This Feeling Inside
By: MissBeauYeah
(A/N: pasensya na kung di maganda ang flow ng story ko, wala eh, tinatamad ako -_- haha. Pero sana mag-enjoy pa rin kayo sa pag-babasa!)
CHAPTER 1
Destiny.
Destiny is the world you build from the one you love. – my Sassy Girl.
Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko ang kasabihang iyan. Siguro dahil sa pinagdadaanan ko ngayon.
Tama naman diba.
Kung talagang mahal mo ang isang tao. Ikaw mismo ang gagawa ng ways para mapasayo siya. Yung tipong, gagawin mo ang lahat, mapakita at mapatunayan mo lang sa kanya na mahal na mahal mo siya.
Hindi naman kasi ibig sabihin na ‘destiny’, eh hahayaan mo na lang ang diyos kung anong gagawin niya. I mean.. dapat ikaw mismo, may ginagawang effort.
Pero, alam ko naman na effort, sometimes.. doesn’t work. Hay.. para sakin? Sa sitwasyon ko ngayon.. Effort often times doesn’t work.
Opo. Mahirap na mahirap ang kalagayan ko ngayon. Yung feeling na... ibinigay mo na lahat para lang mapansin ka niya, pero parang wala lang para sa kanya.
Ewan ko kung na-aapreciate niya ang ginagawa ko para sa kanya, para kasi sa kanya, isa lang akong dakilang BESTFRIEND. Yung tipong, pang friend-zone lang.
Masakit at napakahirap pero mas gugustuhin ko pang hanggang ganito lang ang relasyon namin, kaysa naman sa malaman niya kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya, baka mawala lang ng parang bula ang halos dalawang taon naming pagsasama ni Bok.
Ahh.. oo nga pala, bok ang tawagan namin ng matalik kong kaibigan na si Paul.
First year pa lang eh magkasama na kami, siya na ang naging bestfriend ko. Hindi lang yun, siya na rin ang tumayong tatay-tatayan ko sa loob ng school. Siya rin ang dakilang kuya ko kapag may nanunukso sa akin. Siya rin ang aking matinik na Math professor... ng dahil sa kanya, naka-survive ako sa mathematics class ko noong first year at second year, maging sa math class ko ngayong third year, siya pa rin ang tumutulong sa akin. Ewan, ang bopols ko kasi pagdating sa numbers. Tss..
The best talaga si Bok. Kahit na maraming moments na maiirita ka dahil sa pamimikon at pangt-trip niya, mawawala na ang lahat ng iyon kapag nilambing ka na niya. Hayy.. naku, sa loob ng dalawang taong pagiging magkaibigan namin, huling-huli na niya ang kiliti ko. I mean, yung.. kung anong makakapag-pasaya sa akin.
Minsan naman kapag inaatake siya ng sira ng ulo, gagawa siya ng mga nakaka-turn off na mga bagay. Yung tipong sasayaw siya sa harapan mo na parang ewan, kakanta ng wala sa tono, papakitaan ka ng EPIC na funny faces niya.. at napaka-rami pang iba.
Ang mga bagay na iyon... kahit na sinasabi ko sa kanyang nakakaturn-off siya, yun yung mga bagay na pinaka-gusto ko sa kanya. yung tipong wala siyang paki-alam kung ano isipin mo, basta nag-eenjoy siya. Yung tipong, pinapakita niya sayo na.. eto ang totoong Paul.
Hayy... kung tatanungin niyo ako ng mga bagay tungkol sa kanya, naku.. siguradong aabutin tayo ng 4968674732929842355 years para mai-explain ko lahat.
Haha. Oo, ang dami-dami kong alam tungkol sa kanya, kahit na 2 years pa lang kaming magkaibigan.
Pano ba naman kasi.. eh halos, buong pamilya niya, naipakilala na niya sa akin. Sa every single celebration sa bahay nila, palagi akong invited kaya nga tumataba na lang ako lalo. Kahit na mga laro niya ng basketball.. palagi akong andun – ehem! Watergirl po ang role ko (yun yun eh. Alalay palagi.)