Going home from work. Sobrang nakakapagod ‘tong araw na ‘to. (=__________= l| ) Pero okay lang kasi makikita ko na rin naman asawa ko e. (^_____^)/
*BLAGG*
O_____O Parang galing yun sa apartment namin ah.? Ugghh… YUNG ASAWA KO! Baka kung ano nang nangyari dun!
Dali-dali kong tinakbo ang natitirang espasyo na magbibigay-daan patungo sa pintuan ng apartmment na tinutuluyan namin.
Pagbukas ko ng pinto… Bigla ko na lamang naibagsak ang mga dala kong gamit. DUGO. Ang daming bakas ng dugo.
“LEI!”
Sinigaw ko na yung pangalan nya habang yung mga mata ko ay paiko-ikot pa rin sa paghahanap sa kanya. Halos hindi ko na mailakad ang aking mga paa. I was frozen there… Kailangan kong maglakad. Pano ko sya mahahanap kung ttnganga lang ako dito? I told mysef. Nabablangko na isipan ko sa sobrang pag-aalala sa kanya. Dahan dahan ko nang inilakad ang aking mga paa. Ipinipilit pa rin sa aking isipan na walang mangyaring masama sa kanya.
*tok tok tok*
Tanging ang tunog lamang ng aking mga sapatos ang naririnig ko. Halos lamunin na ng katahimikan ang buong unit namin. Walang nagsasalita… diretso lamang ang aking tingin… ano.. ‘yong natapakan ko? Dahan dahan akong tumingin pababa…
“LEI!”
I finally found her, swimming I her own pool of blood. Shold I be happy finding her in this condition? Anong gagawin ko? TULONG!
“LEI! GISING! HOY!” Napaupo na ako, binuhat ko ng kaunti yung ulo nya. Tinapik-tapik ko pa yung pisngi nya pero wala pa ring sagot.
“Lei! Sinong gumawa sa’yo nito?!”
“Lei! Wag mo akong iwan!” I kissed her forehead. Tears running down my cheeks. I can’t believe this is happening. Yung asawa ko. :’((( Who could possibly do this to her?
K A T A H I M I K A N. Wala na akong ibang marinig kundi ang aking mga paghikbi.
“Lei, I’m sorry kung nagkulang ako ng oras para sa’yo. Huk Huk”
“Sorry hindi ko napapagbigyan yung mga hinihiling mo sakin.”
“Sorry hindi ko naiparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal.”
“Sorry. Dahil sa kapabayaan ko nangyari ‘to sa’yo.”
“God. Please give me another chance. Sorry Lei.” Hindi ko na mapigilan sarili ko. Napaka feminine ng pag-iyak pero hindi ko alam. Ang hirap. Tanging dito ko nalang mailabas yung nararamdaman ko ngayon.
Silence. Please give me another chance. Please.
“Hihi.” Her soft laugh. Remembering those moments when we are still happily living together.
“Hihi.” Huh? Grabe. Minumulto na ako agad? Nararamdaman kong may mga kamay na humahawak sa likuran ko.
“Lei… wag mo akong takutin… kung nasan ka man… pa-postpone muna ng pagpaparamdam mo. ToT”
“Bumalik ka nalang dito. Di ko kakayanin na wala ka T^T”
*BOOOOGSSSHH*
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!” Gahhhh! Bangkay na tumatawa at nananapak? T^T Anong ispiritu ang sumapi sa katawan ng asawa ko TOT Waaaaaaah! Napatakbo naman ako palayo dahil dun.
“Wahahahahaha! Ano ba yan Justine! Halika nga dito at tulungan mo akong linisin ‘to.” Nagsalita ulit sya kaya medyo natauhan na ako. Tumakbo ako papunta sa kanya.