( YOU'RE STILL MINE)
"True love doesnt have a happy ending, because true love never ends"
Ako si Michaella at naniniwala ako sa kasabihang iyan-DATI! Nong hindi pa kami naghihiwalay ng boyfriend ko. Wala naman kaming pormal break up kasi after niyang mag-iwan ng message sa FB ko na ang pagkakasabi pa ay "MINE, I'M SORRY. I'M REALLY SORRY, GINAWA KO ITO PARA SAYO. DAHIL SAYO!!!. I NEED SPACE." Then ayon ni hindi na nga nagparamdam pa ang mokong na si Wayne sa akin.
Eh, ano pa nga bang maiisip ko, hindi naman ako bobo o tanga para hindi isiping break na kami pinaligoy-ligoy niya lang ako. Hindi man lang niya nilinaw kung bakit o ano ang dahilan. Mas tumibay ang paniniwala kong hiwalay na kami ng sumapit ang isang Linggo na hindi niya ako tinext o tinatawagan kahit sa FB wala rin message. Break na nga talaga kami un-officially nga lang.
Wala akong ginawa ng mga sandaling iyon kung hindi umiyak at magmukmok sa loob ng isang Linggo. Ang daming tanong sa isip ko na hindi masagot. Ang mas nakakainis pa talagang itinaon pa niya kung kailan malapit na 2nd anniversary naming dalawa.
Nagpunta ako sa bahay ng bestfriend kong si Lyrine. Siya kasi ang takbuhan tuwing may problema ako.
"Ang sakit-sakit. Para kong tanga. Pilit kong sinasabi sa sariling kong dapat akong magalit sa kanya pero gusto kong marinig ang paliwanag niya para maayos naming kung anuman man ang problema." Kumuha ako ng tissue, sa tissue box at pinunas iyon sa mga mata ko.
"Gaga! Mag ayos nga. Tara mamasyal na lang tayo. Hindi yong iyak ka ng iyak." Sita sa akin ni Lyrine.
"Pek, gusto kong malaman kung bakit ako hiniwalayan ni Wayne." Katwiran ko.
"Ikaw na rin ang may sabi na pinagtataguan ka niya di ba? Kaya tara na magliwaliw tayo kaysa nagmumokmok ka dito at nag-iiyak." Hinila ako ni Lyrine sa harapan ng kanyang dresser at naghanap ng damit.
Isang elegant white dress ang iniabot niya sa akin. May kakaiba sa damit ng iyon masyado yong maganda para gamit lang sa pamamasyal at parang hindi pa iyon nasuot. Mahilig siya sa mga dresses kaya hindi din naman nakakapagtaka kung hindi niya alam kung alin na sa mga damit sa cabinet niya ang nasuot na niya.
Matapos kong isuot damit ay inayusan ako ng kaibigan ko. Itinago niya sa make up ang pamamaga at pamumugto ng aking mga mata dahil sa kakaiyak. Matapos akong ayusan ay isang simpleng pink dress lang isinuot niya. Tapos ay lumabas na kami ng bahay nila.
"Tara na, baka malate tayo. Lagot ako kay Bondoc," aniya na ang tinutukoy ay ang boyfriend niyang si Xerxis. Endearment kasi nila ang surname ng bawat isa.
Ang akala ko sa isang mall kami pupunta para makapagshopping kaya na bigla ako ng sa club house ng subdivision kami magtungo. Isa lang ang punasok sa isip ko ng mga sandaling iyon. Si Wayne. Paano doon ko siya sinagot 2 years ago. Parang sinadyang pa na may party kasi may mga nakaset ng table sa paligid ng gazebo at sa mismong loob ng gazebo may pang dalawahan round table at may nakalatag pang red carpet with flowers petals.
Ganong ganon yong set up sa gazebo noon sagutin ko si Wayne, para maging boyfriend ko. Ang sweet. Siguro may ikinasal at sa club house ang venue nila. Muntik pa akong matumba ng tapikin ako ni Lyrine.
"Pek, natulala ka na dyan." Pukaw ni Lyrine sa diwa kong namamasyal.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito. Tara na mukhang may party dito makakaabala pa tayo." Naglakad na ako palayo ng biglang may humarang sa daraan ako.
"Buti nahila mo dito si Michaella." Sabi ng lalaking bigla na lang humarang sa dadaanan ko.
"Ako pa. Oh, habala ka na dyan. Kanina pa niyan gustong umalis at kanina pa din ako naiinip dito. Bondoc, baka akala mo." Tinulak ako ng magaling kong kaibigan palapit sa boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
You're Still MINE (SHORT LOVE STORY)
RomancePaano nga ba kung ang taong mahal mo ay bigla na lang mawala ng walang dahilan o paalam. Aasa ka pa ba na babalik siya para sayo?? K_19 ( K3U )