Chapter 28
Chistian's POV
Medyo alanganin pa akong sumunod kay Sabrina papasok sa loob ng apartment at dinala sa maliit na dining area niya.
It was nice seeing her again. The past days without her beside me was like living in hell. Hindi ako makatulog at makakain ng maayos. Hindi ako manginginom pero natutunan kong maglasing just to forget the emptiness and hurt I was feeling inside lalo na pag naaalala ko ang mga larawan nila ng Daniel na 'yon. That fvcking bastard!
But when I saw her last night, full of tears in her eyes, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Alam kong ako ang dahilan ng mga luha niya dahil alam kong nakita niya akong hinalikan ni Bianca. I didn't expect that wicked woman would kiss me kaya hindi agad ako naka-react.
Natigil ako sa pagmumuni-muni ng magsalita siya.
"Do you want to drink something? Coffee, juice or anything?" Biglang siyang humarap kaya halos magkadikit ang katawan namin dahil nasa likuran lang niya ako.
Naalala ko, ganito rin ang tinanong ko sa kanya nung una kaming magkita sa hotel kaya ginaya ko rin ang sagot ko sa kanya.
"How about your blood?" Biro ko para pagtakpan ang longingness na nararamdaman ko. Gustong-gusto ko na siyang yakapin. I want to feel her skin against mine again.
Nagkatitigan kami at parehong natawa. Her laugh made me ache more for her.
Pero agad din siyang bumawi at tumalikod saka binuksan ang mini fridge niya. But unlike before, she offered me coffee.
"Sorry, hindi pa pala ako nakapamalengke. Instant coffee lang ang meron ako." Nahihiyang sabi niya sa akin.
"It's ok. Whatever you have is fine with me." Ayoko na sana siyang abalahin pa kaso gusto ko pa siyang mapagmasdan ng hindi siya mako-conscious.
Sinusundan ko ang bawat galaw niya. Simula sa pagkuha niya ng tasa hanggang sa pagpapakulo niya ng tubig. I noticed her messed up face, her puffy eyes and couldn't help myself to feel guilty about it. I didn't want her to cry because of me and it was the last thing on my mind, making her cry.
Di ko na napigil ang sarili ko kaya tumayo ako at niyakap siya mula sa likod. Napapikit ako and I nearly cried ng maamoy ko ang natural fragrance niya. I missed her. So much. I missed her smell, her touch, her kisses. Naramdaman ko ang pag-tense ng katawan niya kaya lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.
"You don't know how much I miss you, baby." I whispered against her ear.
I'm not going to let her slip away from me after we talk. I'm just praying that she won't hate me after she hears everything I'm going to tell her.
Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at tinuloy ang pagtimpla ng kape.
I'm not interested in that damn coffee! Gusto ko sanang sabihin sa kanya.
Inabot niya sa akin ang tasa ng kape at nagpatiunang pumunta sa sala saka naupo sa maliit niyang sofa.
Sumunod ako sa kanya, pinatong ang kape sa table at naupo sa kabilang dulo.
Pareho kaming nagpapakiramdaman.
"I'm sorry.."
"Kumusta ka na?"
Magkasabay naming sabi at pareho kaming napangiti. Hindi na siya nagsalita pa kaya sinagot ko na ang tanong niya. "I'm...I'm not good until you come back to me."
Tumingin siya sa akin. "P-Paano si Bianca?"
I can see her insecurity in her eyes and I can't blame her for that.
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
General Fiction"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...