Chapter Twenty One
I was practically skipping hanggang sa makababa ako sa first floor nitong aming bahay while having a huge smile on my face.
I'm already good para pumasok ngayong araw ng Biyernes. Buti na nga lamang ay dalawang klase ang mayroon ako ngayong araw at puro review lang din ang gagawin namin. Next week na ang midterms kaya medyo busy na rin kami. May written exam kasi tapos 'yung ibang subject, kahit hindi major, pa-reporting ang gusto.
Pagkababa ko ay naabutan ko ang iilang kasambahay namin na maaga palang ay nag aasikaso na dito sa loob ng bahay. Binati nila ako kaya ganun din ang aking ginawa kahit na alam kong medyo unusual sa kanila 'yon. I never greeted them, hindi dahil masama ang ugali ko, but because lagi akong lutang tuwing bababa ako galing sa aking kwarto.
It's either nagsunog ako ng kilay or talagang trip ko lang magpuyat nung gabi na iyon.
Some of them may be wondering kung bakit ganitong sobrang aga e ganito na ako ka-hyper at sobrang laki ng ngiti. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa akin ang mga kaganapan kagabi sa office ni Miss Costales.
After ng tagpo na iyon namin sa kaniyang office, saglit pa kaming nag usap about sa kung ano-ano. Hindi naman nawala ang pang aasar niya sa akin dahil sa ginawa ko noong nakaraan.
Kung iisipin, nakakatawa naman talaga ang mga pinaggagawa ko. Sa sobrang init sa Pilipinas, naggawa ko talang balutin ang sarili ko ng makakapal na damit para lang iwasan siya. Inamin niya sa akin kahapon na she didn't like that I am avoiding her kaya agad na akong humingi ng pasensya sa kaniya although lagi niya naman sinasabi na ayos lang daw iyon.
Napapailing na lang ako sa aking sarili tuwing naaalala ko. Dinamay ko pa 'yung dalawa kong kaibigan na sa huli ay tinawanan lang din naman ako sa katangahan ko.
"Felicity! Wow, you're early!"
Napatigil ako sa pag iisip ng tawagin ako ni Daddy na nasa hapag na kasama si Kuya. Pumunta ako sa kanila at naupo sa tapat ni Kuya, na weirdo na nakatingin sa akin. Kinunotan ko siya ng noo dahil sa mga binibigay niyang tingin sa akin. Problema nito?
"You're weird," sabi nito before munching her pancake. Babatuhin ko na sana ito ng tissue na nasa tabi ng aking utensils nang maalala na nandito nga pala si Daddy at nakatingin na sa akin, hinihintay ang susunod kong gagawin.
Pinakalma ko ang aking sarili before siya bigyan ng ngiting may halong sarkasmo. "E ikaw nga araw-araw tulala, hindi naman kita pinansin." Irap ko bago iabot kay Manang ang aking baso para lagyan niya ng orange juice. I need it everyday.
"Tingnan mo 'yang bunganga ng bunso mo, Dad." Tinuro pa ako nito ng mapang-akusa at gaganti na sana pero mabilis na kaming inawat ni Dad.
"That's enough. Nasa harap kayo ng pagkain," he sternly reprimand us, na nagpatahimik sa amin while still glaring at each other. Agang aga ay sinisira niya ang mood ko. "What time is your class, Felicity?"
"8:30 pa, Dad."
Dahil sa aking tinuran ay nangunot ang noo nito bago tingnan ang kaniyang wrist watch. "You're early. It's 6:30am. Saan ka tatambay na naman, Felicity?"
Maagap akong tumingin sa kaniya, "Hindi ako maggagala, Dad. Wala pang bukas na kahit anong pwedeng paggalaan at this time."
"E saan ka nga pupunta at napakaaga mo umalis? Susunduin ka ba ni Esther?"

YOU ARE READING
Cloaked Heart (Eastwood University Series #4)
RomanceEastwood University Series #4: Felicity Bryn Tuazon Felicity, a quiet and reserved student develops an unexpected bond with her austere but surprisingly humorous professor. However, as lectures unfold, so does a charming, witty side of th...