Chapter four
Nakahanap na ko ng trabaho. Sa cashier ako sa Starbucks. O deba sosyal. Nagsisimula na nga ako e. Medyo madami din customer.
"Okay ka naman ba dyan?" tanong ng manager.
"Ah opo!" sagot ko.
"Osige, kung may kailangan ka sabihin mo. Wag kang mahiya." hayy swerte ko sa trabaho ko. Mataas sweldo at mabait yung manager.
"Excuse me. Magkano to?" tanong ng lalaki.
"150 pesos." sabi ko.
"Louis?!" napatingin naman ako dun sa tumawag sakin.
"Tre...." naputol yung sasabihin ko kasi dumating yung manager.
"Kilala mo ba to? Diba sabi ko bawal makipag usap sa customer?" Sabi ng manager.
"Nako di ko nga po kilala yan e. Kakausapin pa po ba? Tinatanong niya lang po kung magkano yung binibili niya." paliwanag ko.
"Uy Louis!" sigaw ni levin. Bwisit pahamak sa buhay tong mga to. Di pa ba sapat kahapon na ng gulo sila? Tss!
"Hi France!" bati ni lucas. Isa pa to! Siniko ni Trevor yung dalawa pero parang di na gets.
"Kala ko ba di mo sila kilala?" tanong ng manager.
"Di nga ho." Sana di mabuking!
"Bat nila alam pangalan mo? At parang close kayo?" dami naman tanong.
"Ah eh kasi po may name tag po ako diba? Tsaka feeling close lang po talaga sila." sinabi ko na lang. Kung pwede lamunin ngayon ng lupa.
"Anong hindi. Dib...." pinutol ni Trevor yung sasabihin ni levin.
"Tara na. Nabayaran ko na to." Whoo! Buti na lang.
"Osige babalik nako sa opisina." paalam ng manager.
Natapos din yung trabaho. Ginabi na ko dahil sobra din yung customer. Pumunta muna ko sa may park. Umupo ako sa may swing grabe kapagod buti na lang binigyan ako ng bonus.
Bigla naman nagbeep yung phone ko. Pagtingin ko si Trevor nagtext.
Trevor ^^, :
Saan ka?
Bakit naman kaya? Rereplyan ko ba? Wag na baka mapahamak pa ko. Ilang minuto bigla na naman may nagtext.
Trevor ^^, :
Nasa starbucks ka pa ba? Puntahan kita.
Me:
Parkkk. Y?
Trevor ^^, :
Wala sina lucas & lev.
Me:
Soooo? :p
Trevor ^^, :
Slow! Puntahan kita malapit nako.
Slow agad? Paki ko ba kung wala yung dalawa. Mas masaya ako kung di na babalik si levin. Naramdaman ko na lang may tumabi sakin.
Akala ko si Trevor pero hindi mukhang adik. Tatayo na sana ako ng bigla niya hinawakan yung wrist ko. Ugh natatakot na talaga ako pano ba naman ngumiti tas tumingin baba taas.
"Let me go!" sigaw ko.
"Tambay muna tayo dito." Sira ulo to! Mukha ba kong tambay!
"Ikaw na lang! Di naman ako tambay. Next time na lang pag naging tambay ako tetext na lang kita." biro ko. Kaasar talaga.
"Miss samahan mo na lang ako." yuck! Kung si channing tatum perfect pa. Kung ikaw wag na.
"Ayun yung pusa magsama kayo!" Turo ko dun sa pusa. Napatingin naman sakin yung pusa at nag meow.
"Mukha ba kong nakikiloko sayo?!" sigaw niya lalo niya hinigpitan yung hawak niya.
"tinatanong pa ba yan?! Mukh...." naputol yung sasabihin ko dahil may sumuntok kay mr adik. Knockout.
"Woaah!" sabi ko habang nakatingin pa din kay mr adik.
"Nasisiraan ka na ba? Sasagot ka pa e!" sermon ni Trevor.
"Kung di ka lang dumating mauupakan ko na yan." sabi ko. Habang pinapakita ko yung muscle ko kahit wala naman. Natawa naman siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ko sa ulo at ginulo yung buhok ko.
"May naaalala tuloy ako." ngumiti siya at parang inaalala yung mga nangyari dati bigla naman nagbago yung facial expression niya naging malungkot.
"Tara uwi na tayo at sa susunod wag mong hahawakan yung buhok ko." sabi ko saknya at sinuntok ko yung braso niya.
"Ow! Para san yun?" tanong niya habang hinihimas yung sinuntok ko.
"Para naman ang lakas ng suntok ko." sabi ko at natawa na lang ako.
"Wala si Katie sa bahay niyo. Kasama nila." pagoopen niya ng topic.
"Okay." sagot ko na lang.
"Di ka ba nagaalala?" tanong niya.
"Hindi. Matanda na si Katie tsaka di niya ko nanay." sagot ko. "Bat di ka pala sumama?" tanong ko.
"Magulo sila. Tsaka sumasakit yung ulo ko pag kasama sila." paliwanag niya natawa na lag ako. Di ko napansin nasa harap na pala kami ng bahay ko. Niyaya kong pumasok sa loob si Trevor.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu ano. Pagkatapos umalis na din siya dahil gabing gabi na.
•••••••••••••
Please vote!
Drop your comment!
Be a Fan!
Must read!!!!!!
TheGreatLuw xx
Yung sa picture po yung una si Levin sa gitna po si Trevor sa dulo po si Lucas. At syempre po yung babae si Louis. :)
BINABASA MO ANG
I'm Loosing You
RandomMy name is Cher France Louis James. If you want to know my story. Just read it :)