FELICITY's POV
weeks have past. at nakalabas na nga si nanay.
nakakalbo na si nanay, at pumapayat na din. maputla at nanghihina. epekto ng sakit nya. patuloy parin kaming nananalangin sa paggaling ni nanay, pero alam ko na alam ng Diyos kung ano ang kapalaran ni nanay. at di ko kukwestyonin yun.
and weeks have past at graduation na nga. bukas na yun
sa bahay..
"BESTFRIEND~~!! WAAAAAH GAGRADUATE NA TAYO~!! OM MY GOSH~~!!" sigaw na naman ni Trinity =__=
"ang ingay mo naman Trining. bakit ka napasugod dito?" nakakairita kasi ang boses nito si Trinity e. pwede naman normal naakas ng boses lang diba? nakakagulat kasi parang laging may sunog.
"e kasi bestfriend, graduation na natin bukas wala pa tayong damit at shoes. kelangan bongga tayo diba." kung pwede lang kumintab ang mata, malamang kanina pa kumintab ang mata nitong si Trinity.
nagtataka siguro kayo noh. sa school kasi namin pwedeng hindi na uniform ang suotin namin sa graduation. kasi naiintindihan naman kami ng teachers at principal. kasi nga last na namin to sa school at graduation pa.
"meron na kong susuotin, ito oh." pinakita ko kay Trinity yung dress ko na white. na nakahanger na. nilabhan ko na yan kagabe. paplantsahin nalang.
"AYAN~!! bestfriend naman, Valedictorian ka. tsaka Graduation ang pupuntahan natin, hindi palengke." naiiritang sabi ni Trining
tama po kayo ng basa mga readers, ako nga po ang Valedictorian, naipasa ko po ang Final Exam namen. entrance exam na lang sa College ang pinaghahandaan namen ni Trinity.
"e bakit ba, e sa ito lang ang matinong damit na nakita ko e."
"kaya nga kita sinugod dito e.tara na." sabay hila na naman sakin ni Trinity
"teka san na naman tayo pupunta? hindi pa tayo nagpapaalam kapy nanay at tatay"
"TITO~!! TITA~!! KIKIDNAPPIN KO LANG PO MUNA SI FELICITY HA~!!"
sumilip naman si tatay at tumango na lang sabay ngiti.
at yun na nga andito na kami sa sasakyan nila. susko po. nakapambahay lang ako tas naka tsinelas, buti na lang talaga at maayos na damit ang nasuot ko. pag nagkataon puro aircon tong damit ko.(yung damit na maraming butas)
"oh bestfriend wag ka ng aangal ha. ako ang masusunod ngayon kung ayaw mong iwan kita dito" sabi ni Trinity.
hindi na lang ako nagsalita.hindi na rin naman ako mananalo sa kanya e. tsaka wala akong pera baka maglakad ako pauwe.
at yun nga, alam nyo na siguro. nagshopping kami ni Trinity. sya na daw bahala. edi sya na. yaman kasi e
"oh bestfriend sukat mo to, bilis bilis."
"ano ba namang damiit to Trinity, para naman akong cotton candy dito. pink pa. ayoko nito"
e kasi naman para naman talaga akong cotton candy dun sa damit na binigay nya sakin e.
tumingin tingin ako sa paligid.. napatingin ako sa isang dress.
"yun ba ang gusto mo bestfriend." sabay lapit ni Trinity sa dress na tinitignan ko.
"oh sukat mo na bilis." nakangiting sabi ni Bestfriend.
pero syempre tinignan ko muna kung magkano. nakakahiya naman kung mahal to e libre lang naman to ni Trinity.
O_____O
4,000?? e sweldo ko na yun ng para sa dalawang bwan e.
"naku bestfriend.ayoko nito ang mahal. grabe. baka mangati lang ako dyan. tsaka alam kong di naman yan bagay sakin." sabi ko habang binibigay kay Trinity yung dress..
BINABASA MO ANG
The Life of Vida Felicity Cruz (ON GOING)
Ficção Adolescentehindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. ang buhay din natin ay parang story sa wattpad.. kelangan nating ienjoy ang bawat chapter ng buhay natin.. kada chapter may bagong character. at sa ending depende kung happily ever after, o may part 2 pa...