Dinamayan
Pumasok ng klasrum si Ayza, as usual walang kumakausap sakanya. Loner, hindi siya nabubully kasi hindi siya nag-eexist para sa iba. Matalino pero di nagrerecite bumabawi na lang pag may exam. Ang hirap makapasok sa mundo ni Ayza. Pero isang araw habang naglalakad siya pauwi hinarang siya ng isang lalaki sabay tutok ng kutsilyo. "HOLDAP TOH'!"... Pero nagtaka ang holdaper dahil walang ka-emo emosyon sa mukha ni Ayza. Basta niya lang binigay ang lahat ng laman ng wallet niya pati na rin ang cellphone niya. "Multo ka ba???"-holdaper. Tinitigan lang siya ni Ayza ng walang kaamor-amor. Nagtaka ang holdaper pero tinuloy pa rin ang pagnanakaw sakanya. "Alis na! Wag kang magsusumbong sa pulis!"- holdaper. Tumango lang si Ayza at naglakad pauwi. Nang sumunod na araw, wala na namang nakakapansin sa existence ni Ayza hanggang sa mag-uwian na. Naglakad na naman siya pauwi at nakasalubong na naman ang holdaper! Napataas ng kilay ang holdaper ng kusang nilabas ni Ayza ang wallet at ipod nito....!"Wala na kong cellphone... kinuha mo na kahapon."- walang kaamor amor na sabi ni Ayza. Naglakad lang ng diretso si Ayza at naiwang nagtataka ang holdaper. Nang sumunod na araw, as usual di na naman siya nag-eexist at nagkasalubong na naman sila ng holdaper. Nilabas ni Ayza ang wallet niya at inabot sa holdaper pero binalik ito sakanya. "Gusto mo ng kausap??"- holdaper. "Hindi.."- Ayza. "Bakit para kang multo??"-holdaper. Tinitigan lang siya ni Ayza at naglakad paalis. Nagtataka na naman ang holdaper. Nang sumunod na araw ganun at ganun rin ang nangyayari. Pero isang araw, habang naglalakad pauwi si Ayza. Hinarang siya ng mga kaklase niyang lalaki at pinagtripan. Inaangat-angat pa ang palda nito at pinagbalakan ng masama si Ayza....
"Hindi niyo ba siya titigilan o papatayin ko kayong lahat?!!"
For the first time, nagka-emosyon si Ayza habang nakikita ang papalapit. Ang holdaper! Nakaramdam ng takot ang mga lalaki ng makita nilang may hawak na kutsilyo ang holdaper at nagsitakbuhan!
Naiwan si Ayza na umiiyak at ang holdaper na nakaramdam ng awa sakanya. Lalapit na sana ang holdaper pero tumakbo pauwi si Ayza! Nang sumunod na araw pinangilagan si Ayza ng mga lalaking nambastos sakanya. At tulad ng inaasahan sakanyang pag-uwi nakasalubong niya na naman ang holdaper. Hinayaan lang siyang dumaan nito pero siya mismo ang lumapit dito! Binigay niya ang isang malaking paperbag at wallet niya dito! "Salamat..."- Ayza. Napangiti ang holdaper at tinanggap ang bigay nito. Naglakad pauwi si Ayza at sa kauna-unahang pagkakataon, ngumiti siya. Nang sumunod na araw as usual hindi siya nag-eexist sa klasrum. Nang uwian na nakasalubong niyang muli ang holdaper. "Salamat pala sa mga siopao kahapon, nagustuhan ng mga kapatid ko." pangiting sabi ng holdaper. Ngumiti si Ayza at naglakad pauwi. Nagtaka siya dahil nakasunod pa rin ang holdaper hanggang sa makarating siya sa bahay. Nang mga sumunod na araw, paulit ulit lang ang nangyayari. Pati ang pagsunod ng holdaper sakanya pauwi...
Sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdan ng seguridad si Ayza. Hindi man nila aminin, napapangiti sila pag nakikita nila ang isa't isa. Sa paglalakad nila pauwi biglang umulan ng malakas! Walang payong ang dalawa! Biglang hinawakan ng holdaper ang kamay ni Ayza at dali-daling naghanap ng masisilungan! Habang naghihintay tumila ang ulan hindi napigilang mag-usap ng dalawa. "Masaya ba magnakaw?..."- Ayza. Napatawa ang holdaper sabay sabing, "kakaiba ka talaga! hahah..tsk.tsk.".
Napangiti si Ayza at di maiwasang mapatitig ng holdaper. "Wag mong hayaang apihin ka nila...lumaban ka."-holdaper. Natahimik si Ayza sabay yuko. Dahan-dahang hinaplos ng holdaper ang buhok ni Ayza. Napatingala si Ayza at nagkatitigan sila na para bang nangungusap ang mga mata. "Puprotektahan muna kita habang di mo pa kaya..." nakangiting sabi ng holdaper. Napangiti si Ayza at biglang niyakap ang holdaper! Nagulat ang holdaper at nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Nanatili ang dalawa sa magkayakap na posisyon.....
Hanggang sa tumila ang ulan at magkahawak kamay na naglakad pauwi ang dalawa. Naging ganito ang araw-araw na buhay ni Ayza. Sa unang pagkakataon natuto siyang maging masaya lalo na tuwing uwian. Ngunit isang araw, sakanyang pag-uwi. Hindi niya nahagilap ang holdaper! Nakaramdam siya ng lungkot at nagpatuloy ito sa loob ng isang linggo. Hanggang sa isang araw, biglang lumapit sakanya ang mga kaklaseng nambastos sakanya!
"Nakikiramay kami..."
Nagulat si Ayza at nagtaka....
"Anung ibig mong sabihin?"- Ayza.
"Nabalitaan naming napatay ng magnanakaw ang kaibigan mo....Yung' nagligtas sayo nung kuwan...ku..kuwan..alam mo na..sorry nga pala dun"
O.O
"Wala na sya.....?"
"Hindi mo ba alam yun?? Napanuod ko sa t.v. namukhaan ko siya... "
Biglang bumuhos ang luha sa mata ni Ayza at humagulgol ng iyak. Pinatahan siya ng kanyang mga kaklase at sa pinakalma....
Sa kanyang pag-uwi, namumugto ang mga mata niya. Napatigil siya sa lugar kung saan palagi siyang inaabangan ng holdaper....
Napaluhod si Ayza at bumuhos ang luha sa kanyang mga mata....
"Sabi mo.... puprotektahan mo ko?..."
Biglang umulan ng malakas at tila ba nagluluksa pati ang langit....
Wala na ang taong nagpabago sakanya. Ang lalaking laging sumusunod sakanya at handang siya'y damayan....
sa maikling salita..
WALA NA ANG TAONG MAHAL NIYA...
Sa kanyang paglakad pauwi pakiramdam niya'y nakasunod pa rin siya... Ang lalaking nagpatibok ng puso niya sa unang pagkakataon.....
*END*