Chapter 21 I'm Starting to Fall For Him???

910 20 0
                                    

Clark’s POV

Leeca’s photo on the side ------------------------>

Sinundan ko si Caylee kaninang umalis siya. Hindi ko yata kayang makitang nasasaktan ito ng ganito. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang din ang inis ko sa kaibigan niyang si Leeca pero gayunpaman naiintidihan ko ito. Nasaktan lang ito ng sobra dahil sa maling akala.

“Caaaayleee! Where the hell do you think you’re going?!? Gabing-gabi na!”

“The hell you care! Please Clark, kahit ngayon lang. Pabayaan mo naman akong gawin ang bagay na gusto ko. Seriously? I want you to get out of my sight.”

Labis akong nasaktan sa prangkang sagot ito pero hindi ako nagpaapekto.  Doble ang sakit na nararamdaman  ko kapag nakikita kong nasasaktan ito ng ganito. Nanaig ang pagnanais kong tulungan ito kaysa sa isipin ko pa ang hayagang pagsabi nito na hindi niya ako kailangan.

“You know what’s wrong with you Caylee? You’re so damned selfish para hindi makita ang mga taong gustong tulungan ka sa problemang kinakaharap mo. Ang iniisip mo ay ikaw lang ang palaging nasasaktan. But, what about your friends?  Their also willing to help you in all the ways they can. Nasasaktan din sila dahil kayong dalawang kaibigan nila ay nag-aaway nang dahil lang sa isang walang kwentang lalaki! Haven’t you realized that?”

Nakitang kong mas lalong bumalong ang masaganang luha sa mga mata nito. Parang nagsisisi tuloy ako at sinigawan ko ito ng ganun. Pero alam kong iyon ang tama. Nataranta ttuloy ako kung ano ang pwede kong gawin para tumahan na ito.

“You still don’t know me to judge me like that. Patong-patong na ang bigat na nasa dibdib ko sa mga oras na ito. Sila na lang ang itinituring kong mga kapatid. They are my friends and my only family. Pero nangyari na naman ang bagay na ito. Ayokong mangyari ulit ang isang bagay na kinatatakutan ko ng maulit sa buhay ko.”

Naihilamos ko ang aking mga kamay sa aking mukha. Sa nakikita ko sa mga oras na ito, hindi lang si Leeca at ang mga kaibigan nito ang pinoproblema nito parang may mas mabigat pang bagay ang dinadamdam nito.

“Okay fine. Kung gusto mong mapanatag ang loob ko sumama ka na lang sa akin sa bahay namin. Doon ka na lang muna magpalipas ng gabi. Don’t worry I’m harmless.”

Parang isa naman itong maamong tupa na basta na lang sumunod sa akin matapos nitong punasan ang mga luha sa pisngi nito.

“Hindi ba mag-aalala ang mga magulang mo sa iyo?”-tanong ko dito

Parang biglang nawala ang anumang emosyong nakikita ko sa mga mukha nito. Bakit ba ang bilis nitong magpalit ng emosyon? May problema ba kaya ito sa mga magulang niya?

“Wala na mang mag-aalala sa akin dahil wala namang pakialam sa akin ang mga magulang ko.”-malamig na tugon nito

Nakarating na kami sa parking lot ng mga sasakyan.

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon