WHAT IF THE ONE THAT GOT AWAY COMES BACK?
Naransan mo na bang magkaroon ng 'The one that got away'? Malamang, Oo.
Halos lahat ng tao sa mundo ay may The One That Got Away. May taong pinanghihinayangan.
Yung Ex mo, Yung high school crush mo, Yung ka-MU mo, yung childhood friend mo, yung bestfriend mo, yung first love mo.
Yung tipong na sayo na, nawala pa. Masaya na kayo kaso pinakawalan mo pa. Yung dahil sa isang maling desisyon, nawala sya sayo.
Nakakahinayang no? Pero wala na, wala ka na maggagawa kundi manghinayang nalang. Minsan mapapa-isip ka, pano kung hindi mo sya/sila pinakawalan? Masaya ka kayo ngayon?
Minsan, dadaan ka pa sa BITTER STAGE kung san lagi mong sinasabi na, 'Makakalimutan ko din siya', 'Mapapagod din ako.' 'Sino ba sya?' Hanggang sa dadaan yung ilang araw, pero alam mo sa sarili mo na hindi mo parin sya nakakalimutan. Dahil sa kabila ng sakit na nararamdaman mo, kalaban mo parin yung Good memories nyong dalawa. At hindi mo nanaman maiiwasang ang manghihinayang.
Darating din yung araw na tatadtarin ka ng utak mo ng 'what ifs'
What if di ko sya pinakawalan?
What if pinaglaban ko sya?
What if hindi ako natakot na sabihin sakanya na mahal ko sya?
What if binaba ko yung pride ko?
What if hindi ako napagod?
What if di ko sya pinagpalit?
What if di ako nagalit sakanya?
What if pinatawad ko sya agad?
Pero darating din yung point na, magiging okay ka. Na tatawanan mo nalang yung mga katangahan mo dati. Na masasanay ka na wala yung presensya nila. Na nagiging masaya ka na ulit ng wala sila. Na tanggap mo na, na wala na talaga. Na darating yung araw na, mapapa-Thank God ka dahil okay ka na ulit.
Pero ano nga bang gagawin mo kapag bumalik yung 'The One that got away' mo? Babaliwalain mo ba lahat ng pinaghirapan mo na kalimutan sya? O Hahayaan mo na lang yung sarili mo na magpakasaya sa buhay na meron ka?
Would you take the risk to give them another chance?