Lily's POV
Umaga na pero pakiramdam ko ay gabi pa rin at kailangan kong matulog ng matulog. Napapansin ko na napaka-antukin ko na tapos parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
Pero no choice , kailangan ko pa ring gumising , bumangon dahil kahit ganito kailangan parin na kumilos sa buhay kahit gaano ka kapagod . Luminga linga ako sa kama ko at kinapa-kapa yung cellphone ko pero wala ito.
Nasaan kaya yung cellphone ko ? Iniwan ko lang yun dito ah. Hanap lang Lily ..
Baka kasi nagtext sakin si Yulesis , baka may ipapagawa sakin yun. Nakuu!!! O kaya nagtxt at tumawag yung Bae ko :/ Mahirap na baka magkaroon agad kami ng LQ :(((
Sakto naman ang pagbukas ng pinto ni Mama at ibinigay sakin yung cellphone ko.
"Hinahanap mo to ano?" , sabay ngiti niya sakin.
Kakaiba yung ngiti ni Mama. Alam mo yung ngiting nakaka goodvibes? Eto yun at eto ang unang beses na ngumiti siya sakin ng ganito..
"Opo Ma :)" , sinuklian ko rin siya ng ngiti.
"Ayos ka lang ba anak ha? Lily?"
"Opo Ma , wala naman pong masakit sakin , talagang inaantok lang po ako tapos ang bigat po ng pakiramdam ko."
"Anak, wag kang matutulog ha? Ahm dapat sa gabi ka matutulog okay?"
"Ma? Pinagbabawalan mo kong matulog sa araw?"
"Oo anak. Gawin mo na lang at yun ang makabubuti sayo ha "
"Ma , alam mo ang saya saya ko po."
Tumingin sakin si Mama at unti unti na nababakas ko sa mga mata niya ang namumuong luha.
"Anak , pasensya ka na sa lahat ng nagawa ko ha? Patawarin mo si Mama."
"Mama , wala lang po sa akin yun , ang , ang mahalaga naman po sakin yung nagiging maayos na tayo :)"
"Pero anak , anuman ang mangyari lagi itong may dahilan. Laging may rason ang lahat ng bagay ha?"
Tumango na lang ako. Siguro may rason rin kung bakit sa tagal ng taon ay ganito ang pakikitungo sa akin ni Mama.
"Anak , lagi mong itanim sa isip mo na kailangan mong maging malakas . Na kailangan mong lumaban dahil kapag hindi ka lumaban anak , matatalo ka .."
Kakaiba yung mga sinasabi ni Mama , parang malaman. Parang there's a sentences behind those words .
"Ma, m-may problema ba?"
"Anak, kailangan mong malaman ----"
"Lily! Lily! "
Napatayo ako sa kama ko at sumilip sa bintana . Mula roon ay natatanaw ko si Haye.
"Ma , sandali lang po ." ,dali dali kong kinuha yung cellphone ko at bumaba na rin ako.
Pagdating ko agad doon sa gate ay pinagbuksan ko siya at pagkapasok na pagkapasok niya ay agad agad akong niyakap.
"Lily , what happened? Are you mad at me ?"
"Huh? M-mad? A-ano bang sinasabi mo Haye? Naguguluhan ako"
Paano naman ako magagalit sa kanya eh kahapon lang magkasama kami dito sa bahay diba? Tapos he kiss me pa kaya! Shaaaaaar :)))
"It's been a week na di ka nagpaparamdam sakin. Yung mga texts ko hindi mo sinasagot tapos yung tawag ko"
Naguguluhan talaga ako. Anong it's been a week?! Pinaglololoko ako ng lalaking to.