Chapter 20

1.2K 75 30
                                    




Chapter Twenty


Kinakabahan na nakaupo ako ngayon ako dito sa favorite kong coffee shop malapit lang sa aming university. Kasalukuyan kong kagat ang straw ng iininuman kong frappe habang panaka-naka ang tingin sa labas, hindi mapakali.

Mag-isa lang ako ngayon dahil kakatapos lang ng huli kong klase ngayong araw. Buong araw akong lutang matapos ang tagpo na iyon namin ni Miss Costales sa loob ng classroom habang nagte-take kami ng quiz sa kaniya, kung matatawag na ba quiz 'yon. Hindi ko tuloy if tama ba ang naisagot ko doon or tama ba ang pagkaka-check ko dun sa ni-check kong papel kanina. Walang wala talaga ako sa tamang pag iisip kanina dahil sa professor na iyon kaya pasensya na kung kanino man 'yon.

Dapat talaga ay didiretso ako sa office ni Atty. kanina. Dahil inunahan ako ng kaba, mas inuna kong mag sayang muna ng pera before puntahan ang babae na iyon. Naisipan ko munang paligayahin ang aking sarili before ako magluksa dahil alam ko, before matapos ang araw na 'to, umamin na ako sa kaniya tungkol sa feelings ko sa kaniya. Panigurado din na wala na akong maihaharap na mukha sa kaniya after ng araw na 'to kaya talagang susulitin ko na.

Enjoying my last day.

Iniisip ko kung anong sasabihin ko sa kaniya pag nakita ko siya. Ano bang uunahin kong sasabihin sa kaniya?

Na naaalala ko na na hinalikan ko siya noon sa bar just to hide from my bodyguards that night? Aaminin ko na ba na may gusto na ako sa kaniya?

Or sabihin ko na lang kaya na she's fired para hindi ko na sabihin ang alin man sa dalawa na naisip ko?

Kung ako lang ang masusunod, that's the best option to save myself pero parang sobrang duwag ko naman kung gagawin ko iyon. Laging sinasabi sa akin ni Mommy dati na act according to my feelings. Huwag maging duwag. Pero, ano itong ginagawa ko? Isn't this how a coward behaves? Nagtatago just to save herself from embarrassment?

Naalala ko pa ang mga sinabi sa akin ni Mommy noon. It is better to tell your feelings instead of bottling it up. Kapag kinikimkim mo ang nararamdaman mo, para kang isang basong puno na, at eventually, aapaw din. Masakit man o masaya, lahat ng emosyon ay may lugar at panahon para mailabas.

She told me not to be afraid to speak up kahit minsan napakahirap gawin iyon. Ang damdamin ay parang ulan—mas mabuti pang hayaang bumuhos kaysa pilit pigilan. Kasi kung hindi, baka bigla na lang dumating ang bagyo, at mas mahirap na harapin.

Tuwing naiisip ko ang mga salitang iyon, lalo na sa mga pagkakataong parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, pinapaalala nito sa akin na hindi masamang ilabas ang nararamdaman. Sometimes, letting it out doesn't just lighten your load—it also opens doors for others to understand and support you.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa suot kong wrist watch bago mapanguso. Tuwing gagalaw ang nasa loob ng relo, dumadagdag ang kaba sa aking dibdib. Matatapos na ang kaniyang klase in ten minutes habang ito ako, halos magpadala na sa hospital sa sobrang tindi ng kaba.

Hindi ko alam ang una kong gagawin. Ito rin kasi ang mahirap sa akin. I always act on impulse if I'm already right on the spot. Kung ano lang ang napasok sa utak ko ay ayon na ang aking gagawin which is bad dahil hindi ko alam ang magiging consequences nito after. Tsaka ko lang siya mare-realize once I think about it which is really bad.

Miss Costales is someone who has emotional intelligence. Kahit tingnan mo pa lang ito, alam mong matalino siya sa lahat ng bagay. Ayon nga siguro ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. She never acts out of impulse at lagi siyang composed pag kinakausap ang maraming tao kahit na minsan ay talagang nakakainis na ang kinakausap niya.

Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)Where stories live. Discover now