"Sorry." Sabi nung babae bago tuluyan ng lumakad
palayo dun sa lalaki. Naiwan na lang yung lalaki na
nakatayo na parang di makagalaw.
"Happy anniversary.. I love you." Bulong nung lalaki
at bagsak ang balikat na naglakad palayo hanggang sa
tuluyan nang bumagsak ang luha nya.
Yan ang eksenang inabutan ko sa labas ng Jollibee
sa tapat ng simbahan sa Pasig. Parang sa pelikula no?
Pero nangyayari din pala sa totoong buhay.
Kibit balikat na lang akong nagpatuloy sa paglalakad
papunta sa palengke. Malayo ang palengke sa bahay
namin pero mas minabuti ko ng maglakad na lang papunta
nung inutusan ako bumili ng nanay ko doon. Medyo weird
yung hobby ko na yun pero mahilig talaga ako maglakad lakad
kasi mas mabilis ako nakakapag-isip kapag naglalakad ako.
Pagkabili ko sa palengke, sumakay na ako pauwi. Syempre
ano ako tange? Dami dami ko nang bitbit maglalakad pa ko? haha
Ako nga pala si Neil.
Makulet.. sobra!Joker kahit korni naman.
Palangiti kahit sira-sira naman ang ngipin.
Pero sabi nila medyo kakaiba daw ako kasi kapag
tumawa or ngumiti daw ako eh parang wala pang tatlong
segundo eh seryoso na ulet ang ekspresyon ko.
Ewan ko ba, di ko din alam kung bakit ganun o ayoko
lang talagang aminin sa sarili ko yung dahilan?
Potah masakit sa ulo eh. Ikaw nang di nauubusan ng
mga bagay na iisipin. Paker di ba? haaay buhay.
Single ako.. pero not by choice.
wala eh! ganun yata talaga.
palagi na lang ata talaga akong ganito.
minsan naisip ko na din mag-apply sa seminaryo
pero naiiisip ko pa lang yung mga gagawin ko dun
parang ayoko na. Ni hindi nga ko marunong nung
senyas sa papuri sa Diyos kapag nagmi-misa. haha
Katulad din naman ako ng iba. Ang pinagkaiba ko lang
kasi, medyo seryoso ako pagdating sa topic na love.
Hopeless romantic to the extent na korni na, ganyan ako.
Gusto ko kasi yung parang sa pelikula yung bawat eksena
kapag kasama ko yung mahal ko. Kaso sa kaka-plano ko
walang nangyayari.. napapako sa pagiging plano na lang.
Walang lakas ng loob, mahiyain, chope, weak, torpe o kahit
ano pang tawag nyo dyan.. yan ang problema ko. haay!
Sige ako na torpe! Letse naman kasi sino ba nagpauso ng
ligaw-ligaw? di ba pwedeng 'I love you, tayo na ' na lang?
Eh kaso nga pala, hindi din ako nakakapagsalita kapag
malapit na siya. Minsan naman naka-ipon ng lakas ng loob
pero nauwi din sa wala. Alam mo yung basted? Haba nang
listahan ng gumawa sa akin nun. Potah naman kasi,
ako na nabiyayaan ng mukhang di na nauso. hahahaaays!
PROLOGUE.. to be continued.