Chapter 27

17.2K 437 12
                                    

Chapter 27

Anong ginagawa niya dito?

Kumakabog pa rin ang dibdib ko habang pinagmamasdan si Christian mula sa kinatatayuan ko. Bahagya akong natatakpan ng malaking flower arrangement na nagsisilbing palamuti sa paligid kaya alam kong hindi niya ako mapapansin agad.

Malayong-malayo na ang itsura niya sa dating Christian na nakilala ko. Bagong gupit na ito at wala na ring eyeglasses. Ang dating tuck-in trademark nito ay nawala na rin at mas lalo itong gumwapo sa suot na tuxedo at black shoes. Nasaan na ang dating Christian na siyang unang minahal ko?

May kausap siyang lalaki pero natatakpan ang kalahati ng katawan nito ng haligi kaya hindi ko makita ang itsura nito.

"Ang swerte ni Christian, noh? Hindi mo aakalain na bigatin pala siya."

"Sinabi mo pa!"

Napalingon ako sa dumaan na dalawang babaeng nag-uusap papuntang comfort room. Nakilala ko ang isa doon na si Panda girl na nakilala ko sa farewell party ni Christian.

Invited din sila?

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko na parang mabibingi na ako sa sobrang lakas.

Hindi kaya...?

Tila kinumpirma ang namumuong hinala ko ng lumingon sa banda ko ang kausap ni Christian bago ito lumabas.

Si Boss M!

Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha ang cellphone sa pouch ko at dinial ang numero ni Mami Faye.

Gusto kong kumpirmahin kung totoo ang hinala ko.

"M-Mami Faye, ano ngang buong pangalan ni Boss M?" Iyon agad ang tanong ko pagkasagot niya ng telepono.

"Manolo Cosio. Bakit?"

Hindi ko na nagawang sumagot o magpasalamat pa kay Mami Faye dahil parang nanghina ang mga tuhod ko at dahan-dahang binaba ang cellphone ko habang nakatingin kay Christian. Tila tumigil ang paghinga ko.

Si Christian ang anak ni Boss M!

At siya na ang bagong boss ng club. Ito pala ang announcement na tinutukoy ni Mami Faye.

Kaya pala...Kaya pala alam niya ang buong pangalan ko. Kaya pala nung nagkasakit ako, hindi ko na kailangang magpaalam pa kay Mami Faye dahil kasama ko na mismo ang boss ko. At hindi totoo na ang mga kaibigan niya ang nag-request sa akin dahil siya na mismo ang gumawa niyon.

Bakit kailangan pa niyang magsinungaling? Bakit kailangan pa niyang magpanggap? Para ano? Para gamitin? Paglaruan?

Sumariwa sa akin ang alala noong panahong nag-propose siya sa akin. Pakiramdam ko kasi totoo 'yon. Totoo ang ngiti at sayang nakita ko sa mukha niya. Napaka-galing niyang umarte kung sakali mang nagkukunwari lang siya nun. Parte lang pala iyon ng plano niya para makaiwas sa kasal nila ni Bianca. Dahil sa simula pa lang, planado na niya ang lahat.

Lumabas na ako sa pinagkukublihan ko para komprontahin siya pero nakakailang hakbang pa lang ako nang marinig ko na naman ang tinig na tila bangungot sa pandinig ko.

"Christian!"

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Bianca. Naka-black long gown ito at parang clown sa sobrang kapal ng make-up. Ngiting-ngiti itong lumapit kay Christian at humalik pa. Biglang kumulo ang dugo ko na kulang na lang ay umusok ang tenga ko.

Napahinto ako sa paglapit at biglang pumasok sa isip ko ang sinabi nito sa akin noong nasa bar kami.

"Let's see. Next week na siya ipapakilala as the new boss at isasabay na rin sa araw na 'yon ang announcement ng kasal namin."

The Geek's Whore [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon