Lagi ko naririnig yung linya na " kung ano ka ngayon, yan ang resulta ng mga ginawa mo".
Totoo para sa iba, pero para sakin medyo hindi. MEDYO lang. Base to sa mga nangyari sa buhay ko kung kaya naka-conclude ako ng ganito.
Ang pagiging undergraduate ko hindi ko to ginawa. Hindi ako nagloko, yung prof pa nga namin nagloloko eh. Hindi rin dahil wlang pera. Kundi dahil family problem na wla akong kinalaman at nadamay lang din.
Pero bakit hindi na lang ako nag working student? Inisip ko din yung gagastusin sa school kung iipunin ko baka pwede na ako magtayo ng small business since pangarap ko din magka business. Mahirap din maghanap work kahit graduate ka eh.
Ito pa, ngayon may small business na tlga ako after 2 years ko na nawala sa school. Ok naman sa umpisa. Dami ko sakripisyo ginawa pero successful pa din. Kaso lang parang may kulang pa din.
May gf din ako before. Naging masaya 1st month naming pagsasama lagi nya sinasabing ako na daw papakasalan nya. Agad agad nuh? hehe. Napaisip ako bakit ganito na lang to kainlove sakin.
After 3 months nagkalabuan yun pala may iba na. Hindi naman ako nagloko. See, heart broken ka pero hindi mo naman ginosto mangyari diba.
Meron pa, yung kaibigan ko na engineering graduate. Hindi tlga sya makahanap work. Ang dami nya inaplayan sa iba't ibang company pero hindi sya natatanggap. Kelangan nya na magwork kasi sya ang bunso mga kapatid nya may asawa na. Sa kanya na lang umaasa parents nya. Hanggang sa nagdecide sya mag apply bilang promodiser sa isang mall dun sya natanggap. Imbes engineer sya, naging sales personnel na lang sya. Sabi nya sakin tanggap nya na daw na dun na lang siguro ang career nya. Pero sinasabi kong mag-try pa siya sa iba. Kawawa naman kasi. See, ginawa nya rin naman pero bakit ganun?
Napakadaming pangyayari sa buhay na gusto mo sana na baguhin kaso yung kapalaran mo ang kalaban mo. Parang ayaw sayo ibigay or sinusubukan ka lang nga ba tlga or hindi tlga para sayo. Hindi mo rin naman alam kung kelan ka susuko lalo pa kung marami ka pang naiisip na paraan pero ni-isa wla ng nagwowork.
Hindi ko alam ang tamang formula ng ibang successful sa mga bagay na ginusto nila. Yun naman ay ibang side ng kwento. Alam kong kung may makakabasa nito magrereact ka talaga. Pero if you just put yourself to this story and other stories na malalaman mo galing sa ibang tao na parehas ng kwento matatanong mo talaga bakit nga ba ganun?
BINABASA MO ANG
Destiny maybe??
SpiritualAno gagawin mo kung ginagawa mo naman lahat pero parang ayaw makisama sayo ng kapalaran mo?