Chapter 25
Nagising ako sa lakas ng patak ng ulan sa labas. Napatingin ako sa orasan. 12pm. Halos 24 hours akong nakatulog? Napansin kong nasa kwarto na ako. Alam kong hindi dito natulog si Christian dahil unat na unat pa rin ang unan at bedsheet side niya. Napatayo akong bigla.
Baka nandito pa si Christian!
Una ko siyang hinanap sa banyo. Wala. Patakbo akong lumabas ng kwarto at hinanap siya sa guest room pero nanlumo lang ako dahil wala akong nakitang Christian doon kahit sa sala o kusina.
Galit pa rin siya sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako at naupo sa sofa. Gusto ko ng maiyak sa sobrang frustration. Ganun na ba talaga ka-grabe ang ginawa ko para matiis niya ako ng ganito?
Napansin ko ang nakatumabng center table. Hindi ko pa pala natatanggal ang nabasag na flower vase. Kumuha ako walis at dustpan para tanggalin iyon at saka inayos ang pagkakatayo ng table.
Biglang nag-flashback sa akin ang lahat ng nangyari kahapon.
Birthday...Daniel...Ang juice na ininom ko...Bianca...Then I passed out.
Bianca!
Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang may mali.
Anong ginagawa ni Bianca sa bahay ni Daniel? Anong relasiyon ni Bianca kay Daniel? Saka pa'no ako nakauwi dito?
Tama nga yata ang sinabi ni Christian na hindi dapat pagkatiwalaan si Daniel.
Napahilamos ako sa palad ko. Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Then an idea hit me. Iisa lang ang maaaring makasagot sa mga tanong ko.
Muntik pa akong madapa sa pagmamadaling lumabas para puntahan si Daniel kaso halos masira ko na ang doorbell sa kapipindot ko ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kinalampag ko ang pinto baka kasi natutulog ito pero wala pa rin. Maya-maya'y lumabas ang isang middle-aged na lalaki sa katabing unit ni Daniel.
"Miss, wala yata si Daniel d'yan. Nakasabay ko siya kaninang umaga pababa eh. May kasama siyang babae." Sabi nito.
"Ay, ganun po ba. Salamat ho."
Tiningnan ko muna ang pinto ng unit ni Daniel bago bumalik ng unit namin. Kung gaano ako kabilis lumabas ay ganun naman ako kabagal bumalik. Tama nga ang hinala ko, magkakutsaba si Daniel at Bianca kung ano man ang binabalak nito.
Anong balak nila? At anong nangyari habang wala akong malay?
Natutuliro ang utak ko kakaisip.
Pakiramdam ko'y naubos na ang lakas ko na kahit ang pagsara ng pinto ay nakabawas sa natitirang lakas ko. Umupo ako sa sofa at isinandal ang ulo ko.
"Christian, nasa'n ka na ba? Umuwi ka na, please? Im sorry na. Miss na miss na kita. Promise, makikinig na ako sa mga paliwanag mo."
Parang tanga akong kumakausap sa kisame na akala mo'y nandun si Christian. Hihintayin ko siyang dumating kahit anong oras pa.
1 o'clock...3 o'clock...5 o'clock..
Hindi ko alam kung ilang beses na akong tumingin sa orasan. Pinilit kong manatiling gising kahit nakakaramdam ako ng antok. Hindi ako mapakali. Naroong tatayo ako, uupo, lalakad, uupo uli. Napuntahan ko na nga yata ang lahat ng sulok ng bahay sa sobrang pagkabalisa.
Ilang beses ko na din pina-ring ang cellphone niya, pero unattended pa rin. Sobra-sobra na ang pag-aalala ko.
Nakakaramdam na rin ako ng gutom. Di pa nga pala ako kumakain simula kahapon pero hindi ko muna inintindi 'yon. Hindi rin naman ako makakakain ng maayos hangga't hindi ko nakikita si Christian.
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
Genel Kurgu"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...