Pag-ibig niya (Maikling Kwento)

17.3K 59 36
                                    

Note: Una sa lahat, gusto ko sanang humingi ng pasensiya kay Ellaine kung ngayon ko lang 'to naipost dito sa Wattpad. Medyo busy kasi. You know? May summer class kami at review. Anyway, better late than never di ba? Hoho.

Birthday niya nung March 31 at ito ang regalo ko para sa kanya. "Belated Happy 18th Birthday Sis!"

Mahal kita kaibigan at mahal ko din ang ating wikang Filipino kaya medyo purong Filipino ang ginamit ko. Hehe. Sana magustuhan niyo.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Sa panahon ngayon, hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala sa tunay na pag-ibig na 'yan."

Sambit ko habang nakatanaw sa labas.

"Alam mo, walang perpektong pag-ibig pero, mayroong totoo. Maniwala at ipaglaban mo lang." Sagot ni Jessa. Isa sa mga kaibigan ko.

***

Halos apat na araw na mula nang makauwi ako sa bayan namin. Nakaupo ako sa may balkonahe ng bahay habang nakatanaw sa dagat. Napakaganda ng umaga at hindi gaanong mainit ang pagsikat ng araw. Tanaw na tanaw ko din kung gaano kalinaw at kakalma ang dagat. Parang ang sarap maligo.

Hindi sinasadya, natanaw ko siya sa di kalayuan. Si Richard. Tumingin siya sa direksiyon ko kaya nagkatitigan kami.

Magkakilala na kami simula pagkabata pa lang, magkabarangay sa probinsiya at malapit na magkakaibigan ang mga magulang. Madalas silang bumisita sa bahay noon kung saan madalas din nilang sinasabi na ipapakasal daw nila kami ni Richard kapag nasa tamang mga edad na. Ako naman ay todo kontra. Madalas ko nga din sabihing, "Imposible!" Pagkatapos, tatalikod at iirapan siya.

Si Richard naman, hindi kumokontra at hindi din naman sumasang-ayon sa kanila.

Inis na inis ako sa kanya noon pero siya, lalo lang naman akong inaasar at pinipikon. Pareho ang pinasukan naming eskwelahan sa Elementarya, Hasykul hanggang sa unang taon sa kolehiyo. Hindi kami magkasundo simula elementarya pa lang kaya nga, ikinagulat ko ng sobra noon nang magsimula siyang manligaw. Nasa ika-apat na taon na kami sa Hayskul nun.

Tuwang-tuwa ang mga magulang namin sa panliligaw ni Richard subalit, kung anong saya nila, 'yun naman ang inis at asar ko dahil sa kanya. Inis na inis ako noon sa presensiya niya. Sukdulang pagkapikon at pagkainis siguro.

Madalas niya akong bigyan ng mga regalo, bulaklak at kung anu-ano pa. Nakakainis siya kasi, kahit ilang beses ko pa siyang supladahan at sungitan, parang wala lang sa kanya. Mas nakakainis lang di ba? Maliban diyan, hinahatid-sundo niya pa ako, kaya halos araw-araw siyang may natatanggap na katarayan at kasungitan sa akin noon. May mga panahon din dati na madalas niya akong haranahin. Minsan, sa eskwelahan, madalas sa bahay. Inaasar-asar pa ako sa bahay ng dahil dun. Sa inis ko, madalas na tinatapunan ko lang siya ng tubig.

Sa kabila ng mga katarayan at kasungitan ko sa kanya, naging masugid at matiyagang manliligaw pa din siya. Dagdagan pa ng suporta ng lahat sa kanya.

Dumating sa punto na nasakal at nagsawa na ako. Kaya, nang may dumating na oportunidad para makapag-aral ako sa maynila, sinunggaban ko kaagad.

Sa ikalawang taon sa kolehiyo, tuluyan na nga kaming nagkahiwalay ni Richard. Tandang-tanda ko pa noon ang malungkot na mukha niya nang malamang sa Maynila na ako mag-aaral. Magpaganun pa man, wala pa ring nakapigil sa pag-alis ko.

Umalis ako ng hindi man lang nagpapaalam sa kababata at sa masugid na manliligaw ko.

"Ellaine! Bumaba ka na diyan at kakain na." Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang tawag ni Mama. Inalis ko ang tingin mula kay Richard at pumasok ulit sa kwarto ko. Ibang-iba na ata siya ngayon.

Pag-ibig niya (Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon