Cheater
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Nagising ako dahil sa paghaplos ng isang kamay sa mukha ko. Bumungad sakin ang nakangiting si Brayden.
Umayos ako sa pagkaupo. Nakatulog pala ako sa biahe. Tumingin ako sa paligid. Naka-park kami sa isang Japanese restaurant along national road.
"Asan tayo?" tanong ko.
"Kakaen muna tayo ng lunch. Wala pa tayo sa pupuntahan natin sweetie. You slept for about 5 hours." aniya.
"5hrs?" tumingin ako sa wrist watch ko. Alas tres na pala ng hapon. "Ang tagal ko palang natulog!"
Tumawa siya. "Yeah." he pinched my nose. "You drunken sleeping beauty!"
Nagpout ako ng lips. Nang-aasar kasi siya. And then....
"Ahhh! What was that?" ninakawan niya ako ng halik sa labi. Nag-init tuloy ang pisngi ko. Nagtakip ako ng mukha. Narinig ko naman ang mumunti niyang tawa.
"Kainis ka Brayden!" sabi ko. Tawa lang siya ng tawa.
"You're really cute, sweetie.." aniya
Natahimik ako. I smiled. I faced him and grabbed his neck. I kissed him passionately.
Napapikit ako. Naramdaman kong nabigla si Brayden sa ginawa ko pero nagawa niya paring tumugon sa mga halik ko. Until I felt his arms around my waist as he deepen our kisses.
Ako ang unang bumitaw sa halikan namin dahil nauubusan na ako ng hininga. Napatitig ako sa mga mata ni Brayden. I suddenly felt butterflies in my stomache. Nag-iwas ako ng tingin when I heard him smirked.
"Ikaw rin pala ang hihinto." tumawa siya.
And that made my face into a red one. Hindi na ako makatingin sakanya. I am the first move but then I can't stand on it.
"Arg!" sabi ko nalang saka lumabas sa sasakyan niya. Buti nalang at tinted ang Audi niya kung hindi baka may nakakita na paghahalikan namin.
Narinig kong bumukas-sara ang pinto ng sasakyan niya. Tumatawa pa rin siya. "Sweetie..." habol niya sakin.
"Tse!" sabi ko naman. Nag-iinit pa rin ang pisngi ko. Pumasok na ako sa restaurant.
"Konnichiwa! Welcome to JuuYon Restaurant!" bati ng babaeng nasa may pintuan.
Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa restaurant nang.......
"Ouch!" nabangga ako ng isang waiter. Natapon tuloy ang drinks sa dibdib ko at sa blouse ko.
"Ay naku Ma'am! Sorry po. Sorry po.. Hindi ko po sinasadya..." natatarantang sabi ng lalaking waiter. Sa taranta niya ay siya ang nagpunas ng basa kong dibdib.
"Hey!" pinigilan ni Brayden ang kamay noong waiter. Ako naman ay in-schock pa sa nangyaring pagkabuhos sa dibdib ko at ang pagpunas ng waiter roon.
Kita ko ang galit ni Brayden sa paghawak sa kamay noong lalaking waiter.
"So-sorry po. Sorry po..." anito na mas lalo pang namutla dahil sa inaasta ni Brayden.
"Bastos ka ba? Bakit mo pinupunasan ang dibdib ng girlfriend ko? Gusto mo bang hindi kana mabuhay dito sa mundo?" asik niya.
Ako naman ay hinawakan ang braso ni Brayden.
"Bray, tama na. It's just an accident.." sabi ko. Ang bilis ng kalabog ng puso ko. Natatakot ako na baka magkagulo pa rito.
"Sorry po Sir.. Hindi ko po sinasadya, nataranta lang po ako..." anito na nakayuko.
Binitawan ni Brayden ang braso niya. May iilan ng staff ng restaurant ang lumapit saamin.
"Ano po ang problema???? Oh my God!" hyterical na sabi ng isang babaeng nakauniforme ng itim. Ito siguro ang Manager nila. "Anong ginawa mo, Francis?"
"Hindi ko po sinasadya Ma'am.." sabi noong waiter na Franco ang pangalan.
