The Birthday Gift

4 1 0
                                    


*Andrei's VP*

Nabigla ako sa biglang pagdilim ng paligid hindi ako nakakilos ng siguro mga isang minuto.

Hahakbang na sana ako pabalik kay Alex pero bigla ng bumalik ang ilaw. Hinahap ko si Alex pero wala na siya.

Teka, saan nagpunta yun? Natanong ko sa sarili ko.

"Miss Andrei dito po tayo." May isang babae na lumapit sa akin at inaakay ako papunta sa loob ng cinema.

"Teka, bakit tayo pupunta diyan? Bukas pa naman kami manonood eh." At isa pa, hindi pa nga ako nakakabili ng ticket eh kasi diba biglang nag-brownout.

"Magsisimula na po ang palabas. Hinihintay na rin po niya kayo sa loob." Sabi ng babae habang pinipilit akong papasukin sa loob nh cinema.

Sumama nalang ako ng maayos. Andun naman na pala si Alex eh. Naku, pinapabili pa ako eh nakabili na pala siya.

"Niloloko mo naman ako ate eh, wala naman siya dito eh." Paano wala naman kasi ni isang tao dito sa loob.

"Hintayin niyo lang po, parating na rin siguro siya. Maupo na po muna kayo" ngumiti si Ateng sa akin.

Minabuti ko na ring maupo sa inaalok na upuan sa akin ni Ate, tapos biglang..

Crrrankkk

Biglang may kumapit na bakal sa kamay at paa ko. Huwaat? Nailock ako? Alam niyo yung parang sa mga movies na may malalock na bakal sa kamay at paa ng tao para hindi makaalis.

"Ate, ano to? Bakit hindi ako makaalis?" Tanong ko. Nag-aalala na ako. Hohostagin ba ako? Kidnap ba to?

"Sorry po maam. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, enjoy the film maam." Sabay alis ni Ate.

Enjoy? Paano ko maeenjoy kung may mga bakal sa kamay at paa ko.

Pinipilit kong hanapan ng paraan kung paano ako makakaalis sa pagkakalock sa akin sa upuan na ito ng bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses..

"Happy birthday Andrei" napalingon ako sa screen at nakita ko si Rein. "Alam ko natakot ka sa ginawa ko, pasensya na ha pero wala kasi akong ibang maisip na paraan." Oo siya nga ang nagsasalita sa video.

Umayos ako ng upo at saka inabangan ang susunod pa niyang sasabihin.

"Hay, paano ko ba to sisimulan." Napakamot pa siya ng ulo. "May gusto kasi akong aminin sayo noon pa, pero hindi ko alam kung paano sasabihin kaya sana pakinggan at panuorin mo lahat ng nasa video na to. " Eh kahit naman ayoko eh wala naman akong magagawa, nakaposas kaya ako dito oh. Haha joke. "Sana magustuhan mo ang regalo ko sa birthday mo."

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon