body! Oh ha, perfect!!!!

"Huy, dalian mo dyan. Dadaanan ka pa ni Paulo."

*snap*

Back to reality na ako. Grabe naman, nagpapantasya ako sa best friend ko. Shet lang O///O

Dali-dali akong nagayos ng gamit at sarili ko, ready for school na.

At alam mo ba ang pinakamaganda sa lahat?! Magkaklase kami ni Butiks! :O

Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala.

Ako si Larissa Fatima Dela Rosa, 14. Pwede na ako sa Sasa.Third Year Student na ako this year sa Camellia Academy. Masasabi kong matalino ako (lol) dahil Top 3 ako sa klase namin last year with an average of 95.5. Galing ko no? De, joke lang yun.

*ding dong*

Yun, nandito na pala si Butiks.

Siya yung best friend ko, si Paulo Rendrick Gallardo. Tinatawag ko syang Butiks at Bes pero tawag sa kanya mostly is Paulo or Pau. Fifteen na sya, parehas kaming nagaaral sa Camellia Academy. Kaklase ko sya this year, sa III - Wisdom.

"Babs, andito na ako! Bilisan mo dyan! Kala ko ba Baboy ka? Ba't naging Pagong na?!"

Walanghiya talaga sya. Best Friend Abuse na to! Kelangan ko na yata pumunta sa Bantay Bata 163 TT^TT

"Butiks, akala ko ba Butiki ka? Ba't naging Road Runner ka na?!"

"Babs, normal lang to. Alam mo bang 6:45 na? 7:30 ang klase natin e may assembly pa."

She's In The FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon