Chapter 14

791 44 1
                                    





Chapter Fourteen




Pangatlong araw pa lang ng annual anniversary ng Eastwood and as usual, maaga pa lang ay dinagsa na agad ng maraming tao at malakas na rin ang tugtog ang naririnig ko kahit na nasa labas pa lang ako ng Eastwood, inaantay na umusad ang traffic.

7am on a Wednesday morning, traffic agad ang bubungad sa akin. Napabuntong hininga ako at hindi maiwasan na mairita sa nakikitang traffic. Kung kailan malapit na ako sa university ay tsaka dumagsa ang traffic.

"Is there any other route that we can take, Kuya?" Tanong ko sa driver ng Grab na sinasakyan ko. Nakita ko naman ang pag iling nito galing sa salamin kaya hindi ko mapigilan na mapabusangot ang mukha.

"Pasensya na, Ma'am, wala na po e." Kamot ang ulo ito habang sinasabi iyon sa akin, "Hindi rin ako makakapag U-turn, traffic din po sa kabilang kalsada."

Hindi ko na lang ito pinansin at napasandal na lamang sa kinauupuan. Male-late na ako sa last practice namin today. Nararamdaman ko na rin ang sunod sunod na pag v-vibrate ng aking cellphone sa dala kong bag. Panigurado ay sila Linus 'yon, finding me dahil hindi ko ugaling maging late talaga.

Napatingala ako sa kisame ng sasakyan, pilit pinapakalma ang sarili. Ilang minuto na lang at late na talaga ako. Napakapit ako sa strap ng bag ko, iniisip kung paano magpapaliwanag sa coach namin mamaya.

"Malayo pa po ba?" Tanong ko na ikinailing naman ng driver.

"Kaunting lakad ito, Ma'am—"

"Okay. I'll take it from here," sabi ko at binuksan ang pinto ng kaniyang kotse. Lumabas ako at hindi mapigilan na mapangiwi dahil sa haba ng traffic.

Binitbit ko ang bag ko at nagsimulang maglakad, pilit na iniwasan ang mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ramdam ko ang bigat ng init ng araw kahit maaga pa. Nilingon ko ang relo ko—7:15 AM na.

15 minutes na palugit or mamamatay na ako.

Binilisan ko na lang ang paglalakad at hindi mapigilan na hingalin sa bilis ng aking lakad. Grabeng exercise naman ito, talagang hihingalin ka. Siguro pagdating ko doon sa gymnasium ay hindi ko na kailangan mag warm up sa sobrang layo pa ng lalakarin ko. Fake news kasi si Kuya, malapit daw e halos simula bahay namin ata 'to hanggang sa SM.

Sobrang layo!

Idagdag pa itong kanina pa busina ng busina sa likod ko. Mukhang ako pa ata ang binubusinahan e wala naman akong ginagawa sa kaniya. Nasa sidewalk na nga ako, huwag niyang sabihin na ito gagawin niyang daanan. Hay nako.

"Felicity!"

Napalingon ako sa aking likod ng nakakunot ang noo nang marinig ang isang pamilyar na boses. Laking gulat ko na lamang nang makita ko si Ate Sid on her motorcycle, nakangiting pumunta sa tabi para puntahan ako. Tumigil naman ako at inantay siya na makarating. Nakailang singit pa nga ito bago siya makarating sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag!" Inis na singhal nito habang tinatanggal ang helmet kaya nakakuha na naman ito ng atensyon galing sa ibang tao dahil sa ginawa niya na iyon. Napairap na lamang ako.

Namewang ako, "Ikaw 'yung kanina pa na-busina?"

"Naririnig mo naman pala e!"

"Malay ko ba na ikaw 'yon? Ligalig mo sa daan e," sabi ko na dahilan ng pagbusangot ng mukha nito.

Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)Where stories live. Discover now