Chapter 3 : FAMILIAR part 1
_KRISTINE POV_
Kriing ! Kriing ! (Orasan po iyan ?)
Aba’y lintik na alarm clock to , ang ingay ingay .. kinapa ko ito at pinatay , sabay tulog ulit . May biglang nagbukas ng pinto at ... 🤨
“Hoooy !! Ate , gumising ka na diyan ! Ang tamad tamad mo talaga” Pssh .. kapatid ko yan , si jessa . Mas maarte pa kaysa sa akin iyan . 🙄
“OO NA ! HINDI NAMAN AKO BINGI PARA SUMIGAW KA!” malakas kong pagkakasabi . Nakakairita kasi .
“Bheelaat !” Grr .. Hayaan nalang , pasalamat ka mas bata ka sa akin .
Pagkatapos nung pambubwisit niya , naghilamos na ako at bumabapara kumain . Ngayon kasi yung day ng exam sa UP , kailangan kong makapasa dun . 😁
+SA HAPAG-KAINAN+
“Oh anak , kamusta ? Nakapagdesisyon ka na ba ng course na kukuhanin mo ? tanong ni mama . Actually oo , kahapon lang ako nakapagdecide .
“Ahm opo , Bachelor of Science in Business Administration Ma .” *sabay kain*
“Mmm .. good ! good choice yan anak . Para after mong gumraduate , ikaw na ang maghahandle ng business natin .” hay naku , inaasahan ko na ito 😑
“....” ngumiti nalang ako . Wala eh , speechless 🫢
After kong kumain , naligo na kaagad ako para makapag ayos na ako ng maaga . Mga 20 mins. ang lumipas at iyan , ready na ko 🤗. Nakapink na shirt ako at naka-jeans na fitted . Bakit ? Ayoko namang magsuot ng bongga noh ! 😂
Sinundo ko na si Jean at sabay kaming nagpunta sa UP . Yay ! Goodluck sa amin ?
_RANZ POV_
Ang bilis ng araw , parang kahapon lang nagpasa pa kami ng form sa UP , tapos ngayon na ang day ng exam .. Yay ! kinakabahan ako , wala pang review review . Pero okay lang yan , may brain naman ako eh . Haha . After kong magbihis , umalis na ako , siyempre dala parin ang kotse . Makakalimutan ko ba naman ang 2 kong bestfriend na sunduuin ? syempre hindi ?
At ayun nagpunta ako sa house nila para isabay .
_THEA’s POV_
Grabe naman , exam kaagad ngayon ? Wala man lang abiso . Kung sa bagay kakauwi ko lang din naman galing Korea eh . Naalala ko na naman yung sinabi ni Ranz nun ..
*FLASHBACK*
Habang kumakain kami ..
“Oo nga pala , nakalimutan kong sabihin sa inyo . Sa isang araw na pala yung entrance exam dun” 😁✌️ ha ?
“Ano ? Sa isang araw na kaagad ?” oops yan , muntik nang mabulunan .
“Oo , nakalimutan ko nga rin eh” smile pa rin ? si ranz talaga oh !
“Ha ? Eh pano yun ? Di pa kami nakakapagpasa ng form dun ? oo nga naman tama si Julia .
“Eh di sasamahan ko kayo bukas 😆✌️”
“Hay naku ka talaga Ranz . Sige na nga .” iyan nalang ang nasabi ko .
“Haha . Pasensiya naman .”
*END OF FLASHBACK*
Nakuuu ! kung hindi ko lang bestfriend si Ranz baka nasigawan ko na yun , buti nalang haha . Tapos na akong magbihis bale inaayos ko nalang yung mga gagamitinko for exam . Maya maya , may bumusina sa tapat ng bahay .
“Sino kaya yun 🤔?” wala namang nagpupunta dito ah ? Si Ranz ? imposible ..
Lumabas ako para tingnan kung sino iyun at himala ! Si Ranz nga .
YOU ARE READING
Happy Memories (A fictional "CHICSER" CHARACTER STORY)
Hayran KurguHi Readers ! Being a fanatic of Chicser world, I have decided to create an inspired and fictional story about them. I am only 16 years of age (wayback 2011) when I first planned to create this work and published here in Wattpad. I have no prior ex...