Hala! Nag-send! (One Shot)

378 5 0
  • Dedicated kay Boo
                                    

Matagal na talaga akong may crush kay Krich John Ombi-on. Napaka-perfect guy niya kasi para sa akin. Gwapo, matangkad, maputi, matangos ang ilong, tapos mabait, gentleman, singer at sporty pa. :"""> Kaya nga hanggang crush lang ako e. Kung pwede ko lang talaga siyang ligawan.. kaso nakakahiya.. wala akong lakas ng loob..

Ako nga pala si Jia Vanessa Catiis. Jia for short. 2nd year student ako ngayon dito sa Sacred Heart Academy. Ordinaryong estudyante lang ako dito. Hindi matalino, hindi mayaman, hindi sikat.. pero ang sabi nila, maganda "daw" ako at mabait pa "daw". Hindi ako chubby. Hindi naman sexy. Payat lang ako. Ewan ko ba, kain ako ng kain pero hindi ako nataba. Curly ang buhok ko. Kaya, madalas, "Kulot" ang tawag nila sakin. 

Actually, 3rd year student na si Krich John Ombi-on, Krich for short, kaya nga malabong mangyari na magiging kaklase ko siya. Kaya, hanggang tanaw na lang ako sa may bintana ng classroom namin tuwing break time kung saan nandun siya at naglalaro ng table tennis. :"""> Ako ang dakila niyang cheerer! ^_____^ Minsan naman, kapag trip ko, niyayaya ko sina Leslie na kaibigan ko para bumili sa labas tapos tatambay kami sa may bleachers at papanoorin siya! :"""> 

HAAAAYYY. SANA MAPANSIN NIYA AKO..... -______-

Pero napakaimposible! >__< 

Ang daming mga babaeng umaaligid sa kanya nuh. Tapos, ang gaganda pa nila. Wala akong palag sa mga yon! Tsaka, hindi naman ako nagpapapansin kay Krich my Love ko eeeee.... Nahihiya talaga ako! Feeling ko kasi kapag ginawa ko 'yun, mawawala dignidad ko... Parang eeeeewwww. Hello Jia? Babae ka.

Isang araw, break time. nandito ako sa bleachers. Hindi ko kasama sina Leslie. At syempre, pinapanood ko na naman si Krich my Love kooo. Ang galing galing galing galiiiing niya talagang maglaro ng table tennis! Palagi niyang natatalo si Sir Vic na coach niya. :"""> 

GO KRICH! ^____________^

Huh? O________________o

Jia? >____<

Hala. Napasigaw ako >///< Hindi ito maaari! Halaaaaa.

Awkward!

Nakatingin silang mga nasa bleachers >_____< 

Napatingin silang gma babaeng parang asong humahabol kay Krich. Oh my gossssssssssssshhhh O___O

Tapos... tapos.... sss--- sssiiii Kri-- Krich ..... Hala. Nakatingin din siya sa akin! >__<

AYOKO NA! Pinagpapawisan na ko. Pati kili-kili ko pinagpapawisan na. Jia kasi... napaka--! 

Dahil sa awkward na nangyari, napangiti na lang ako sa kanila. Tapos, patay-malisya...

Bago ako makaupo. Ang bilis talaga ng tibok ng puso.... Sobrang bilis.... Dug-dug. Duug-dug. Paulit-ulit. Paano ba naman nakatingin si Krich sakin... tapos.... NGUMITI SIYA SAKEENNN!

Pagkaiwas ng tingin niya sakin at nang maglaro ulit sila, umalis na ko agad sa kinauupuan ko. Bumili na lang ako ng maraming pagkain para mawala 'tong tense na 'to. Feeling ko nga, naging straight buhok ko sa nangyaring yun! >///////<

OK, Jia... forget about that....

*kain* *kain* *kain*

Nasa room na ako ngayon. Katabi ko sina Leslie. Nagbabasa sila ng pocketbook kaya busy sila... habang ako.. eto kain pa rin kain. Nang biglang.....

Good afternoon class. Who's your class president? 

Absent po e.

Uhm, your Vice President?

Wala rin po dito.

OK, your Secretary...

Jia! 

Ooops. 

Ma'am, bakit po?

Sa'yo ko iaassign 'to. Listahan 'to ng mga sasali sa Sports Fest this last week of October from 1st to 4th year. Ikaw na lang maglista ng pangalan kung sino kasali sa section nyo. Kindly get their contact number and e-mail address. OK?

Yes Ma'am.

OK, thank you. 

*Umalis na si Ma'am.*

Kung i-to 'yung lis-ta-han ng mga kasa-li sa...... sa Sports Fest... ibig sabihin....

Nandito sa listahan si KRICH MY LOVE! XD

Dali-dali akong pumunta sa desk ko. Hinanap ko pangalan ni Krich. 

Nahanap ko nga. Tapos, kinuha ko cellphone number niyaaaa. Wahahaha! XD 

Name: Krich My Love

Phone Number: 09098834371

Kaso, expired na pala load ng celphone ko. Wrong timing. Gusto ko pa namang itext siya. Wahaha. 

Dahil sa baliw na baliw ako sa lalaking 'yon, nagtype ako sa Create Message ko..

Dear Krich My Love,

Matagal na po talaga kitang gusto. Hindi lang gusto. Gustong gustong gustong gustong gusto times 10 to the 100 power!!!!! kaso, langit ka at lupa lang ako. >__< Paano na ako? Kaya, hanggang tingin na lang talaga ako. Hanggang cheer lang ako sa mga laban mo... Hanggang tagapakinig lang ako sa mga kanta mo sa Soundcloud... Pero kahit ganon, huwag kang mag-alala, ikaw lang at ikaw lang ang magiging laman ng puso ko. Pangako yan My Love. 

                                      Baliw na baliw na nagmamahal,

                                        Jia "Cheer Leader ni Krich My Love"

Send to

Contacts

Krich My Love

Send

Sending.....

Ayy. Hala. Baka magsend... Baliw Jia. Wala kang load....

MESSAGE SENT!

HALAAAAAAAAAAAA!!!!!! Nag-send! >________<

Ano nang gagawin ko? Hala. Baka mabasa niya! >______< 

Akala ko ba wala na kong load! T________T 

Save as Draft lang po talaga yuuuuun. Huhuhuhhhhh

1 Message Received

Hala. Baka si Krich na yan. Hala, ayoko nang basahin! T____T

Pero binuksan ko pa rin kasi baka hindi naman siya... at kung siya, let's face this awkward situation and the worst day of my entire life! 

Dear Jia,

Masaya ako at napadpad ka sa inbox ko. Gusto ko nga palang magpasalamat sa'yo. Maraming salamat at palagi mo akong chinicheer sa laro ko. Maraming salamat kasi palagi mong pinapanood laban ko, at tinatanaw-tanaw sa may bintana ng classroom niyo. Maraming salamat kasi pumupunta ka pa sa bleachers para lang mapanood ako. Tagasimula ng palakpakan at hiyaw. Salamat din kasi ikaw ang nangungunang makinig sa mga kanta ko sa soundcloud... at palaging nagla-like. :) Maraming salamat at gusto mo rin ako... 

                                   Lubos na nagmamahal,

                                 Krich Your Love "Secretly In Love With Jia My Love"

*** the end ****

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Salamat sa pagbabasa! Sana po nagustuhan nyo! ^___________^

♥ Vote. Comment. Become my fan. ♥

Hala! Nag-send! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon