Chapter 9

5.4K 194 9
                                    


MELISSA

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng ulan sa labas. Ramdam ko pa rin ang pamimigat ng katawan ko.

Agad kong hinagilap ang cellphone ko sa bedside table para tingnan kung anong oras na.

Shit! 9 na pala ng umaga! Late na ako!

Pilit kong itinayo ang sarili ko. No! Not now, please! Hindi dapat ako umabsent. Ngayon pang nag-uumpisa pa lang ako sa posisyon ko sa kompanya!

Napahawak ako sa sentido ko dahil parang bigla akong nahilo sa pagtayo ko. Di ko na namalayan nang tumumba ako sa kama. Pati ba naman mga paa ko ayaw makisama?

"Mel! Huwag ka munang bumangon." nagulat ako ng biglang sumulpot si Chris sa pinto ng kwarto habang may hawak na tray ng pagkain.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Dinalhan lang kita ng lugaw at gatas, makakabuti 'to para gumaling ka agad. I also brought your meds." Saad niya habang nilalapag ang mga iyon sa bedside table.

This man is so impossible!

Nangunot ang noo kong napatitig sa kanya.

"I don't like lugaw and I'm not sick!" singhal ko sa kanya.

"Yes, you're sick. Alam mo bang nag-alala ako sa'yo kagabi? Kaya please, huwag ng matigas ang ulo mo. Eat this now before it gets cold." Kinuha niya ang lugaw at saka iniumang ang kutsara sa bibig ko.

Mas lalo ko itong pinangunutan ng noo.

"Stop that, ano ba? Kailangan ko ng umalis, baka ma-late ako!" patuloy kong pagsinghal sa kanya.

He sighed. "Tinawagan ko na si Papa, sinabi kong may sakit ka kaya there's nothing to worry about, okay? Cm'on, Mel, eat this first. Say ahh..." ipwinesto niya ulit ang kutsara sa bibig ko.

"Ano ba, Chris? I'm not a kid! I can manage to eat! You're fucking annoying!" kunwari ay galit na sita ko rito. Naiirita ba talaga ako sakanya? Pero bakit parang may bahagi ng puso ko ang natutuwa?

"Hindi ba ganito naman dati ang ginagawa ko kapag may sakit ka? Hinahayaan mo naman ako dating alagaan ka ah? So please wag ng makulit." wari'y susubuan na niya ako ng tabigin ko ang kamay niya na siyang dahilan para tumapon ang hawak niyang kutsara sa sahig.

"Dati yun, Chris! Dati! Hindi na ako bata! Kaya pwede ba ha tantanan mo na ako?!!! Kaya kong alagaan ang sarili ko and I don't need you! Leave me alone!!" Hiyaw ko sa kanya. Agad kong nakita ang paglungkot ng mga mata niya, parang kinurot ang puso ko but I intend my face to remained unfazed.

Malungkot na ibinalik niya ang mangkok ng lugaw sa bedside table habang nakatungo lang siya.

"Okay, if that's what you want. Just promise that you'll take care of yourself." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Parang gusto ko tuloy siyang tawagin at humingi ng tawad pero parang napako na ang mga paa ko.

Ang pagsara na lang ng pinto ang namalayan ko.

Dahil namimigat ang buo kong katawan ay hindi na ako nagpumilit bumangon. Napatingin ako sa tray na nandon parin sa bedside table. Nakaramdam ako ng uhaw kaya kinuha ko iyong gatas at saka ininom.

Nang maubos ko ang laman niyon ay inilapag ko na ulit ang baso. Maya-maya ay may kumatok sa pinto at saka iniluwa niyon ang matandang kasambahay namin.

"Ah, excuse me po, ma'am Melissa, pinapunta po ako dito ni Sir Chris para ligpitin ang kalat." Nakatungong paalam nito.

"Sige po, manang. Pakiligpit na rin po ito." Turo ko sa tray.

Agad naman siyang tumalima at saka iniligpit ang kutsarang nahulog sa carpet at saka iyon nilinis.

"Ah, manang? Kayo po ba ang nagluto ng lugaw?" Tanong ko rito habang patuloy siya sa paglilinis.

"Ay naku ma'am, hindi po! Si Sir ang nagluto niyan, mas maaga nga po siyang nagising sa'min, eh. Naabutan na lang po namin kanina na nagluluto siya sa kusina. Maganda nga po yata ang gising niya, ngiting ngiti siya kanina habang nagluluto." chika nito na parang kinikilig pa sa pagkwekwento.

"Ah... ganoon po ba." lalo tuloy akong inusig ng konsensya ko. 

Ilang sandali pa ay umalis na ang matandang kawaksi. Nagpabilin na lang akomg dalhan ako nito ulit ng lugaw. Nagsinungaling ako kanina kay Chris ng sabihin kong ayaw ko ng lugaw at alam naman iyon ni Chris.

Alam niya, dahil siya dati ang nag-aalaga sa'kin kapag may sakit ako. At kapag magkakasakit ako, nagkakandaugaga si Chris sa pag-aalala sa'kin. Pinagluluto niya ako ng lugaw at ewan ko ba? Kapag pinapakain niya akong kanyang luto niya ay gumagaling na ako.

Hindi ko lang siya basta kaibigan kundi itinuring ko na siyang "kuya" noon. Pero ngayon? Hindi ko na alam.

Matapos akong dalhan ng matandang kawaksi ng lugaw ay nagpaalam na ito. Tatawagin ko na lang niya ulit ito mamaya kapag tapos na ako.

Dahil sa gutom na rin ako ay hindi na ko na  namalayang agad kong naubos iyon. I admit he's really good at cooking. Actually, he was a better in cooking than I do. Pagpriprito lang kasi ang alam ko.

Iniisip ko nga noong maswerte ang magiging asawa ni Chris eh, dahil bukod sa guwapo, matalino, mapag-aruga at mapagmahal ay magling pa itong magluto. Good Catch ika nga, pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana at ako pala ang maswerteng mapapangasawa niya.

Wait! What? Maswerte? Ako?

I quickly shook my head.

Ayaw kong maging malambot ang puso ko sa kanya. Dahil natatakot ako. Takot akong baka tuluyan nang mahulog ang puso ko para sa kanya.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon