LWAS - Last Chapter [84]: The Ending
*Russel's POV*
Ilang taon na ang lumipas, ilan na nga ba? Dalawa, tatlo,apat, lima? Hindi ko na nabibilang. Ang tagal niya na palang wala sa tabi ko, sana kung nasaan man ang kaluluwa niya ngayon. Masaya na siya. Kahit anong mangyari mahal na mahal ko siya.
Sayang at hindi kami pinagsama ng Panginoon ng ganoon katagal, pero alam ko na may dahilan ang pagkamatay niya. Anim na taon na, andito ako ngayon sa puntod niya. Kahit di umabot ng forever ang pagsasama namin, alam kong minahal niya ako at minahal ko siya.
Hindi yun mawawala, sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon Cash. Alam kong pinapanood mo ako ngayon, dati ako ang nagbabantay sayo ngayon ikaw naman? Salamat sa masasayang araw ng pagsasama natin. Mahal na mahal kita.
"Hoooy! Nae salang anong ka-dramahan nanaman yan ha?"
Tumayo ako at sinalubong ang nae salang ko. Ang ganda niya parin kahit may anak na kami. Naguguluhan ba kayo kung sino yung namatay? si Cash yun, yung aso ko. Love na love ko kaya yun! Tapos namatay pero okay lang dahil andito naman si Cashmere. Ganito kasi yung nangyari.
*Flashback 6 Years Ago (Wedding)*
Akma babarilin ni Karina si Cashmere, pero biglang tumalon si Cash, yung aso ha? At siya yung nbaril. That's why napasigaw ako ng sobrang lakas. Yang aso rin yan ang dahilan kung bakit kami nag-kabati ni Cash nun.
"CAAAAAAASH!"
Pagkatapos bumaril ni Karinna kinuha na siya ng pulis at dineretso na agad sa American Embassy. Hindi na rin siya nakapanglaban.
Si Cashmere naman, parang gulat sa mga pangyayari. Tinabi na nila yung namatay kong aso, pero syempre tinuloy nanamin yung ceremony. Bigla nga napuno ng tawanan kasi akala namin intense na yung mangyayari but thank God, hindi.
Humarap na kaming dalawa kay Father na may smile parehas sa labi namin at magkahawak ang kamay.
"I require and charge you both, as ye will answer at the dreadful day of judgment when the secrets of all hearts shall be disclosed, that if either of you know any impediment, why ye may not be lawfully joined together in Matrimony, ye do now confess it. For be ye well assured, that if any persons are joined together other than as God's Word doth allow, their marriage is not lawful. "
Nagpalitan kami sandali ni Cashmere ng tingin, nawawala na sa isip ko lahat ng mga masasamang nangyari saamin sa oras na 'to. Lahat ng lungkot, sakit at galit parang nawala sa isang iglap. I think that's the magic of love.
Pagkatapos ng ilang sandali nag-continue narin magsalita si father.
"Matt Russel Gonzales, Wilt thou have this Woman to thy wedded wife, to live together after God's ordinance in the holy estate of Matrimony? Wilt thou love her, comfort her, honour, and keep her in sickness and in health; and, forsaking all others, keep thee only unto her, so long as ye both shall live?"
Ngumiti muna ako kay Cashmere bago sumagot.
"I will. Father."
Pagktapos humarap naman si Father kay Cashmere.
"Cashmere Allhaine Sophia Yip Wilt thou have this Man to thy wedded husband, to live together after God's ordinance in the holy estate of Matrimony? Wilt thou love him, comfort him, honour, and keep him in sickness and in health; and, forsaking all others, keep thee only unto him, so long as ye both shall live? "
Tumingin saakin si Cashmere, then gave me a slight smile.
"Yes. I will."
"Who giveth this Woman to be married to this Man?"
BINABASA MO ANG
Living With A Stranger Series #1: Living with A Stranger
Teen Fiction[WILL HEAVILY REMAKE ON SUMMER 2015] 'WAG MUNA BASAHIN PARA HINDI MAGULUHAN. MAGULO PA. PURO FLAWS AT GAWANG BATA SO LET ME REVISE IT FIRST, SALAMAT PO. ©Sophie Badillo | All Rights Reseved 2013 Cashmere has it all. A rich, loving and great family...