Chapter 5

1 0 0
                                    

~Chapter 5

Troy's POV

Mga sira-ulo nga naman..

"Bitwan niyo siya!" Sigaw ko sa mga maniac na adik na hawak-hawak si Chloe. May nakita 'kong kahoy sa may tabi at kinuha ko yun. At ayun, sinimulan ko ng pagpapaluin ang mga lasing na adik.

Buti na lang at nabitawan na nila si Chloe at nagtago ito sa likuran ko. E ang kaso, ako naman ang hinarap ng mga mokong. Huuu! Sige, kaya ko 'to! Patutumbahin ko ang mga pangit na 'to.

"Hoy! Huwag ka ngang mangialam dito!" Sigaw nung mataba sakin at dinuduro-duro pa ko.

"Sige! Lumapit kayo!" Pag-hamon ko sa kanila. Buti na lang at naaalala ko pa yung mga tinuro sa arnis noong nakaraang taon. Magagamit ko ang mga yun ngayon. Salamat sa teacher namin sa P.E. na si Ma'am Karen..

"Ha! Sinusubukan mo kame ah!" Sabi naman nung kasama niyang mukhang adik. Matapang lang ako ngayon dahil may hawak akong kahoy.

Bigla na lang sumugod yung mataba sakin at susuntokin na sana ako nito ng maipalo ko sa kamay niya ang kahoy at sipain siya sa tiyan. Natumba siya sa lupa at halata ang sakit sa mukha niya.

Ha! Buti nga.

Nawala agad ang ngiti ko sa labi ng maalala ko yung kasama niyang adik. Tsk.

At eto na nga ang loko, lumalapit na sakin na para bang nananakot. Hindi naman ako natatakot pero kinakabahan ako.

Nang makalapit na siya, papaluin ko na sana ng kahoy ng mahawakan niya ito at hindi ko na makuha ulit. Ayun, sinapak ko na lang at nasaktan naman ang loko. Napa-upo rin sa lupa at parang hindi na makatayo.

Ayun! Chance na naming makalayo sa mga pangit na 'to!

"Chloe! Let's go!" Ang sigaw ko kay Chloe at hinawakan ko ang kamay niya. Sabay na kaming tumakbo ng walang lingon-lingon. Ang nasa isip lang namin ay makalayo sa mga adik na yun.

"Hoy! Bumalik kayo dito!" Dinig kong sigaw nung mataba. Paglingon ko, hinahabol na niya kami. Pero yung kasama niyang mukhang adik, tumatayo pa lang. Patay! Mukhang balak pa kaming habulin ng mga 'to.

"C'mon Chloe, faster!" Ang sabi ko kay Chloe at binilisan pa namin ang pagtakbo. Hinihingal na kaming pareho pero di pa kami tumitigil sa pagtakbo. Dahil hindi pwede. Baka maabutan kami ng mga yun.

Sige lang kami sa takbo pero maya-maya ay tumigil rin kami para makapag-pahinga. Lumiko kami sa isang kanto at doon kami sa ilalim ng isang puno nagtago para hindi kami makita.

Dinig namin ang mga yabag ng paa nila sa pagtakbo at huminto rin ang mga 'to.

"Pare, nasaan na sila?" Tanong nung mukhang adik dun sa mataba. Alam naming nasa malapit lang sila kaya sinubukan naming hindi makagawa ng kahit anong ingay. Patay lang kami kung nagkataon.

"Mukhang dumiretso sila don Pare!" Dinig naman naming sagot nung mataba at tumakbo na sila padiretso. Buti na lang at hindi naisipan ng mga engot na lumiko dito sa kanto kung saan kami nagtatago. Dahil siguradong makikita rin nila kami dito.

"It seems like they're gone.." Bulong ni Chloe at lumabas na rin kami sa punong pinagtataguan namin. Wala na nga ang mga maniac.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi sinaktan na siya ng mga yun para madala na siya sa ospital.

"Thanks. I'm fine.." Sagot niya at ngumiti ng pilit.

"C'mon, let's go." At hinila ko na siya ulit para bumalik sa School. Baka kasi bumalik pa ang mga yun at makita ulit kami.

Blood BlondeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon