Chapter 20

225 9 3
                                    

Chapter 20

Charlotte’s POV

Awkward.

Un lang ang masasabi ko.

Awkward.

Nasa sala kaming apat ngayon. Hiwalay-hiwalay. Bale sa harap ko si Tyler, kabilang sofa naman si Diane at sa kabila naman si Kevin.

                        Ako

Kevin                                        Diane

                        Tyler

Gulat na gulat talaga kami nang makita namin sila Kevin at Diane sa pintuan ng mansion. Syempre, pati kaba. Paano kung marealize nila kung magkaano-ano talaga kami ni Ty? Patay. Patay talaga. Ang alam lang kasi nila, ng lahat, bahay pahingahan namin to ni Ty. Since magbestfriend naman kami at uber-close ang families namin, inisa nalang ang bahay.

“So…” Panimula ni Diane. Sabay dahang-dahang pagcross ng legs. Ung tipong slo-motion-para-makita-kaluluwa-mo cross ng legs.

Ugh. Slut.

Nakatingin lang ako sa vase na nakapatong sa table na nasa harap namin. Di ko na kasi alam saan itatapat ang tingin ko. Eto naman kasi sila Tyler at Kevin, makatitig, feeling ko magkakabutas na ako sa mukha eh.

“Tyler, honey…” Eew. Masusuka ako. “Kailan mo planong magpainterview?”

Pilit kong binabaling ung atensyon ko sa vase.

Ang cute cute nung vase…

Madaming bulaklak sa loob ng vase…

Maganda ang design ng vase…

Mahal ang vase…

“Wala ka na dun.”

Makintab ang vase…

Malinis ang vase…

“Gusto mo sumama ako para malinawan ang mga tao na ako ang nobya mo? Na ako ang mahal mo?”

Sarap kunin ang vase…

Sarap basagin ang vase…

Sarap ihampas sa mukha niya ang vase…

“Diane, stop that.”

“What? Akin ka. Like what someone I know said, I’m lucky to have you. At dagdag pa niya, I have to make you happy.” Naramdaman kong tumingin si Diane sakin. “You know what? I’ll give you something that would make everyone see that you’re mine. I’m sure your bestfriend would approve.” Since fascinated parin ako sa vase, nakita ko lang sa gilid ng mata ko na tumayo si Diane at pumatong sa lap ni Tyler.

Sa galit ko, pinilit kong maging blanko ang mukha ko at tiningnan ko diretso sa mata ang ‘asawa’ ko habang binibigyan siya ng love bite ng malanding impakta sa harap namin ni Kevin.

Di man lang siya tinulak ng gago.

Nasarapan ata.

“Charlotte, anak…lalab—“ Natigilan si mama nang makita niya ang nangyayari sa sala. “—as muna kami ni M—Tita Clara mo…” Si Tita Clara ay si mommy. Ung mommy ng taksil kong asawa.

“Tyler! Lalab—“ At nakita narin ni Mommy ang kalandian ng anak niya. “—as kami…Kevin?”

Sabay tumayo sila Diane at Kevin.

“Mommy! / Mrs. Sebastian.” Inignore ko ang pagiging FC ni Diane sa mommy ni Tyler…mommy namin. Pero napansin ko naman ung coldness sa boses Kevin. Tinawag nga lang niyang Mrs. Sebastian eh. Di man lang tita.

Buhay ArtistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon