Magandang araw mga mambabasa! Ako nga pala si Flan Brielle “Kim” Carlobos, 19 years old ako nung sinimulan kong isulat ang librong ito, kasabay din neto yung MissAtomicBomb & MissAtomicBomb2, kung gusto nyong maintindihan ng lubos etong storyang ito, basahin nyo muna yung mga nasabing libro, makikita naman yun sa Wattpad eh!
Okay kung tinatamad naman kayong basahin yung mga yun, Simplihan na natin.
Nagaaral ako sa Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa, Hindi doon sa mismong main campus ah! Para malinaw, Ako ay nag-aaral sa College of Technology o ngayo’y mas kilala nang Institute of Technology, Okay, para malaman nyo kung saan yun, kung nag-aaral kayo sa PUP Main Campus, sumakay kayo ng tricycle tapos sabihin nyo dun sa may Antique House, dun nyo makikita kung saan nagsimula lahat ng storya na nagawa ko.
Ginawa ko nga pala etong storya na to bago sya grumaduate, Si Angeline Casanova, Sya yung babaeng tinutukoy sa MissAtomicBomb & MissAtomicBomb 2, wag kayong mag-alala hindi to love story, para malinaw lang, eto yung mga bagay na gusto kong gawin bago sya grumaduate.
Basahin nyo muna kase yung mga naunang part para lubos nyong maintindihan.
Okay, Simulan na natin yung mga bagay na gusto kong gawin para sa kanya.
Oo nga pala, eto ay likha ng Flan Brielle Creations
“Sorry.”
Unang bagay na gusto kong gawin eh yung, Mag sorry sa kanya, siguro mga thousand times na ako nag-sorry sa kanya, pero ang lagi nyang sagot, “Wala ka naman na dapat pang ihingi ngsorry eh, Okay na yun, Tapos na lahat.” Pero alam ko naman sa sarili ko na sobrang mali yung ginawa ko sa kanya, as in! Siguro matatawag ko yung sarili ko na paasa, nangako ako sa kanya na maghihintay ng kahit ilang taon, pero ayun, NAGAWA KONG MANGIWAN, diba? Paasa ako? Pero hindi lang yun yung dapat kong ihingi ng tawad sa kanya, napakarami sobra! As in! Isa-isahin natin? Sige.
Yung paninira ng Relationship, yung pakikisaw-saw sa kanila, yung pagiging moody,attitude problem,seloso,paasa,sinungaling,katangahan at ang pinaka malala? Yung mahalin sya ng sobra-sobra kahit alam kong hindi TAMA!
Gusto ko lang mabalik yung dati naming samahan, pero ayoko na ulit maging isang Comfort Zone, gusto ko yung KAMI dati, hindi yung KAMI ngayon, hindi ko naman hinahangad pa yung pagiging mag-on eh, “Yung pagiging mag-on? Bonus na lang yun, doon pa lang sa samahan namin while we’re on that journey, solve na solve na eh!”Okay na sa akin yung mapatawad nya ako, yung pagpapatawad na okay na yung lahat sa amin, pwede na namin ibalik yung dati, yung wala ng itatago pa, yun! Yun yung hinahangad ko bago man lang sya umalis sa college namin, bagong simula na kase sa kanya yun after the graduation eh. Papasok ka na sa realidad ng buhay propesyonal, hindi ka na pwede pang magkamali. Yan! Eto yung unang bagay na gustong-gusto kong gawin.