Chapter Seventeen
"Kahit anong ayos mo d'yan, hindi na magbabago mukha mo." Sinamaan ko ng tingin si Kuya sa salamin nang muli siyang magsalita, "Pangit ka pa rin."
"E ikaw nga araw araw pangit, hindi ko naman pinapansin." Ganti kong saad na nagpabusangot sa mukha nito. Ginulo pa nito ang buhok dahil sa frustration bago ako balingan ng tingin. Kasalukuyan na itong bihis at nakasuot na ng kaniyang favorite Ralph Lauren blue polo shirt na naka-tuck in sa kaniyang beige trousers.
"Dalian mo naman kasi, Felicity Bryn. Malapit na mag 7:30, nag aayos ka pa rin. Mukha bang prom pupuntahan natin?" Reklamo nito at puno ng inis ang mukha ang makikita sa kaniya ngayon.
Kararating ko lang kasi galing university dahil nag make up class kami sa isa kong major subject kanina. Inabot na kami ng 5:30 bago makauwi tapos itong si Kuya, hindi man lang maging considerate at hintayin na lang ako ng hindi nagliligalig d'yan sa higaan ko.
Ngayon kasi ang supposed dinner namin with Dad and Miss Costales. Nag text kanina sa akin si Dad na 7:30 ay dapat nandun na kami sa restaurant na na-book niya. Hindi naman malayo iyon pero hindi rin malapit dito sa bahay pero itong si Kuya ayaw ata akong patapusin dahil kanina pa siya nagrereklamo.
"Fel—"
"Kuya Ty, get the hell out." I muttered as I hold the clothes that I got sa aking closet bago siya tingnan na ngayon ay parang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin.
"What the hell?"
Tumaas ang aking kilay, "What? You're gonna watch me change my clothes?"
Natigilan naman ito at walang sabi na tumayo bago lumabas ng aking kwarto. Napairap ako bago muling tingnan ang hawak na damit. It was a white tailored sleeveless vest, na binili ko last time noong kasama ko si Ate Sid para bumili ng motor niya. As a thank you, she told me to buy everything I want at ito ata 'yung nabili ko that time. I paired the sleeveless vest on a white midi skirt na umabot hanggang sa taas ng paa. I grabbed my Mary Jane heels to complete the look at kinuha na ang purse ko na nasa lamesa.
Binuksan ko ang pinto at nakita doon si Kuya na nakasandal, bagot na bagot na at nang makita ako ay umirap ito, na nginitian ko lang.
"Can we go?"
"Yes. Sorry for the wait."
He just hummed bago ako ilalayan pababa ng aming hagdan. Naabutan pa namin sila Manang na nasa kusina at mukhang maghahanda pa lang ng kanilang kakainin ngayong gabi. Agad namin silang nginitian na agad naman nilang ginantihan.
"Alis na po kami, Manang! Kayo na po ang bahala d'yan." Paalam ni Kuya sa kanila na ikinatango nila.
"Sige. Mag ingat sa daan, Tyson." sabi nito bago kami sumibat paalis ni Kuya para dumiretso na sa restaurant.
"Nandoon na ba daw sila Daddy?" Tanong ko at saglit na tiningnan si Kuya na busy na sa pagmamaneho.
"Si Dad nandoon na. Galing kasi 'yon ng firm to get some papers," nang aasar itong tumingin sa akin kalaunan dahilan ng pagtataka ko. "Hindi ko lang alam sa bodyguard mo."
Napairap ako sa pang aasar nito, "You just really have to squeeze her in every conversation that we have." Naiinis kong singhal bago siya tingnan ng masama, "Gusto mo ata 'yon e." Pairap kong saad, a bitter feeling suddenly brewing inside sa hindi ko malaman na dahilan.

YOU ARE READING
Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)
RomanceEastwood University Series #4: Felicity Bryn Tuazon Felicity, a quiet and reserved student develops an unexpected bond with her austere but surprisingly humorous professor. However, as lectures unfold, so does a charming, witty side of th...