Author's POV
"I would like to thank you all for being here to celebrate the New Year together. May this celebration create a wonderful memory for each of us. Thank you, and enjoy the evening." Said Madame Raven.
"Yehey!" Everyone was enjoying and screaming, and as for them, The 13 Pets are making such great memories.
Knox's POV
"Anong new year's resolution niyo?" Tanong ni Kuro, "Akin, magiging mas mabait na ako this year!" Dagdag pa nito.
"Lul! Maniwala baliw." Ani Craeji, "Basta ako, hindi na ako mags-settle for less. Hah!"
"Pero nag s-settle ka kay *toot* sa Section H na walang ginawa kundi i-left on delivered ka sa chat?" Biro ni Nami na nagpalabas ng sungay ni Craeji, "Aba, gago! Personalan?", "Ikaw nga hindi pa rin maka mov—" Hindi na natuloy ang sinasabi nito nang mabilis na lagyan ng isang pirasong chiffon cake ang bibig nito ni Nami, "Gutom ka na e, halata." Sumunod naman ang tawanan namin dahil sa mga inasta nila.
Pansin kong walang umimik sa kanila pagkatapos no'n, bahagya naman silang tumingin sa 'kin. "Ikaw Knox, anong new year's resolution mo?" Biglaang tanong sa akin ni Gale, "Ako? Wala naman. Maayos naman takbo ng buhay ko e." Seryosong sagot ko, pansin naman sa kanilang mga mukha na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Anong trip nitong mga 'to?
"Ah, gano'n. My new year's resolution kasi is never na ako gagastos. Makikita niyo." Pag basag naman ni Fitz sa kanina pang katahimikan na namumuo banda rito sa 'min, "Alam niyo na ba yung trend ngayon na Hirono pop mart? Sale ata 'yon ngayon. Balita ko lang." Ani Gale, bahagya naman kaming tumingin kay Clae na ngayon ay naka scroll na sa tiktok shop, tawa naman kami nang tawa. "Jusko, Fitz. Basta ako, hindi na makikipag away kahit kailan, 'wag lang nila ako sagarin." Sambit naman ni Lacey.
"Me, me! Hindi na rin ako gagastos, lalo na sa kung pagkain lang." Ani ni Kaya, "Uy same!" Sambit naman ni Leary, ngunit pansin ang dalawang chichiryang hawak hawak nilang dalawa. "Oh? Sabing hindi gagastos, hindi sabing tatanggi sa grasya! Libre na ng school 'to ah." Pagd-deny ni Kaya nang mapansin niyang nakatingin ako sa hawak hawak nilang dalawa ni Leary, "Tama!" Sulsol naman ni Leary.
"Aatupagin ko na pag-aaral ko ngayon kesa maglaro ng ml." Ani ni Fudgee, "Kahit ilibre kita dias?" Nakangising sambit ni Lacey, "Akala mo maloloko mo 'ko? Hindi ka naman naglalaro ng ml." Pagtatanggi ni Fudgee, hindi niya alam puro ml ang inaatupag niyan ni Lacey kapag free time niya. "Parang kahit isa sainyo hindi mangyayari 'yang new year's resolution na sinasabi niyo e." Ani ni Seht, "Sus! Sus. Ikaw ba Seht, anong new year's resolution mo?" Tanong ni Kuro, "Parehas kay Knox. No new, still me." Sagot ni Seht, sabay sandal nito sa sofa habang naka cross arms.
"Corny amp." Nangingiliti na sambit ni Kuro sa naging sagot ni Seht.
"Ikaw Gale?" Tanong ko, "Ako? Ba't mo natanong? Nako, Knox. Sorry pero taken na 'ko." Pabirong sagot nito, "Namo, kadiri." Ani ko naman, "Taken? Taken by who?" Kuryos na tanong ni Nami.
"Secret." Sagot ni Gale, "Bwisit!"
Gale's POV
"Baka magselos ka, Nami ah?" Sabat ni Craeji, "Magseselos? Kanino? Mema ka." Sagutan nila nang bahagya ko namang tinignan si Knox na naka tingin kay Nami, bakit ba ayaw pa nila umamin sa isa't isa? Hay nako. Akala mo naman magkakawatak watak kami pag nag break sila e.
"Lovelace, ikaw? Grabe, ang lakas ng boses mo daig pa music na pinapatugtog dito." Pansin ko si Lovelace na nasa tabi kong tahimik na pinagmamasdan kami. "My new year's resolution? Wala, may kailangan bang baguhin sa sarili ko?" Ani niya sabay nang namumuong ngiti sa mukha nito, natawa na lang din ako.
Nakuha naman ng atensyon ko si Yehirah na kanina pa natatawa at nakikipag chismisan kay Kaya, "Yehirah, ano sa 'yo?" Bago ko pa man tanungin siya, naunahan na ako ni Knox. "Me? kung may babaguhin ako sa sarili ko siguro yung sleep schedule ko, matutulog na 'ko nang maaga." Natatawang sagot nito at tinuloy ang hindi matigil tigil na chismisan.
AN HOUR LATER
Leary's POV
"11:50 na!" Sigaw nung kung sino man habang kumakanta at sumasayaw ang iba sa 'min. Dali ko naman binitawan ang UNO cards na kanina ko pang hawak hawak at pinuntahan ang mga kaibigan ko, just to make sure na sabay sabay naming babatiin ang bagong taon.
"Rinig niyo? Bilis pota." Mura agad ang narinig ko galing kay Fudgee nang makapunta ako roon,
"Ladies and gentlemen, we've eagerly awaited this moment. As the clock strikes twelve, we welcome 2025. It's a pleasure to see you all here. I wish you a year filled with love and peace." Sambit ni Madame Raven at tsaka hinarap ang naglalakihang bintana.
"10!" Biglaang sigaw ni Kuro, na ngayo'y susundan na namin.
"9!"
"8!"
"7!"
"6!"
"5!"
"4!"
"3!"
"2!"
"1!"
"Happy New Year!!! Woohooo!!"
"HAPPY NEWWW YEAAAR!!"
"Happy new year, everyone!"
"ANG SAKIT MO 2024!"
"MALIGAYANG BAGOOOONGGG TAOOON!!!"
"BYE BYE 2024!", Isa isang sigaw naming lahat habang naka akbay sa isa't isa, tinitignan ang malalakas na tunog ng fireworks na nanggagaling sa labas ng bintana. Sumasayaw naman at kumakanta ang iba, humahagulgol naman ang iba sa kanila, nagyayakapan, nagsisigawan, at nagkakasiyahan.2025, please be good to us.
"Ang saya!" Ani ko habang naka akbay pa rin sa mga kaibigan ko, hindi ko alam na ganito pala kasaya na makasama ang mga kaibigan mo na harapin ang bagong taon, ganito pala talaga kasaya kapag totoo ang kasama, nagiging corny tuloy ako.
"Shesh! 2024 na, parang kailan lang ang awkward pa natin sa isa't isa sa dorm e, 'di ba?" Sambit ni Kuro, habang ginagalaw ang dalawang braso na naka akbay pa rin sa amin. "Nako 2025, bigyan mo na ako kahit m.u lang sige na!" Ani naman ni Gale na naka akbay rin, syempre. "Guys, walang iwanan ah?" Nakangiting sambit ni Kaya, "Syempre!", "Mga pet peeves ko kayo e!"
"HAPPY NEW YEAR!"

YOU ARE READING
The 13 Pets
Short StoryLeary Alerie, a young girl who recently transferred to a new school. She was nervous as she thought she was the only transfere there. Little did she know, there's more of them to meet and that's when the bond started. Leary Alerie and her 12 pieces.