Sabado ngayon..
Tutal wala naman akong ginagawa, ako nagprisinta kay lola na mamili sa supermarket. Nilista na ni lola lahat ng kailangan. Naalala ko lang, kaya siguro ako pinunta ng katawan ko dito sa mall dahil...
Ay oo nga! Bibili pala ako ng libro sa national bookstore. Balita ko kasi na-release na daw yung "Just Getting Started" ni Bieber! Oh my gosh my loves!
Kaso..
Habang naglalakad ako papunta sa National Bookstore
Kung minamalas ka nga naman talaga oh! Nakita ko pa yang unggoy na yan! Nakakabadtrip. Good mood na ako eh, nakita ko pa yan dito.
at kita mo oh, may kasama pang dalawang babae. Oo! Naglalandian sila! Nako! Sabi na nga ba eh, chickboy 'to eh. Bwisit talaga! Mga babae oh, kung makadikit.. Jusko!! Ang sarap hambalusin ng mga 'to! Dito pa talaga nag lalandian.
Iniwasan ko sila at dumiretso na sa National Bookstore. My favorite place.
Pag pasok ko palang..
Nakita ko na agad yung hinahanap ko..
Isa na lang siya. Akin na to. Bwahahaha
Kailangan kong kunin yun! Baka may makakuha pa ng iba. Hindi ko na dapat 'to pakawalan.
Pag tingin ko sa libro.. Para bang amaze na amaze ako *o*
Pagkuha ko..
May babae ding kumuha.. Oh no! Paano na yan? 😭
-
Julia Baretto's POV
Nakita ko siya.. Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi ko siya niloko edi sana hindi siya nagloloko ngayon. Hindi siya ganyan! Yung paglalaruan yung mga babae? Nasaktan ko nga siya ng sobra..
Papunta akong national bookstore.. Bibili ng libro
Pagkahawak ko nung libro.. May babae ding nakahawak
Pababayaan ko nalang ba? eh ayoko! Adik din ako kay bieber eh :(
"Ay.." sabi nung magandang babae na may hawak din ng libro. Mukhang mataray na mabait?
"Bibilhin mo ba?" Tanong ko sa kanya. Nakatulala lang kasi siya. Adik din siguro 'to kay bieber?
"Ah oo sana.." Malungkot niyang sagot
"Hindi, sayo nalang. Bilhin mo na. Magtatanong nalang ako sa customer service kung meron pa" Masigla kong sagot.. with smiling face pa! Syempre be friendly, tsyaka mukhang mabait naman 'to eh.
"Talaga? Okay lang sayo? *O*" Haha ang cute naman niya. Mukhang mas matanda siya sakin.
"okay lang talga" Sabi ko sakanya
"Thankyou thankyou thankyou!!" Masigla niyang sabi sabay yakap sakin.
"Haha you're welcome. ay wait lang ha? Magtatanong lang ako" sabi ko sabay punta sa customer service.
"Ahhh, miss.. Meron pa bang stock ng just getting started?" tanong ko sa babae..
"Uhmmm, tignan ko..
Ay meron pa. Isa nalang! Mabili kasi to eh." Sabi ng babae.. Hay! Buti naman
Pagbalik ko sa babae kanina.. Nandun parin siya. Wait, ano nga pangalan niya?
"Ah miss.. Ano name mo?" Sabi ko sakanya.. Kita mo yung saya sa mga ngiti niya
"Hi! Thankyou talaga ah? I'm mara and you are?" Tanong niya sakin..
Sabi na eh! Mabait talaga siya! I want her to be my ate.. Since wala akong kapatid na babae.
"I'm julia. Tignan mo oh, meron pang stock kaso last na 'to. Ang swerte natin!" Pagmamayabang ko. Totoo naman kasi..
Inaya nya akong kumain..
Para daw makapagpasalamat siya or sadyang gutom? :)
Mgkakasundo kami neto..
-
Daniel's POV
May mga kasama akong babae. Dalawa sila, napilitan lang akong kunin kasi nga nakita ko yung ex ko. Ex nga ba? Hayy.. Pero, nakita ko din si Mara! Nakakunot noo. Ang laki talaga ng galit niya sakin. Ano bang nagawa ko, bukod sa nabunggo ko siya? Mga babae talaga ohh
Makauwi na nga..
-
a/n: Thankyou! :> Keep on reading!! Sino kaya si julia? hmmm..
Be a fan! Comment.. Vote..Suggest!! :)