What is Love? Define Love....

94 3 0
                                    

Lahat na ata ng kwento na nabasa ko merong tinatawag na LOVE,pero ano nga ba ang love?

 Para sakanila eto ang meaning ng LOVE.

-Para sa mga tanga/bobo - Love is just a simple word consisting of 4 letters (Ang galing nung bobo nag english pa haha xD)

-Para sa mag bf/gf - Love is that feeling you get when you meet the right person.

-Para sa mga matalino - Love is a sensation (based on physical and emotional attraction)

-Para sa umiibig- Love is  full of sacrifices.

-Para sa mga bigo/sawi sa pag-ibig - Love is pain.

Kung pagninilayan natin,wala pa sa mga iyan ang tunay na kahulugan ng LOVE,dahil para sa akin eto ang tunay na kahulugan ng LOVE..........

Ito’y makapangyarihan tulad ng Diyos,

Wala itong pinapakinggan,

tama man o mali..

Wala itong pinipili,

Mayaman man o Mahirap,

Maganda at Pogi man o Panget..

Ito’y mapanlinlang,

Itinatago nito ang mali at tama,kaya’t huwag padadala sa mga nakikita..

Ito’y hindi isang sandata ,

ngunit ito’y nakakasakit..

Hindi ito nakikita,

Hindi nahahawakan,

Ito ay nararamdaman..

Hindi ito istasyon ng tren,bus o kung ano pa man,

Pero madami ang nag aabang.

Hindi ito hinihintay,

Ito ay kusang dumarating..

Hindi nabibili,

Hindi rin napupulot,

Ito ay pinaghihirapan

Hindi ito crayola,

Ngunit nagbibigay kulay sa buhay ng tao..

Hindi ito isang lason,

Ngunit ito ay nakakamatay..

Hindi ito isang sakit,

Ngunit marami na ang biktima..

Hindi ito magnanakaw,

Pero kailangan nating ibigay ang lahat para lamang hindi masaktan.

Hindi ito isang superhero,

Ngunit pinagtatanggol nito ang mga naaapi..

At lalong hindi ito sibuyas,

Ngunit maraming luha ang sinasayang..

Madami ang naghahangad,

Lahat sila naghahanap,

Ngunit sa huli nananatili silang bigo..

Maihahambing din ito sa isang libro,

Dahil sa likod nito.

Iba’t ibang kuwento ang nakasulat,

May.....

Masaya,

Malungkot,

Kasawian,

Pighati,

At ang malala pa ay ang kamatayan..

Ngunit ang kaibahan nga lang ay hindi ito sa papel nakasulat,

Kundi sa puso’t isipan na kailanman ay hindi na mabubura..

Hindi ito isang baterya na may positive at negative,

Ngunit pinag aattract nito ang dalawang tao na magkaiba ang kasarian..

At ang huli,

Ito ang nagbibigay buhay sa lahat ng bagay..

Ito ang mundo ng PAG-IBIG..

Isang mundong magulo ngunit maraming kapupulutan ng aral,

Isang aral na magpapatatag sa atin at huhubog sa ating pagkatao..

Binubuo ito ng apat na letra..

Hindi ito basta maikling salita na may apat na letra..

Ito ay espesyal at makapangyarihan..

Dahil bawat tao ay may iba’t ibang kahulugan nito,na kanilang pinaniniwalaan.

Paniniwala na para sakanila ay tama at makabubuti.

At iyan ang tinatawag na LOVE.

What is Love? Define Love....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon