His Starlight.

14 2 0
                                    

Si Jenina Lee isang fan ng VIXX. One day may nakita siyang poster na may nakalagay na "VIXX LIVE IN MANILA" halos lumundag ang puso niya but at the same time nadurog din iyon. Halos isang linggo na lang kasi ay concert na ng Vixx and she cannot afford to buy a ticket. What is she will going to do? She really want to see those guys personally especially her bias Jung Taek woon.
****

"Nina! Bumili ka na ng ticket dun sa cinema." utos sakin ni kuya habang nasa loob kami ng isang cellphone store kasama ng girlfriend niya na si Ate Yana. Inabutan niya ako ng 1 thousand at pumunta na sa may cinema para bumili nga ng ticket.

Pagdating ko dun medyo mahaba ang pila kaya naman nag tingin muna ako ng mga poster na naka-post doon. There's a poster that caught my eye, nung una akala ko namamalikmata lang ako pero hindi!! VIXX LIVE IN MANILA!! Oh my godd. Is this for real? O_____O

"Uhm mam ano po sa inyo?" Halos lumundag yung puso ko. Finally. Eto na yung hinihintay ko matagal na! Kaso nadurog din naman agad ang puso ko nung makita kung kelan na yun. 5 days na lang mula ngayon.

"Mam! Bibili po ba kayo ng ticket?" hindi ko napansin yung babae sa counter kanina pa pala niya ako tinatawag. Nakakahiya tuloy pati dun sa mga nakasunod sa pila.

"Ahh yes. Sorry! 3 tickets for the avengers." bigla naman dumating sila kuya. Ibinigay ko na kay kuya yung pera at sinabing siya na lang ang magbayad. Tumingin ulit ako sa poster ng VIXX.

Huhuhu! T-T paano ako makakapunta at makakabili ng ticket? Wala pa kasi kami ulet internet connection kaya hindi na ako updated saknila eh.

"Nina, hawakan mo 'tong tickets." Paano na yung chance na makita ko si taek woon oppa? Hindi ako ready! T_____T

"Nina are you listening?" sayang yung pagkaKataon. Nakakaiyak talaga. Nakatingin pa din ako dun sa poster ang gwapo talaga ni Leo. May naramdaman akong humawak sa braso ko kaya napatingin ako. Si kuya pala.

"Kanina pa kita  tinatawag. Ano ba yung tinitingnan mo?"
"Kasi kuya yung vixx magko-concert dito next week."
"Kpop ka na naman."
"Kuya naman eh!"
"Tara na nga pumasok na tayo baka mapuno na yung loob."

Hanggang sa loob ng sinehan yun pa din ang nasa isip ko. Lumabas si kuya para bumili ng pagkain sa Mcdo hindi pa naman kasi start yung movie.

Katabi ko sa left side si Ate Yana.

"Vixx pa din ang nasa isip mo noh?" tumingin ako sakanya tsaka tumango.
"Alam mo naman Ate Yana kung gaano ko ka gusto na makita sila personally diba? Ayos na sakin kahit makita ko lang sila. Sila din ang dahilan kung bakit ko gusto bumalik sa Korea."
"Gusto mo talaga sila makita?"
"Oo naman ate Yana kaso wala naman akong pambili ng ticket. Kulang ang ipon ko at ayoko naman humingi kila mommy."

---

Bukas na! Bukas na yung concert nila at hanggang ngayon wala pa din akong ticket. Huhuhu! Hopeless fan T_T sana may maglaglag ng ticket mula sa taas. Naibalita na din sa tv ang pagdating nila mamaya sa airport. Haay! Teka?! Airport? Para namang may umilaw na light bulb sa taas ng ulo ko. Aha!

Alam ko na, pupunta akong airport para dun sila hintayin. Sabi 5pm pa ang dating nila eh 2pm pa lang may 3hours pa ako para makapunta dun. Talino mo talaga Jenina! Hehehe. :)

Kumuha ako ng pamasahe pang taxi at nagpaalam kay mommy na may pupuntahan lang ako. Pumayag naman siya at agad akong pumara ng taxi paglabas ng bahay namin.

"Manong sa NAIA po."
"Sige po mam."

Tinignan ko yung wallpapper ko. Sana makita kita ngayon Leo.

Ano ba yan! Traffic pa. May 1hour and 30 mins na lang ako.

"Manong wala na po bang ibang daan papuntang airport?"
"Wala na hija." Tsk. Pag minamalas ka nga naman oh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His StarlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon