Prologue
Nakahiga ako sa kama ko habang titig na titig sa laptop ko nang bigla akong binatukan ng roommate ko.
"Huy! Titig na Titig ka diyan ah! Sino ba yan?" sabay upo sa tabi ko at turo sa picture sa laptop ko.
"Nukaba ate! Soulmate ko yan noh!"
"Soulmate ka diyan! Pano mo naman nalaman?"
"Syempre naman alam ko noh! Kami ang tinadhana sa isa't- isaaaaaa!" :">>>>> sabi ko sabay lagay ko ng kamay ko sa dibdib ko. Eto nanaman ako. Pag nagkagusto kasi ako sa isang tao, kahit crush lang feeling ko mahal ko na. Feeling ko, kami na ang para sa isa't- isa. Feeling ko siya na.
"Hay nakooo. Kilala ka ba niyan? May pinaghuhugutan ka talaga eh. Haha. Lika na nga, kain na tayo." hinila niya na ako sa labas at humanap na kami ng kainan.
Annyeong! Ako pala si Cassandra Ly Garcia. Ly nickname ko. 1st year nursing student ako at taga- province talaga ako pero nag- aral dito sa Manila kaya naman naka- dorm ako ngayon. Yung kausap ko kanina, si Ate Jaya yun roommate ko. 3 kami dito sa room, si Ate Ella (Na wala pa ngayon. Late ata uuwi) Ate Jaya at ako. Yung picture naman na pinagpapantasyahan ko ay ang crush ko lang naman na si Damen Cruz. Sa totoo lang sa facebook ko lang nakilala to dahil nga sikat siya online. Ang saklap ko nga kase para lang akongewan ditong nagfa- fangirling dahil di naman niya ako kilala. At eto ako parang gago na nagmamahal sa kanya. Oo, feeling ko mahal ko na eh. Hahaha. Bwahahaha. Malandi lang eh. Hayaan niyo na ko. NBSB ako mga tooooool. -________-
Pero kahit NBSB ako, naniniwala ako sa fairytales. Hindi ako bitter bitteran kaya naman ayoko ng mga drama at lalong ayoko ng tragic ending. Naniniwala nga rin ako sa soulmate at destiny eh.Pero sa ngayon di ko pa nahahanap si soulmate. :((( At isa akong romantic at sweet na tao. Promise! At super madali akong mainlove. Di ba? Kaya nga inlove ko sa isang facebook famous eh.