"Hindi mo sinadya? Hindi mo sinadya ang matapon ang mga inumin na yan sa damit ng girlfriend ko, pero hindi mo rin ba sinadya na punasan pa pati dibdib niya?" galit na galit na si Brayden. I know, he has the authority to closed this restaurant anytime he wants. Sa dami ba naman ang kilala niya sa business industry ay hindi iyon impossible.
"I'm sorry Sir for his mistake... Pero intern lang po kasi siya kaya hindi niya pa po alam ang ginagawa niya..." sabi noong babae.
"Intern? And yet inilalagay niyo na siya sa service crew? Ang dapat sa intern ay back of the house! Sino ang Owner ng restaurant na ito? I can't stand it! He must be punish for this! I can't tolerate his rudeness towards my girlfriend!"
"Sweetie, it's okay...." sabi ko trying him to calm. "Okay lang ako, hindi naman niya ako nahawakan or what... Please sweetie, calm down.." sabi ko kay Brayden.
"I'm sorry Sir, sorry Ma'am.. Hindi ko po talaga sinasadya..." sabi ulit nung Franco.
"It's okay...." sabi ko. "Lilipat nalang kami ng restaurant.. Mainit lang ang ulo niya.." sabay tingin ko kay Brayden na magkaslubong pa rin ang kilay. "Sweetie, lets go.." sabi ko.
"Pero Marionne..." aniya.
"Tss. Let's go okay.." sabi ko naman. Ayoko namang maging dahilan pa ng pagsasara ng restaurant na iyon. Hindi naman ako nabastos nung waiter, nataranta lang siya kaya niya iyon nagawa.
Hinila ko na siya palabas sa restaurant. Humingi ulit sila ng pasensya samin. Hihirit pa sana si Brayden pero hinila ko na siya palabas.
Nakabunsangot pa rin siya kahit nakalabas na kami at pumasok na sa sasakyan nya.
"Tama na yan.. You know what hindi naman niya totally pinunasan eh..." sabi ko.
He pouted. "I can't just forget that!" he hissed. "Basa kana, sandali." aniya at may kinuha sa bag niya. "Here.. Magpalit ka muna." aniya.
Inabot niya sakin ang isang puting shirt na may malalaking letra ng MONTEVERDE sa harap.
"Where do I change?" tanong ko. Napalunok pa ako. "Can I go back to the restaurant to change, though......"
"No!" sagot niya agad. Nanlaki naman ang mata ko.
"Sige Monteverde! Saan moko pagbibihisin aber?" pagtataray ko naman.
"Dito sa sasakyan... It's tinted.." sabi nito.
I laughed. "Okay fine, go outside.."
"Huh?" tanong niya. Nagtataka pa.
"Really Brayden? Magbibihis ako sa harap mo? Out!" sabi ko naman.
"Sweetie..... Nakita ko naman na yan eh.." he smirked.
Pinamulahan naman ako ng mukha. Kinurot ko siya sa tagiliran. Ikaw talagang lalaki ka!" sabi ko. Tawa lang siya ng tawa.
"Okay sweetie... Hindi ako titingin.. I'll gonna close my eyes." sabi nito sabay pikit.
"Okay okay... Close your eyes Monteverde!" sabi ko at nagsimulang hawakan ang laylayan ng blouse ko. Nakatingin ako kay Brayden dahil baka palihim niya akong tinitignan.
Nakikita ko namang medyo bukas ang isang mata niya. "You're cheating!"
Ipinikit niya ulit ito. "No I'm not!" sabi niya sabay tawa.
"Naku talaga Brayden! Sasapakin kita." sabi ko sabay tawa na rin.
Tumawa pa siya at tumalikod na. Kaya nagkaroon ako ng time para hubarin ang blouse ko. Inayos ko pa ang tshirt niya tsaka ko siya nahuling nakatingin sakin mula sa side mirror. Binato ko sa mukha niya ang blouse ko at agad sinuot ang tshirt niya.
"Cheater!" sabi ko. Tumawa lang siya.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