Amnesia
"Have you heard the news?"
Oh, here we go again.
Wala pa man pero sumasakit na ang dibdib ko. This routine has been going on for years now yet I'm still not used to it. Sa pakikibalita na nga lang ako nagkakaroon ng dahilan para umusad, pero mukhang ito rin yata ang magiging sanhi ng maaga kong pagkamatay.
"For sure hindi pa? Kasi ako lang naman ang reliable source mo?"
I maintained my emotionless expression as I stared on the default screen of my computer. Ilang linggo na akong walang maayos na tulog dahil sa huling ibinalita niya pero heto at mukhang may panibagong dala na naman siya ngayon. Maybe I should buy more sleeping pills then.
Sa totoo lang, may parte sa akin na ayaw nang malaman kung ano ang dala niyang balita. Pero baka ay mas lalo lang akong hindi makatulog sa gabi sa kakaisip kapag hindi ko naman nalaman.
For sure I won't like whatever news he is about to spill right now but I don't have a choice anyway. I deserved it. Kulang pa nga, eh.
"Ano? Interesado ka ba o hindi?" Natatawang tanong ni Greg na nakaupo na ngayon sa sofa. Nakade-kwatro pa at hawak na ang remote ng TV para manuod. Feel at home ang gago, as usual. Kailan niya kaya maaalala na opisina ko ito at hindi bahay bakasyunan niya?
"Make it fast. May pasyente akong darating mamaya." I said boredly while I took off my glasses and gently placed them on my desk. Saglit kong kinusot ang mga mata bago ako prenteng sumandal sa upuan at humalukipkip.
The anticipation is killing me but I would die first before I show it. Not in front of this idiot who loves tormenting me using Benj's whereabouts and life updates.
"Diba ang huling balita ko sa'yo ikakasal na siya? Guess what's the latest update?"
Pinilit kong huwag mapabuntong-hininga. Inulit pa talaga? Oo, ikakasal na nga. Kailangan talagang ulitin? Sinabi niya na 'yan sa akin noong nakaraan.
"What is it now, Greg?" Wala sa sariling tanong ko at napunta na sa drawer ang kamay. May nahawakan akong ballpen at imbes na ipukol iyon kay Greg, nagscribble nalang ako sa isang scratch paper na nakapatong sa mesa ko.
"Mukhang nagpaplanong dito sa San Vicente magpakasal. Pero hindi pa naman sure, nagpaplano pa lang." He carefully revealed to me like it was something I should brace for.
And unfortunately, it was.
But to prove him wrong, I nodded like it was nothing. "Bakit daw?" Kalmadong tanong ko kahit halos mabutas ko na ang papel sa diin ng pagkakahawak ko sa ballpen.
Bakit dito pa talaga? I mean, sure, pwedi naman. Taga rito rin naman siya. Pero hindi ba sobrang hassle naman no'n? May mga simbahan naman sa Maynila, ah? O kaya sa Cebu. Kaya bakit dadayo pa talaga sila rito sa Palawan?
Rich things?
Magsusunog ng pera tutal marami naman sila no'n?
"Baka para sure na makaattend ka?" Nang-aasar na sagot ni Greg.
I scoffed as I gripped the pen tightly. "Sure, ako pa maghire ng pari sa kanila, eh."
Busy ako sa araw na 'yan. May mga pasyente ako niyan panigurado.
"Tapos hindi tunay na pari kukunin mo. Ending walang bisa 'yong kasal." Walang kwentang imahinasyon ni Greg at nagawa pang humagalpak ng tawa. Ang saya-saya siguro ng buhay ng taong ito? What if balian ko siya ng ribs at siya gawin kong pasyente sa araw ng kasal ni Benj? What are friends for, right?
"O kaya kidnapin mo nalang si Benj para walang kasal na mangyari?" He continued suggesting crazy ideas.
Saglit akong natigilan. Well, pwedi rin. I might... consider doing it if I was insane. Pero dahil normal pa naman ang takbo ng utak ko, hindi ko gagawin. Ano ako? Baliw?

BINABASA MO ANG
Double Take (Lovesick Fools Series #1)
RomanceEverything started when the notorious troublemaker, Benj Ferrera, came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met the transferee turned heartthrob, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor...