CLARRISE's POV:
Hindi ko akalain na si papa pala na yon. haha pahiya naman ako dun ee.
akala ko siya pero mabuti na din iyon.
maya-maya ay tapos na magusap sa telepono sila mama at papa.
muli na naman nag ring yung bagay na ayoko munang gumana ngayon....
ang lintik na telepono na yon.
"Risse! telepono!" ang sigaw ni kuya galing sa salas.
"Sino ba yan, sabihin mo pag nalaman ko lang kung sino siya sa school babatukan ko siya.. istorbo ehh." banat uli ni kuya.
agad kong inangat ang extension ng telepono dito sa kwarto.
"HELLO??" ang pataray kong sabi.
"Hello. Ako uli to. Sorry kung nagiging makulit na ako.. gusto lang naman kitang maging kaibigan ee." ang sabi ng nasa kabilang
"Ok." ang pagkakasabi ko sa mababang tono.
"Sino ka ba kasi??" ang tanong ko sa kanya pero kalmado ko naman siyang tinanong.
"Pag ba sinabi ko sayo kung sino ako papayag kang maging kaibigan mo ako??" ang tanong niya sa akin.
"Sure." yan na lang ang biglang lumabas sa bibig ko.
sure daw pero hindi naman sure. makasagot lang.
"Kilala mo ko for sure... ako lang naman yong... sinasabi nilang looooooser. " sabi niya sabay tumahimik siya na tila nag aabang sa sasabihin ko.
"JV?????" napa ubo ito at saka lang nagsabi ng "Oo. Ako."
"sabi na ako lang naman ang looser sa campus. aray." ang sabi niya sa telepono.
ang totoo.... hindi naman siya looser talaga e. iba lang trip niya kesa sa iba.
tapos 'out of this world' pa kasi kung pumorma.
yung buhok niya na para pang girl. kasing haba ng lang ng sakin eh. ilang pagalit na natanggap niya sa mga teacher namin pero dedma lang.
Kung tutuusin, kung aayusan mo siya na parang tao. gwapo siya.
bad boy ang peg pero mabait.
"ikaw lang pala. luko ka akala ko kung sino na ee." ang patawa kong sabi.
"Okay lang sayo??" ang gulat na tanong niya sa akin
"Oo naman. Bakit dyosa ba ako para hindi maging kaibigan mo??" ang sabi ko naman sa kanya.
"Akala ko kasi....." ang sabi niya tapos bigla siyang tumahimik.
"Bakit... gawa ng itsura mo??" ang sabi ko sa kanya.
tahimik lang siya.
"I think yun nga ang reason mo kung bakit takot ka makipag kaibigan sa akin. Oh well, hindi naman ako choosy sa friends.. and i know naman that your a nice guy."
"thanks! by the way.. can i call you ri-ri too?"
Shit lang. dahil sa tanong niya naalala ko na naman siya.
"sa tingin ko, Risse na lang.." ang malungkot kong sabi.
"Im sorry Risse." ang sabi naman niya.
-------------------------
JV's POV:
Ang tanga ko lang, bakit pa naisipan kong itanong kung pwede ko siyang tawaging "Ri-ri" e ayun nga pala ang tawagan nila ni Gio. Pinaalala ko lang tuloy ang tungkol sa ugok na yun.
"Im sorrry Risse." yan lang nasabi ko.
"okay lang yun, past is past ika nga nila."
"okay sabi mo eh.. bukas sabay tayo maglunch, okay lang ba??" ang kabado kong tanong sa kanya.
"Oh, sure. walang problema dun.."
ayos! ako na ata ang pinakamasaya sa mga minutong ito.
uunti-untiin ko lang.
sa totoo lang kaya ko lang naman gusto siya tawagin ng riri kasi... para bang gusto ko ako na yung pumalit kay Gio.
at pasasayahin ko siya.
at kapag nangyari yun, isa lang ang pangarap ko..
ang ligawan siya at sagutin niya ako...
SANA..
----------------------------------
Break Time:
Nakita ko si Jv, papalapit sa table ko.. welcome naman siya.
"Miss Ponce, pwedeng makishare ng table?" ang tanong niya sa akin.
"Sure, no problem."
Tumabi siya a binigyan niya ko ng juice.. na may sticker na smiley.
"ikaw nga." ang sabi ko na tatawa tawa lang.
"ahh Oo, ako nga.."
at nagtawanan lang kami pero napansin ko yun ibang tao, ang sama makatingin kay Jv.
"Yuck! naturingang napakaganda mo Clarisse tapos kay Jv ka lang sasama."
"Oo nga."
"Loooooser"
ang sabi ng mga chismosang school mate at classmate namin.
ng dumating si Kuya Caleb.
"hey lil' sis." ang laking gulat niya sa katabi ko.
"Oy! Jv, pare!"
"Hey, Kuya Cal.."
at ako... O____O
"Close kayo??" ang tanong ko sa dalawa.
"naman.. were in the same band po kaya. remember sis yung kinukwento ko sayo about sa new band ko??" ang excited niyang pagkakasabi
"ahhhhhhh." Oo, yun lang nasabi ko. nganga kung nganga.
Akala ko masasapak niya na si Jv kanina e. buti naman at close sila.
"So, Jv ... mga Ponce naman ngayon ang kinakaibigan mo ahh.. hahahahahahaha"
umepal ang basketball player ng campus slash playboy slash bobito naman.
"excuse ME! EHEM!!" at tumayo ako. Oo uli. Ako nga yun. si Risse. hahaha
"FYI Mr. not so gwapo and epal basketball player ng campus. Ako ang nakipag kaibigan sa kanya.. and he just accepted it. Saya ko nga eh."
lahat nganga sa sinabi ko pati mismo si Jv at si Kuya naman panay ang palakpak.
"Bravo Sis! Bravo!"
"Oh ano tol, natameme ka sa kapatid ko no? tara na nga magbasketball na lang tayo kesa mang gulo ka sa dalawang yan.." ang sabi ni Kuya Caleb kay Mandy Castro.
"thank you Risse." ang sabi ni Jv while nakatungo and looking under the table.
"Nice one Jv, ikaw na friend ni Miss ganda!" sigaw naman ng iba niyang tropa.
tatawatawa lang siya.
================================
ayan yung laman ng chapter 5 ko. presenting Clarisse's secret admirer na si Jv. ipopost ko later kung sino ang sa tingin ko ay nararapat na maging Jv. :))
maglalaway kayo kung sino yun. ako kasi pati sipon tulo. hahaha JK.
VOTE? COMMENT? LIKE? Go lang ng GO!
-MB.