CHAPTER 31 : ^_^
Aral aral ulit ... Nakikita ko yung katabi ko which is si kristine na matamlay , bakit kaya?
"hoy, okay ka lang ba?"
"medyo pagod lang ako.."
"uwi ka nalang , hatid na kita"
"hindi na ,kaya ko pa naman.."
"sigurado ka?"
"oo" sabay dukdok sa desk (arm ng upuan) ...
Break na pero ganun parin yung ayos ni tine , nakadukdok pa din sya .. ano bang nangyayari dito?
"tara na---- , mainit ka! may lagnat ka ata .."
At dahil sa nalaman ko , medyo nataranta ako kaya binuhat ko siya papuntang clinic.Wala akong pakialam sa mga taong nakakakita sa aming dalawa..
"ano pong nangyari sir?"
"may lagnat po sya , mainit eh"
"ah okay po, pakibaba nalang sya dito sa bed"
"okay"
At yun, hindi pa ko umalis sa clinic dahil hinihintay ko yung sasabihin ng nurse about a kanya .. Naiinis man akong aminin pero nag aalala ako sa kanya ..
"Ahm sir,okay na po yung kasama niyo .. Ano po bang name niya?"
"ahm , kristine .. ahm --" teka ano nga ba?
"ano po sir ? kristine?"
"ahm , ahehe .. di ko matandaan eh .. hehe" napakamot ako ng ulo dun ah ..
"ah ganun po ba sir? sige po ako nalang po magtatanong paggising nya.. ahm sir pwede na din po kayong umalis at may klase pa po kayo."
"ha? hindi na ko papasok .."
"pero sir--"
"babantayan ko sya hanggang sa magising.." kulit >_<
"ah okay po sir , kayong bahala" at umalis na yung nurse..
Mga ilang minuto na yung lumipas pero di parin sya gising.. Naglaro muna ko sa cellphone ko para malibang ng konti.. Teka nga? bakit ba ko naghihintay dito? Sa bagay , baka isipin ng mga tao na di ako maalaga sa girlfriend ko.. haha
"Bakit ako nandito?" tanong nya..
"oh gising ka na pala."
"anong meron?"
"mainit ka nung hinawakan kita kanina kaya dinala nalang kita dito sa clinic"
"ah kaya pala.."
"teka--- ouch.." pinipilit nyang tumayo.
"wag mong pilitin , di mo pa kaya .. nanghihina ka pa kaya"
"okay lang ako.."
"di mo pa nga kaya"
"okay lang"
"di mo pa nga kaya"
"oka---"
"ang kulit! di mo pa nga kaya!"
At natahimik na sya... nanatili nalang syang nakahiga..
"bili muna ko ng pagkain mo"
"di na , di naman ako gutom"
"aish!"
"oo na nga .."
At bumili na ko .. Pagbalik ko kinakausap na sya nung nurse ..
YOU ARE READING
Happy Memories (A fictional "CHICSER" CHARACTER STORY)
ФанфикHi Readers ! Being a fanatic of Chicser world, I have decided to create an inspired and fictional story about them. I am only 16 years of age (wayback 2011) when I first planned to create this work and published here in Wattpad. I have no prior ex...