A Pretty-twisted Story

30 0 0
                                    

Chapter One: I think I’m in love?

            “Ano ‘yon?” tanong ni Winter sa dalagang katabi sa puno. May nakita kasi s’yang tuko na nakadikit sa sanga.

Napatingala naman ang dalaga sa turo n’ya. “Hindi mo nakikita? TUKO!”

Napatawa naman si Winter sa turan nito. “Mali, hindi yan tuko.”

Napataas naman ang kilay ng dalaga sa sinabi n’ya. “Oh anong gusto mong palabasin? Kahit baliktarin ang mundo tuko parin yan. Hindi yan magbabago kahit kailan. At wag mong sabihing hindi ko yon alam dahil tuko lang yan.”

Mas lalo namang napahagikhik si Winter sa turan n’ya. Mas lalo namang nainis ang dalaga. “Hindi ka specific eh, yan tuko oo alam ko. Pero ang pangalan n’yan ay E-ri-fe.” Saad nito na talagang nanunudyo and dating.

Agad naman nagtagis ang bagang ng dalaga ng marinig yon sabay tagpo ng dalawang kilay. “Ah ganun ha!” kapagkuway pabagsak n’yang binitawan ang hawak na papel! Agad naming tumakbo si Winter habang napapahalakhak sa tuwa. “Bumalik ka ditto monggo! Ipapakita ko sayo kung sino ang tuko sa ating dalawa! Hoy!” at tumakbo sya’t  hinabol ito. Agad naming kumantyaw ang lahat ng mga kaklase ng naghabulan silang dalawa sa gitna ng group practice na iyon.

“Oy, andyan na naman yan ha! Magkakatuluyan talaga kayo ba!” katyaw ng isa nilang kaklaseng lalaki.

“Hindi mangyayari yon dahil hindi ako papatol sa walang-modong lalaking walang magawa sa buhay kundi bastusin at inisin ako araw-araw!” saad ni Erife habang hinihingal na huminto sa pagtakbo.

“Diyan yan nagsisimula.” Saad naman ng isang babaeng kaaklase nila.

“Erife! Tuko! Hahahaha!” parang batang saad ni Winter sa di kalayuan.

Naitirik na lamang ng dalaga ang mata sa inis. Kahit kalian talaga walang modo ang lalaking yon. Simula ng maging magakaklase sila sa grade III sya na ang pinupuntirya nitong tuksuhin kada araw at magpahanggang ngayon na high school na sila. At hindi n’ya alam kung paano nangyari yon. Basta biglaan nalang at sila na ang nagging tampuhan ng tukso sa buong klase. Hindi n’ya rin maintindihan kung bakit parang wala lang sa lalaki ang sinasabi ng mga kaklase nila. Patuloy lang ito sa paggulo sa tahimik n’yang buhay araw-araw na parang hindi ito napapagod kahit isang oras lang. “Hoy Winter, pag di mo pa ako tinigilan dyan sa mga walang sense mong mga ewan pakakainin talaga kita ng lupa.”

“Bakit? Malawak lupain n’yo?” Sarkatiko nitong saad. Napahalakhak naman ang iba sa sinabi ng binata.

“Aba’t-” nanggigil naman si Erife na nakatayo. Talagang ang baliw nato oh! “Wala, pero tandaan mo yang maigi!”

Napabuntong-hininga naman ang binata at unti-unting lumapit sa kanya. “Hindi mo yon magagawa alam mo kung bakit?” saad nito na inilapit pa ang mukha sa kanya. “Dahil po,” at tinitigan s’ya na parang nang-aakit. “gwapo ako to the max.”

Nawalan na talaga s’ya ng pasensya at agad itong pinalo. “Ang kapal! Kapal! Kapal! Kapal!”

“Aray, hoy! Tumigil ka nga! Tigil ba!” at hinawakan ang dalawang kamay n’ya. “Kung makasakit ka daig mo pa si Pacquiao!”

“Ah ganun? Bakit? Nasuntok ka naba ni Pacquiao ha!? At isa pa kung nasuntok ka man n’ya sana lang hindi kana nagising pa kahit kalian. Na-comatose kana sana at talagang magpapapyesa ako, gago! Wag mo nga akong hawakan!” pumiglas s’ya rito at binitawan naman s’ya.

“Wooww, magpapapyesta? Yaman mo day!” at binatukan ang ulo n’ya.

“Wag mo nga akong hawakan!” saaad n’ya ditto. Kapagkuwa’y napabunga s’ya ng hangin para kalmahin ang sarili. “Alam mo ha, making ka, kahit kalian hinding-hinding hindi ako magkakagusto sayo!” sigaw n’ya ditto at agad tumalikod at nagmartsa paalis. Naiwan naming napapatawa si Winter doon.

A Pretty-twisted StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon