XXXI.

2.1K 106 29
                                    

XXXI.


-Xyla-


"Hey." Bati nya sa 'kin. Ngumiti naman ako.


Andito kami ngayon sa Eden Park, sa mini house to be exact.


"Hi!" Sambit ko. I received a text from him. Gusto raw nyang makipag-usap.


It's been two weeks simula nung huli kaming nag-usap dun sa amusement park. After that, we never said anything to each other.


"Musta na?" Tanong nya. I pursed my lips saka tumingin sa paligid.


"Okay lang. Tss. Ikaw dapat ang tanungin ko nyan!" Sagot ko saka umirap.


"Ako? 'No sa tingin mo?" Malungkot nyang tugon.


"Ikaw? Ewan ko. 'Yang ilong mo, mas ewan ko!" Sabi ko kaya natawa sya nang mahina.


"By the way, I just wanna say sorry." Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Ang i-open up nya ang isang bagay na ayaw kong pag-usapan. Juice colored! 'Di pa ako ready!


"H-huh? Okay lang 'yon!" Sagot ko although 'di pa ako sure kung ba't sya nagsosorry.


"No it's not okay. I gave you unintended signals. I'm sorry 'cos I tried to divert my attention on you. Akala ko kasi makakalimutan ko si---sya." Sambit nya kaya napangiti ako nang mapait.


AKALA. A word that I hate to hear lalo na kung galing sa kanya.


"It looked like I used you. My sorry is not enough. Pero Peach, I swear to all the creatures on Earth na ang pakikipagkaibigan ko sayo ay hindi fake. All the laughter that we shared, totoo 'yon. And for that, I thank you." Patuloy nya. Tumango ako saka ngumiti. He just called me Peach.


"It's okay Jungkook. Pasalamat ka at 'di umepekto 'yang charms mo kuno sa 'kin." Pang-aasar ko.


"Oo nga eh! Thanks 'cos hindi ka nagpadala sa kalandian ko noon." Sabi nya kaya natawa ako.


Pero deep inside, gusto kong maglupasay. Hindi nya alam na nahulog na ako sa kanya. Si V lang ang nakakaalam nun. Pero okay lang. 'Pag nalaman kasi nya, mas magiging complicated ang lahat.


"Tara na nga! Ang pangit mong magsenti! Nakakapucha masyado 'yang taragis mong ilong!" Sabi ko saka naunang maglakad. Sumunod naman sya sa 'kin.


"Hay! Thank you po at 'di nyo hinayaang mahulog sa 'kin ang babaing 'to! Kundi baka dumiretso ako sa impyerno!" Sigaw nya habang nakatingala sa langit.


"At ba't ka naman mapupunta ro'n? Although talagang may chance kang bumagsak dun!" Sabi ko kaya binatukan naman nya ako.

Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon