Unang una sa lahat, hindi ako kakanta. Pangalawa, hindi ko balak isulat ang lyrics ng The Man Who Can’t Be Moved. Naisip ko lang na gawin itong title, dahil ang balak ko naman talagang isulat e tungkol sa kung paano ka makaka-move on at kung bakit di ka maka-move on move on? Gaaash! Paano ka nga ba makaka-move on? Paano ka magsisimula? E paano kung mahal mo pa siya, paano mo ba siya makakalimutan? Paano, paano, paano?!
“Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang traffic sa EDSA, i can’t move on!”
Ang saklap siguro no? Yung kapag naaalala mo pa din siya kahit tapos na. Yung mga bagay na ginagawa nyo dati hinahanap hanap mo. Yung mga masasayang moments na magkasama kayo at sabay na nangangarap. Tapos sa isang iglap, sa isang kurap, bigla na lamang maglalaho at mawawala. Nakakapanghinayang, parang bigas na nasayang.
“Moving on is an easy thing, if you start accepting everything.”
“Ang sakit sakit sakit sakit! Kasi naman e, bakit kasi iniwan nya ko? Hindi nya na ba ko mahal? Bakit ang bilis nyang sumuko? :(“ Yan siguro yung dinadaing ng puso mo ngayon. E paano ka nga naman makaka-move on, kung hindi mo matanggap yung nangyari sa inyo? Alam mo, tanggapin mo na lang kasi yung nangyari. Tanggapin mo na lang na hanggang dun lang yun.
“Moving on is a hard thing to do, but it’s almost always the best thing to do.”
Oo, madaling sabihin na mag-move on ka na nga! Pero napakahirap gawin. Bakit? Kasi? Kasi maaaring umaasa ka pa din na magiging okay pa ang lahat. Na malay mo, magkabalikan pa kayo? Kahit alam mo naman sa sarili mo na malabo yun mangyari. Sus! Ano ka ba? Wag ka ngang magpakatanga. Isipin mo na lang kaya yun nangyari kasi hindi talaga kayo para sa isa’t isa. Wag mo nang ipagpilitan pa! Kasi lalo ka lang masasaktan e. Lalo mo lang pinahihirapan yung sarili mo. Madami pa namang iba dyan e. Ayaw mo lang kasing buksan ang mga mata mo para sa iba. Kasi patuloy kang nagbubulag-bulagan sa maling tao.
“Forget the past that made you cry, focus on the present that makes you smile.”
Siguro ang magandang gawin mo, ituon mo ang atensyon mo sa iba. Mag-focus ka sa mga importanteng bagay. Gawin mo ang mga dapat mong gawin. Wag mong pansinin ang mga bagay na nagpapaalala sa’yo sa kanya. Balewalain mo. Wag kang magpaapekto. Unfair kaya! Siya iniisip mo, e siya? Iniisip ka ba? O di ba ang sakit? Hayaan mo na lang.
“Kalimutan mo na siya! Hindi siya kawalan no!”
Bitter lines? Hindi no! Oo, tunog bitter, pero itong linyang ito ang magpapalakas ng loob mo. Tama, hindi naman talaga siya kawalan e. Oo minsan nyang pinasaya ang buhay mo, pero nasaktan ka din naman e. Basta isipin mo na lang, kailangan mo siyang kalimutan kasi yun ang kailangan.
Ngayon, ano na bang papel mo sa buhay nya? Pagkatapos matapos ang tinapos sa inyong dalawa, masasabi mo pa bang pinapahalagahan ka pa din nya? Minsan may mga bagay talaga na kailangan mo na lang tanggapin kahit masakit. Kasi lahat ng pinipilit masakit! Isipin mo na lang, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Kasi kahit ilang milyong advice ang ibigay sa’yo ng mga kaibigan mo, ikaw pa din ang magdedesisyon.
Tulungan mo ang sarili mo, wag kang magpa-alipin sa damdamin mo. Balang araw, kapag naka-move on ka na, yung mga masasakit na nangyari sa’yo tatawanan mo na lang. Nakakatawa talaga ang mga failures, pero once na nag-success ka sulit naman e! Loser noon, winner ngayon! Move on move on din pag may time! Last but not the least, always think of this:
“Never regret. If it’s good, it’s wonderful. If it’s bad, it’s experience.”
BINABASA MO ANG
How can i move on, when i'm still in love with you?
Teen FictionThis is a piece of advice that will take you in reality.