Epilogue

2.5K 115 45
                                    

Epilogue.


^^Maybe it's not about the happy ending. Maybe it's about the story.^^


'Welcome home Xyla.' Bati ko sa sarili ko. Andito ako ngayon sa airport at naka-disguise ako kasi ayaw kong pagkaguluhan nila ako. Chos! Feeling artista ang peg ko!


Alam nila Mama na ngayon ako darating pero nagpaalam ako na didiretso ako sa Lindon University. Dun na kasi nag-aaral ang lahat ng BDT members including my schoolmates.


I stopped going to school kasi nag-focus ako sa career ko. But now, I'll enrol here kahit na 2nd sem na. Who cares about graduating early?! -_-


I stopped first sa condo na tutuluyan ko. Alangan naman kasing dalhin ko ang lahat ng bagahi ko sa school nila. Thea told me that nasa school raw ang BDT at nagppractice.


She became my secret agent. Chos! Sya ang nag-iinform sa 'kin kung ano nang nangyayari sa BDT pero nawala ang communication namin last month at ngayon lang 'yon bumalik. Nang magtext sya, she said na nakita raw nyang nagppractice ang BDT.


It's time to see them again. To see him again.


When I arrived at Lindon University, dumiretso ako sa guidance office to get a special enrolment slip. Bihira lang 'yon. And mind to tell you, nakapang-disguise pa rin ako.


"Good morning. Anong kelangan mo?!" Masungit na tanong nung babae sa 'kin pagpasok ko. Napairap na lang ako. Tss. Good thing at nakasuot ako ng salamin.


"Special enrolment slip." Cold kong sabi. Kumuha sya nun saka inilagay sa table.


"Name please." Mataray nyang sabi. Napangisi na lang ako. Will she be surprised with my name?


"I change my mind. Mamaya na ako mag-ienrol. I'll just roam around. Para malaman ko kung okay lang 'tong school na 'to." Sabi ko saka tumalikod.


"Excuse me?! Are you-----"


"You're not excused. Sorry." Sabi ko saka umalis. Tss. Bwiset! Panira ng mood!


Padabog akong naglakad sa hallway. Hay. Nagiging dragon talaga ako pagdating sa mga taong ganun! Alangan namang kasing magpaapi ako 'di ba?!


Napatigil ako bigla nang may marinig akong music.


'Dancing Room'


Basa ko dun sa nakapaskil sa pintuan nung room na kaharap ko. Bingo! Bwahahaha! It's showtime!


Binuksan ko 'yon nang dahan-dahan saka ako sumilip. Yeees naman! Ang swerte ko 'ata ngayon?!


I found them busy practicing. 'Di man lang nila ako napansin na palihim na sumisilip sa kanila. Hinanap ko si Jungkook at nakita ko syang nagsasayaw. Ginagaya naman sya nina Suga. Nakita ko rin si V at in all fairness, ang gwapo na nya!

Dancing Queen (BTS: Complete) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon