Chapter Fifteen
"Tigilan mo nga 'yang kakagat mo sa daliri mo, natatae ka ba?"
Agad kong sinamaan ng tingin si Keith when I heard that from her bago ibalik ang tingin sa salamin na nasa aking harap, knees are shaking due to nervousness.
It's currently 6pm and kasalukuyan na din akong inaayusan ng make up artist na si Kuya Tyson pa ang naghanap on the last minute. Nakalimutan ko kasi sabihin sa kaniya kahapon kaya inis na inis pa ito sa akin kanina before siya maghanap.
Magkakahiwalay kami every program ng waiting room kaya nandito rin si Linus na chill lang na mine-make up-an ng kaniyang artist. Nakangiti pa nga ito at masayang nakikipagtawanan sa kasama. Napunta lang ang kanilang atensyon sa akin nang may sabihin nga si Keith.
"She's nervous, Keith. Let her," sabi ni Linus kaya tiningnan ko ito sa salamin bago ibalik kay Keith ang tingin pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Ay." Keith giggled at nag peace sa akin, "Sorry, 'te. 'Wag ka na kabahan!"
I gave her a blank look, "Sige, hindi na."
Dahil sa palitan namin ni Keith ng salita ay napahagalpak ng tawa si Linus. Napailing na lang ako sa nangyayari at imbes na mawala ang kaba dahil nandito naman ang dalawa ay lalo lamang lumala iyon. I exhaled loudly and was about to bury my face into my hands nang pigilan ako ng make up artist. May make up na nga pala ang aking mukha at buhok na lang ang inaayos sa akin.
Ngayong gabi na kasi gaganapin ang pageant dito sa Eastwood, the last event for this annual anniversary. Dalawang oras pa naman ang natitira before magsimula ang event pero ito ako ngayon, dying out of nervousness. It's been a while since I participated in this kind of event and it's still nerve wracking, lalo na pag nalalapit na ang simula.
On the past weeks, akala ko magiging okay lang ako pagdating ng araw na 'to, magiging smooth lang ang lahat pero look at me now, para na akong hihimatayin sa sobrang nerbyos. Parang gusto kong mag back out bigla pero ang tanga ko naman sa part na 'yon, if ever.
"Nasa labas ba si Kuya Tyson?" Tinanong ko iyon habang pilit na inaayos ang sarili ko. Ang make-up artist ay nagpatuloy sa pag-aayos sa buhok ko, mukhang sanay na sa mga ganitong eksena ng mga nerbyosang kandidata.
"Bawal daw pumasok dito, diretso na lang sa kani-kanilang seats doon sa loob ng auditorium."
I let out a frustrated sigh as I leaned back slightly on the chair, trying to calm my nerves. The thought of stepping on stage in front of so many people made my stomach churn. Nakasali na ako dati, yes, pero iba pa rin ngayon dahil it's been a long time. Nandito pa ata si Mommy non.
Nang maalala si Mom ay bigla na lang ako binalutan ng lungkot. I remember how supportive she is noong buhay pa siya tuwing sasali ako sa ganito. Everything was ready beforehand. Even the artist, the gown I was going to wear is already good. Ang kailangan ko na lang gawin ay ipanalo iyon. But now that she's gone and not with us anymore, everything is hard.
Even winning this competition is hard.
Nang mapansin ni Keith ang aking mukha ay muli siyang nagsalita. "Hindi na kasi pina-allow ni Miss Costales mag papasok ng outsiders dito sa loob."
"Luh, hindi naman outsider si brother Tyson. Kapatid kaya 'yan ni Felicity!"
"Linus, alam kong tanga ka pero 'di ko alam na ganyan ka ka-tanga."

YOU ARE READING
Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)
RomanceEastwood University Series #4: Felicity Bryn Tuazon Felicity, a quiet and reserved student develops an unexpected bond with her austere but surprisingly humorous professor. However, as lectures unfold, so does a charming, witty side of th...