Happy 20k Reads 🎉🥳 as promised here's a Special chapter for you. Enjoy reading everyone, Thank you for supporting me. Sobrang na-appreciate ko lahat ng 'yun🥰🥹
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kian Eros Clemente
Marriage shouldn't take lightly, dahil ang pakakasalan mo ay ang makakasama mo habang buhay.
"Kian Eros Clemente." Tawag ng aking asawa mula sa kwarto.
Shoot. She called me using my Full name. Am I in trouble?. Nag-madali akong pumunta sa kwarto naming dalawa at nadatnan ko siyang hawak ang isang blue na panyo na hanggang ngayon ay hindi ko namalayang natago ko parin.
"Saan mo nakuha 'to?!" She asked while showing the handkerchief.
Marahan akong lumapit sakanya. Naalala ko noon na ibinigay saakin 'yun ng bata sa Hospital noong makita niya akong umiiyak.
"I was about to throw that My Love. 'Wag kang mag-overthink. Wala akong babae. " Paliwanag ko.
Mabuti nang unahan ko siya kaysa mag-isip siya ng kung ano-ano.
She looked at me, Frustrated. "Itatapon mo 'to?!."
Sunod-sunod ang pag-tango ko. I don't want to see her Angry, At ayo'ko siyang nag-o-overthink.
"E. Saakin 'to! I gave this noon sa uhugin–"
Nabitin ang salita niya. Namilog ang mga mata niya sabay sapo sa bibig niyang naka-awang.
"Ikaw 'yun" sabay naming sambit.
"Tignan mo 'to. C.L.P....Camilla Luna Pellegrino." She said frantically habang tinuturo ang embroidered letters roon.
Namilog na din ang mata ko. Grabe naman kumilos ang tadhana, akalain mong siya pala ang nag-bigay no'n saakin, kaya pala hindi ko matapon-tapon.
Both of us laugh until I realized something. Unti unti'ng nawala ang mga ngiti sa labi ko at napalitan 'yun ng pag-nguso.
"Anong sinabi mo Camilla Luna?" I asked.
"Sabi ko saakin–"
"Pag-katapos niyan." Nakanguso parin ako. Pa-cute ba, baka sakaling bumigay siya sa pag-pa-pacute ko.
"Ah... binigay ko 'to noon sa uhugimg Bata." Natatawang saad niya.
Humalukipkip ako. " Ah... Uhugin pala,a."
Humalakhak naman ang Asawa ko na akala mo'y wala ako sa harapan niya.
"Totoo naman Kian. Sipon mo kaya tulo tulo na noon." Saad niya habang gamit niya ang dalawang daliri niya na animo’y sipon.
Inirapan ko siya na siyang dahilan ng pag-lapit niya saakin sabay yakap. I pouted my lips to hide the ghost smile. Ang bilis ko ba naman bumigay kay Luna, Yakapin lamg niya ako masaya na ako.
She pouted. "Sorry na my love. "
"Oo na. Palibhasa alam mo kung paano ako pa-amuhin." Saad ko sabay sukli sa yakap niya.
I can't imagine being this Happy. Buong akala ko noon ay tatanda akong binata talaga, but Luna came into my Life and gave me a perfect family that I will cherish for the rest of my Life.
I can't believe that Her beauty from beyond will make me Fall in love harder and Her strength will make me stronger.
![](https://img.wattpad.com/cover/378506814-288-k255006.jpg)
BINABASA MO ANG
FS2:FORCED TO BE PERFECT
Romance"All of us are Humans who commits mistakes and that's normal,Because Nobody is Perfect " Camillia Luna feels like she's a puppet, All of her decisions are made by her Mother, Her only choice is to Follow what she want her to do. Paano kung ang gusto...