XXVIII.
-Xyla-
Yumuko ako saka nag-isip ng pwede kong isagot sa kanya. Pero kahit anong gawin kong pagkalkal sa utak ko, wala akong makuha.
"I'm not affected. In fact, I agree with him. A friend is different from a girlfriend. Pwede nang i-gm." Nakangiti kong sabi. But I know deep inside na lalabas na ang luha ko.
But who cares? 'Di ako ipinanganak para umiyak sa mga bagay na 'di naman worth it iyakan.
"You're...different." Sambit nya habang nakakunot ang noo nya.
"Yes I am. Kung iniisip nyo na mahal ko na si Jungkook, well you got it wrong. If you think affected ako, nope. Never. And to prove that, sasali ako sa practice bukas. Hindi ko sya iniiwasan. I just need to prioritize my studies. Now, my tanong ka pa ba?" Sabi ko pero umiling lang sya.
Tumayo naman ako saka nagpagpag ng skirt.
"Uuwi na ako. See 'ya tomorrow." Sabi ko saka ngumiti. Kumaway naman sya.
Ilang metro na ang layo ko sa kanya nang bigla nya akong tawagin. Lumingon ako saka nagtaas ng kilay.
"May aaminin sana ako! MATAGAL NA KITANG CRUSH!!" Sigaw nya kaya napangiti ako. Sheyt! Myghaaad! Sabi ko na nga ba at may hidden desire 'tong si V sa 'kin. Tsk! Imma so BEAUTIFUL!
"TALAGA?!!" Nakangiti kong tugon. Tumango-tango naman sya.
"OO! KAYA LIBRE MO AKO BUKAS!! 'DI KAYA MADALING MAGKA-CRUSH SAYO!!" Sigaw nya kaya napapoker face na lang ako. So ganun?! Nahirapan sya sa lagay na 'yon?!
"JOKE LANG! PERO ILIBRE MO AKO BUKAS!!" Sabi nya. Nag-thumbs up ako sa tumango.
Sige ba! Basta pakasalan mo ako! ^_^
---------------------
Andito ako ngayon sa labas ng dancing room nila. Actually, kanina pa ako nakatayo rito. 'Di ko pa feel na pumasok.
Nung akmang bubuksan ko na ang pinto, bumukas 'yon saka tumambad sa 'kin ang mukha ni Jungkook. Bigla na lang akong kinabahan. Tangna mo lang Xyla! 'Di ka naman affected 'di ba?! Ba't parang gusto mo syang sakalin dahil sa sinabi nya?!
"Hey." Sambit nya with a blank expression. Gusto kong malungkot kasi ngayon lang ulit nya ipinakita sa 'kin ang ganyang expression. Pero no. Wala akong dahilan para malungkot.
"Hi." Nakangiti kong sabi. Tumango naman sya saka tuluyang lumabas. Naiwan lang ako dun na nakatayo. Gusto ko 'atang mag-nervous breakdown.
Pumasok ako sa loob saka nakita silang nagppractice. Bigla naman silang napatigil sa ginagawa nila. I looked at them at parang nalulungkot sila para sa 'kin. Psh. Ba't naman sila ganito?!
"Hi guys!" Masigla kong bati pero ganun pa rin ang expression nila. Haha. Akala talaga nila mahal ko si hudas at nasasaktan ako kasi wala na akong pag-asa. Mga baliw talaga!
"Makatitig naman kayo! Ang ganda ko eh 'no?!" Singhal ko sa kanila. Medyo nabawasan naman ang sad expression nila.
"Hi Xyla! Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Kailly. Tumango naman ako saka ngumiti.
"Hoy Xyla! Ililibre mo pa kaya ako!" Sabat ni V habang nakapout. Geez! Ba't ang cute nya?!
"Sige. After ng practice." Sagot ko. Bigla naman silang nagreklamo.
"Ba't sya lang?! Pa'no naman kami?" Pagmamaktol ni J-Hope.
"Ang sabihin mo, pa'no kayo ng baba mo!" Singhal ni Jimin. Natawa na lang ako.
"Xyla, ilibre mo nga si pandak ng Cherifer. 'Pag 'di umepekto, Growee naman ang bilhin mo. 'Pag 'di pa rin umepekto, aba! Ipaalbularyo na 'yan!" Sabi ni Sabrina kaya nagtawanan kami.
"Jin, may dala ako para sayo." Masaya kong baling kay Jin. Nagulat naman sya.
"Talaga? Ano?" Excited nyang tanong. Inilahad ko naman ang isang Magic Sarap na worth 2 pesos.
"Ayan. Para sa mga lulutuin mo." Sabi ko. Actually, gusto ko lang syang asarin pero 'di nya 'ata 'yon na-gets.
"Salamat. Pero 'di na ako magluluto pa!" Malungkot nyang saad saka tiningnan nang masama si V.
"O, ano na namang ginawa ko?!" Singhal ni V, ang alien na crush ako! Ayiee! Kenekeleg ake!
"Ba't mo sinabing pangit ang lasa ng niluto kong sinigang?!" Galit na tugon ni Jin.
"Malay ko bang sinigang 'yon?! Nilagyan mo kasi ng 'love' na word gamit ang oyster sauce!" Sigaw ni V.
"Sabi kasi ng cooking instruction, cook with love! Sumusunod lang ako!" Sabi ni Jin. Sheyt. 'Di ako na-orient na tanga pala si Jin. -_-
"Asan pala si Candy?" Tanong ko.
"Sa Baguio. May inaasikaso pa." Sagot ni Beth.
"Bumili ng pustiso." Rinig kong bulong ni RapMon. Napahagikhik na lang ako. Baka nga tama sya!
Pagkatapos ng kulitan namin, nagsimula akong mag-warm up. Sila naman eh nagppractice para sa gagawin nilang sayaw sa darating na competition. 2 weeks from now 'yon gaganapin. You're asking kung kasali ako? Well, nope. Sa susunod na competition pa ako isasabak.
Chos! Kung makapagsalita ako, parang ang galing-galing ko.
Biglang bumukas ang pinto at biglang pumasok si Jungkook. Natahimik naman kami sa pagbabangayan. Pero bigla na lang akong napatigil sa ginagawa ko nang may sumunod na pumasok.
"Hi guuuyyyyssss!!!!" Bati nya.
W-what? Akala ko next week pa sya makakabalik. Ba't ang aga?
BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
FanfictionXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...