MOVE ON.. Madaling sabihin, Mahirap gawin. (One-Shot-Story)

1.1K 25 23
                                    

Sana ako yung, kasama niya ngayon.....

Sana ako yung, may hawak ng kamay niya.....

Sana ako yung, nagpapa-ngiti sa kanya ngayon...

Sana ako ang babaeng iyon............

At sana...........

****

"Move on na bessy! 3 years nang nakakalipas oh! Alam mo, kung pagkain yang pagmamahal mo matagal nang, panis 'o inamag yan!"

"MOVE ON. Madaling sabihin, Mahirap gawin"

Sana nga. pagkain na lang itong pagmamahal ko sa ex. boyfriend ko! Para kung mapanis man, itatapon ko na lang. Di ko na kailangang ibalik ulit, kasi nakalipas na.

And yeah! 3 years nang nakakaraan, simula ng magbreak kami ni Dylan..

1 year din naging kami..

At hindi ko alam kung saan, paano, kailan, ano, at bakit kami nag break. (Walang official break up kumbaga)

Basta! Bigla na lang siyang nawala....

Nawala ang lahat sa amin..

Sa pagkaka-alam ko, masaya naman kami. Pero bakit ganun?

Alam niyo yung bula na bigla nalang nawala, kasi binuhusan ng tubig?

Ganun kami......

Masakit sa pakiramdam, yung mawala yung taong mahal na mahal mo. Lalo na kapag hindi mo alam ang dahilan ng pagkawala niya...

Hindi mo alam kung, may nagawa ka bang hindi niya nagustuhan.

Kung nagsasawa na ba siya sayo..

Kung ayaw niya na makita ang pagmumukha mo..

kung hindi ka na niya mahal..

Sana sinabi niya na lang yung dahilan... Para hindi ako nagmukhang tanga na umasa sa wala.....

Maraming nagtatanong sakin noon kung kami paba!..

"Chloe, kayo pa ba? Bakit hindi kayo naguusap?"

Aba! Malay ko...

Ano nga ba isasagot ko?

Eh?! Wala ngang official break up, na naganap diba?!

Masakit isipin na yung taong mahal na mahal mo noon, ay dinadaan-daanan ka na lang ngayon!

Yung taong mahal na mahal mo, wala ng pakialam sayo....

Akala ko noon perfect na..

Kasi mahal na mahal namin ang bawat isa. Naiintindihan namin ang ugali ng bawat isa.

Akala ko 'FOREVER' na kami.

Pero yung inakala ko ay mali..

Sana pala hindi na ako nag-expect masyado.

Dapat nanahimik na lang ako..

Pinaasa ko lang tuloy ang sarili ko sa mga bagay na,

Hindi naman pala mangyayari..

Madaming nagsasabi na ang tanga tanga ko daw! Kasi hanggang ngayon mahal ko pa si Dylan.. Mahal ko pa yung taong matagal na akong kinalimutan..

Minsan naiisip ko ng mag move on....

Napapagod nadin kasi ako. Napapagod na akong umiyak. 

Napapagod nadin akong UMASA SA WALA. Oo! umaasa padin ako hanggang ngayon na magkakabalikan pa kami ni Dylan.

MOVE ON.. Madaling sabihin, Mahirap gawin. (One-Shot-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon