Naaalala ko pa......
Noong unang beses tayo nagkita sa library ng school
Nagkabunggo tayo noon...
Nahulog yung mga dala kong libro at since 'kasalanan mo' nagkasabay tayo ng pagkuha ng mga librong nahulog at sa noong huli ay nagkasabay tayo sa pagdampot...We looked at each other while our hands still on the book..
Noong mahimasmasan tayo sabay tayo napatayo at nagkauntugan pa...
Tuwing ibanabalik ko ang mga alala ko sayo sumasaya ako but a part is missing
"Ah thank you sa pagpulot" yaan ang unang mga salitang sinabi ko sayo
"Ahmm your welcome,sorry nga pala"
Yang mga sinabi mo may kasabay pa na pagkamot sa batok
Natatawa nalang ako pag naaalala ko...Simula noon lagi ng pinagtatagpo ang ating mga landas..
Noon ko lang nalaman na club mate pala kita..
Naging lab partners pa tayo noon
Lagi tayo magkasama..
Nagtatawanan
Nagkukuwentuhan
At isang araw, naging opisyal na magkaibiganNaging super close tayo noon
Ikaw na ang best friend ko at ako na ang bestfriend mo..Mahal kita ng higit pa sa kaibigan kaya lang masakit na ikaw mahal mo ko pero bilang kaibigan lang
Naalala ko pa noong araw na unang nawasak ang puso ko......noong araw na nalaman kong may girlfriend ka pala
"Chesca,I want you to meet my girlfriend,Erin"
When you said those lines para akong pinagbaksakan ng langit at lupa...
Sobrang sakit...
Yung mga luhang pinipigilan ko noong araw na yun binuhus ko lahat sa pagkauwi ko...Tinanggap ko yun, tinanggap ko na hanggang kaibigan lang ako- ayoko kasing mawala ka saakin..
Nagbulagbulagan ako kahit sobrang sakit na mahal pa rin kita...
Hanggang dumating yung araw na nakipagkita ka sa park, umiiyak ka noon. Noong nakita kitang ganoon yinakap kita, kahit kasi masakit mahal parin kita.
Naaalala ko pa noon yun ang unang beses na nakita kitang umiyak..
"Wala na Chesca,Wala na. Nakipag hiwalay na sya saakin..Inawan nya na ko,mag isa na lang ko,Wala na Wala na"
"Wag mong sabihin yan,Jacob. Nandito lang ako,Hindi kita iiwan.Nandito ko,nandito lang ako.Hinding hindi kita iiwan kasi mahal kita."
And with that napaiyak na lang ako...Simula nang araw nayun hindi kita iniwan kahit noong sinabi mong masasaktan mo lang ako...
Mahal kasi kita..Lumipas ang mga araw at gabi, buwan at taon bago mo sya nakalimutan...
Ngumingiti ka na ulit
Pero kulang pa, di ka kasi kasing saya noong kayo pa....Naaalala ko pa, yung pinakamasayang araw sa buhay ko...
Dahil sa wakas nagawa mo na rin akong mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo..."Mahal kita Chesca,higit pa sa kaibigan"
I was shocked that time but I managed to move.
Yinakap kita ng mahigpit at umiyak
"Mahal rin kita,Jacob. Thank you for loving me the way I do"Naging masaya tayo,bumalik na yung mga ngiti mong naging dahilan ng pagkahulog ko sayo.
Maraming araw ang lumipas na, ako na yata ang pinaka masayang tao sa mundo.
Pero wala talagang forever no?!
Naaalala ko pa noong natanggap ka sa agency bilang isang artista.
Ang saya ko noon para sayo..
Pero dahil doon nawalan ka na nang time para saatin.Bumalik sya sayo,si Erin, yung ex mo.
Tinanggap mo sya kahit tayo pa.Kahit di mo noon sabihin saakin, alam ko pero nagbulagbulagan ako, kasi alam ko iiwan mo ko pag nalaman mo..
Pag nakikita kitang kasama sya sa mga oras na dapat tayo ang magkasama, nakikita ko - nararamdaman ko na sya parin ang mahal mo at ginawa mo lang akong panakip butas.
Masakit pero tinanggap ko...mahal kasi kita sobra sobra at ikamamatay ko pag iniwan mo ko..
Hanggang dumating yung araw na pinaka-kina-tata-kutan ko. Yung araw na tuluyan mo na kong iniwan.
"Chesca itigil na natin tong kalokohan na to. Kami na ulit ni Erin at sya parin ang mahal ko."
"Alam ko.Pero kasi mahal kita eh. Ok lang naman saakin ma sya ang mahal mo basta akin ka lang,Jacob.Wag mo naman akong iwan oh,Di ko kakayanin"
Umiiyak na ko nung sinabi ko yan
Nagmakaawa ako pero sa huli iniwan nya parin akoIlang araw...
Ilang araw akong umiiyak..
Pinupuntahan parin kita kahit ilang beses mo pa ko ipagtabuyan...Lagi ko kayong sinusundan.
Para nga akong tanga na sunod ng sunod kahit sa bawat hakbang ko parang may mga karayum na sumusundot sa puso ko.Hindi parin kita binibitawan kahit ikaw matagal nang bumitaw.
Naaalala ko pa noong araw na binalita ka sa TV...ikakasal ka...ikakasal ka na sa kanya.
Masakit..ang sakit sakit...yung durog kong puso parang tinpaktapakan pa at sinunog...
Noong araw ng kasal nya,bulag na talaga ko...Ako si tanga pumunta pa.
Sa labas ng simbahan habang nagtetake sila ng vow doon ko lang narealize na dapat pala matagal na kong nagletgo para di na ganto kasakit...Kasal na sya sa taong totoo nyang mahal...
Dumaan na naman ang mga araw at di na gaano kasakit..
Pero isang araw habang nanonood ng Tv nakita na naman kita...
" Jacob Gonzales dead on arrival sa ospital matapos mabunggo ng ten wheeler truck ang sasakyan"
Nagmadali akong pumunta sa ospital at nakita ko doon si Erin sa loob ng morge kung nasaan si Jacob
"Erin, anong nangyari kay jacob?"
"Chesca? I am sorry"
Tumakbo sya.saakin at yinakap ako"Sorry?bakit ka nagsosorry saakin erin?"
Umiling lang sya at nilapit ako kay jacob.
Pagkakita ko sakanya napaiyak na naman ako
Niyakap ko sya kahit wala na sya.Baka ito na ang huling beses na mayakap ko sya.
"Chesca,may dapat ka malaman"
Umiiyak na rin si Erin.Napaharap ako sa kanya.
"Doon tayo sa labas"
Tumango lang ako"Chesca,sorry I am really sorry for ruining your relatioship. Ako ang dahilan ng lahat ng pag hihirap nyo I am sorry."
naguguluhan ako sa sinabi ni Erin"Ito basahin mo yaan.Naglalaman ng mga totoong dahilan nya. Sana mapatawad nyo ko"
Matapos nya sabihin yan umalis na sya
Umuwi ako dala dala yung sulat na inabot nya
Pag kauwi ko sa bahay agad ko binasa ang ang laman ng sulat
At matapos ko iyon mabasa napaiyak na naman ako at napasabing
"Jacob,I love you. I still do and I am sorry. Thank you for everything. You are my forever. I'll love you forever"