XXIV.
-Xyla-
"Xyla, ang gwapo pala nung Jungkook na 'yon 'no?" Biglang sabi ni Mama kaya nabilaukan naman ako.
Agad kong inabot yung baso ng tubig saka ininom. Napatingin naman ako sa kanya saka nagkunwaring nasusuka.
"Yuck Ma! Sa lahat ng pwede nyong sabihin eh 'yon pa? Tch. Patingnan nyo na po sa doktor ang mata nyo." Sagot ko saka ipinagpatuloy ang paglamon.
"Asus! Denial pa! Pero boto ako sa kanya." Nakangisi nyang sabi kaya nabilaukan ako ulit. Naman! Gusto 'ata ni Mama na mamatay ako dahil sa pagkakabilaok.
"Ma! Hindi po sya kandidato ng election para botohan nyo! Atsaka 'di ko type 'yon 'no!" Nandidiri kong tugon.
"Ke gwapo ng batang 'yon eh hindi mo type?! 'Wag mong sabihing tibo ka?! Hoy Xyla, 'di ako nahirapang iluwal ka para lang maging tibo." Ismid sa 'kin ni Mama kaya naman napairap ako. Mukha ba akong tibo?!
"Ma, demonyo 'yon! Masama pa ang ugali! 'Wag mong sabihin na 'yan ang gusto mong lalaki para sa 'kin?" Tanong ko with a 'like-duh' tone.
"'Wag kang mag-alala. Magkalahi lang kayo!" Nakangiti nyang sagot. Tss. Ayos 'tong nanay ko ah! Kung makapag-admit na demonya ako -_-.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan eh dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga. Si Mama na ang bahala dun sa kusina. Kumbaga 'eat and run' ang peg ko ^_^.
Hay. Babalik na talaga ako bukas. Wala nang resistive force ang pipigil sa 'kin. Chos! Lintek na Physics 'yan.
Nag-ready na ako para matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko 'yong inabot saka tiningnan.
'1 message received from Hudas.'
Ano na namang kelangan ng hudas na 'to?
'Good night.
Gm.'
'Yan ang laman ng text message nya. Langya. 'Kala ko kung ano na. Group message lang pala. Tss.
"Ayieeeee! Babalik na sya!" Ngingiti-ngiting sabi ni Thea saka ako sinundot-sundot. Tinabig ko naman 'yong kamay nya saka nangalumbaba.
Nagtext sa 'kin si Candy kanina. May practice raw mamayang hapon at sa Lindon High daw 'yon magaganap. So basically, kelangan kong pumunta sa school nila.
"Tigil-tigilan mo ako Thea baka pukpukin ko 'yang kamay mo at nang bumaon sa lupa." Harsh kong sabi saka napatingin na naman sa cellphone ko. Nag-vibrate na naman kasi.
BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
FanfictionXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...