Chapter 5: First Day
"Kuya ano ba kasing meron bakit ako pa ang kailangan niyong pilitin para maging Yaya nung bata?" Pagbubukas ko sa usapan kay Kuya pagkauwi ko ng bahay.
Naabutan ko siya kanina na nasa sala at nanonood. Siya lang naman kasi ang kapatid ko na mahilig tumambay sa bahay eh. Unlike Kuya Youichi na hindi napipirmi ng matagal dito sa bahay.
"May pinagdadaanan kasi yung bata. Nakikitaan siya ng sintomas na maari siyang magkaroon ng depression." Sagot nito.
Napakunot-noo ako. "Are you kidding me? Ang bata pa niya ah."
"Wala namang pinipili ang sakit na yun. Lahat naman pwedeng magkaroon ng depression."
"Di ako naniniwala sayo."
"Ako yung doktor tapos magsisinungaling ako? Gustong gusto ka nung bata. Ang sabi ni Alex sakin, mula ng sabihin niya sa bata na hindi ka pumayag na maging yaya niya, nalungkot yun. Madalas na daw magmukmok at walang ganang kumain. Tumahimik din at ayaw ng makipag usap. And seriously, bakit ba ayaw mo? Bawal tumanggi ang mga katulad natin sa nangangailangan ng tulong." Seryosong saad nito.
Oo nga. Bakit nga ba ayaw ko? Napabuntong hininga ako. Hindi naman dahil sa ayaw ko sa bata, ang totoo, magaan din ang loob ko kay Aki. Ang inaalala ko lang naman kasi ay ang nararamdaman ko. Natatakot akong mahulog ulit ang loob ko kay Alex. Baka this time hindi na ako makamove on pa.
'Bakit nag move on ka nga ba?'
Umiling ako. Haay. "Wala Kuya, sakin nalang ang dahilan ko. Anyway wala naman na akong choice gaya ng sabi niyo."
"Alam mo sis, halata ka kaya." Anito na ikinalingon ko sa kanya.
"Anong halata?" Nagtatakang tanong ko.
"Halatang gusto mo pa din siya. Kung gusto mo talagang maka move on, wag mo siyang iwasan. Kung natatakot kang lalo mo siyang mahalin, ganun talaga. Pero para masanay ka dapat masanay ka na din sa presensiya niya." Saad nito.
"Eh bat ikaw?" Balik-tanong ko.
"Bakit, sino ba may sabi na gusto ko siyang kalimutan? Gusto ko ang nararamdaman ko kaya hahayaan ko lang to hanggang sa kusa nalang siyang mawala sa sistema ko. That is, kung mawawala pa nga siya sa puso't isip ko."
Okay. Sabi ko nga. Tumayo ako at binato ko siya ng throw pillow. "Yuck ang korni mo. Kumain ka ba ng mais?" Pang aasar ko sa kanya.
Ngumisi ito. "Hindi, pero kumain ako ng keso."
Natawa na ako sa kanya. "Yuck ka Kuya. Dyan ka na nga. Baka mahawa pa ko sayo."
-
-
-Kinaumagahan ay meron ngang dumating para sunduin ako. Kaya ko naman pumunta doon mag isa. Tss. Naninigurado siguro na makakapunta talaga ako doon.
Tahimik lang ako na sumama sa driver yata nila Alex. Nakapanglumbaba lang ako sa may bintana ng mapansin ko na ibang daan ang tinatahak namin kaya medyo kinabahan ako. Umayos ako ng upo at tumingin sa driver na seryoso lang sa pagdadrive.
"Teka manong, saan po tayo pupunta? Hindi po ito yung daan papunta doon sa condo nila Alex." Medyo kinakabahang tanong ko.
Tiningnan ako ni manong sa rearview mirror. "Sa bahay nila Sir Alex ang punta natin Miss." Sagot nito.
"Bahay? May iba pa siyang bahay maliban sa condo unit niya?" Tanong ko pa.
"Opo Ma'am. Yun po ang bahay nila talaga. Dun po sila nakatira nila Sir Aki."
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven